Chapter 23

3.7K 99 7
                                    


CHAPTER 23

"Vanessa Forbes! Saan ka ba nagsusuot?!" Inis na sigaw ko. Nauna akong umuwi sa kanya matapos ang eksena namin ni Jared sa restroom.

Nagtext na lang ako na mauuna na dahil mahigit isang oras na akong naghihintay sa kanya. Masyado na ring dumadami ang mga tao sa Mall.

"Sorry. Akala ko naman kasi matatagalan ka pa, eh. May nakita kasi akong kakilala and nabanggit niya na naghahanap siya ng isang condo unit kaya sinales talk ko na."

Natatawa man ay tinarayan ko pa rin siya. "Sorry na. Sure buyer naman kaya bawi na ako sa'yo."

"Sigurado 'yan ha?" She raised her thumbs up and winked at me.

"So, kamusta ang pagkamiss ng mommy." Panunuya niya.

Kaya wala akong nagawa kundi ikwento sa kanya lalo na ang sagutan at nagawa kong pananampal kay Jared.

Sumeryoso ang mukha niya. Alam ko rin naman na nakakasawa na ang paulit-ulit na kwento ko tungkol sa nangyayari sa amin ni Jared, pero patuloy lang siyang walang sawa na nakikinig sa'kin.

"Cleine, I'm not telling you to follow what I said, but please rest." Hindi ako nakaimik, I know this time she will say something to me.

"Masyado ka ng maraming nagawa para sa lalaking iyon. Tama na muna, please. Ipahinga mo na muna ang sarili mo. Nang makapagisip- isip ka na kung tama pa ba na ipaglaban mo ang taong ni maliit na atensyon ay hindi kayang ibigay sa'yo. " she held my hands, tightly.

"Kapag hinayaan ulit ng tadhana na magtagpo kayong dalawa na hindi mo pinipilit, doon mo siya ipaglaban. Kasi sa oras na 'yon alam kong ready na ulit ang puso't- isip mo. Kung siya pa rin ang tinitibok nito." then pointed my heart before leaving me in the living room.

Those words hits me so hard. Alam ko ang mga bagay na sinabi niya pero pilit ko lang itinatanggi sa isip ko na baka may rason lang siya kaya naging ganun ang trato niya sa akin.

Sumapit ang gabi na limit lang ang imikan naming dalawa ni Vanessa. Nirerespeto niya ang katahimikan ko. Alam ko rin naman na binibigyan niya rin ako ng oras makapag isip.

"Goodnight." I just smiled then closed the door.

Uminom ako ang isang basong gatas na nasa side table bago nahiga. Hinahaplos ko ang aking tiyan habang maliit ang boses na kinakausap siya.

"How's my baby there, hmm?" I'm talking like my baby's going to talk back.

Wala pa mang umbok ay ramdam ko na may laman ang aking tiyan. Kaya lang minsan ay nakakalimutan ko na dala dala ko ang aking anak kaya hindi ako nakakapag ingat.

"Hindi na naman kita naingatan kanina. I'm sorry. Masyado akong busy sa daddy mo na nakakalimutan kita." Muli na naman akong napaiyak sa nag uumapaw na emosyon.

Nakakapagod nang umiyak nang umiyak pero hindi ko maiwasan. "Don't worry, huli na 'to. Huli na, na iiyak si mommy dahil sa tatay mo. I'm sorry, baby. I-I'm so s-sorry...."

Napatakip ako sa aking bibig ng maglabas ito ng mumunting hikbi. Pilit kong pinipigilan ang aking iyak dahil sabi nila kapag umiiyak ang nanay, umiiyak din ang baby sa tiyan.

Hindi ko lang talaga mapigilan. Tama nga si Vanessa, masyado na akong maraming isinasantabi dahil sa taong iyon. Pagod na ko sa mga push and pull stunts niya.

Oras naman na para sarili at baby ko ang unahin ko.

Gumising ako na may mabigat na ulo at naduduwal. Darn, morning sickness sucks. Nag-ayos muna ako ng sarili bago lumabas.

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon