Chapter 11

809K 35.8K 18.7K
                                    

Hindi nga ako nagkamali na nai-post ang picture namin ni Harvin sa school blog sa entertainment section. Matapos ang post ukol kina Duke at Mitzie, kaming dalawa naman ni Harvin ang naroon.

Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa mga haka-haka nila tungkol sa amin. Hindi pa nakatulong ang pang-fa-flood sa akin ni Harvin sa IG at Facebook account ko. Lahat ata ng pictures ko ay ni-reactan niya! Malay ko ba kasing kilala siya sa South Eastern University?! Pati tuloy ako ay pinagkakaguluhan ng fan girls niya.

"Troy, may sagot ka na ba sa worksheet? Pakopya ako!" saad ko sa lalaki nang pumasok siya sa room. Nakita ko kasing nagsasabihan na ng sagot ang ilan kong kaklase pero dahil wala akong ka-close, hindi ako makapangopya.

Inilapag niya ang bag at ibinigay sa akin ang papel niya na kumpleto na ang sagot. Malaki akong napangiti dahil doon. Nakapangolekta agad ng sagot, ah?

"Nakakapagod," aniya bago uminat. "Kailan ba uuwi sina Duke? Nagsasawa na ako sa mukha mo."

I pouted. Kinokopya ko ang sagot niya kaya hindi ako nakatingin sa kanya. Ni hindi ko na chineck kung tama ba ang mga ito dahil bukod sa tinatamad ako, hindi ko rin naman mapagkakatiwalaan ang sarili ko pagdating sa math.

"Sabi ni Mitzie ay baka sa isang araw. Ngayon ang tapos nila sa convention pero parang gagala sila roon for a day."

He sighed, which I heard. "Swerte talaga ng mga kupal."

"Kaya rin natin 'yon, Troy. Ayaw lang nating galingan dahil baka malungkot sila."

"Tama ka jan!" nag-apir pa kami sa sariling kalokohan.

Nagpatuloy ako sa pagsusulat sa bond paper ko. Mamaya na ito ipapasa at kung nagkataon na walang sagot si Troy ay parehas kaming bokya.

Napatigil ako sa pagsasagot nang marinig ang tilian ng mga kaklase kong babae. May tinitingnan silang kung ano sa cellphone nila habang kitang-kita ko kung paano nila i-zoom ang picture.

"Tingnan mo nga kung ano 'yon," ani sa akin ni Troy.

I scoffed. "Hayaan mo sila. Baka kpop 'yan."

Yumuko ako at muling nagsagot kaya lang ay ang ingay talaga ng mga kaklase ko kaya hindi ako makapag-focus kahit nangongopya lang naman ako. Para silang inaasinan sa nakikita.

"Ang ingay!" malakas na parinig ko kaya bahagya silang natigilan. "Sa labas na lang sana magtilian at may nagsasagot dito!" dagdag ko pa.

Kita ko ang ginawang pag-irap ng ilan sa kanila pero wala akong pakealam.

"Sungit, kaya hindi niligawan ni Duke, eh," rinig kong bulong ni Aseya. Malapit lang ang pwesto niya sa akin pero alam kong alam niyang na narinig ko siya. "Hindi rin naman kasi mahilig si Duke sa bobita."

Napatutop siya ng bibig nang balingan ko siya.

"Ano ang sinasabi mo?" mataray kong tanong. "Mukha ba akong nagmamakaawang ligawan ako ni Duke?" dagdag ko. At anong karapatan niyang sabihan ako ng bobita gayong lagi namang magkalapit ang scores namin?!

Siniko ako ni Troy. "Huwag mo nang patulan."

I didn't look away from Aseya. Para siya ngayong nahuling magnanakaw sa paraan ng pagtingin niya sa akin.

"Oo, halata!" sigaw ni Giselle, matalik na kaibigan ni Aseya. "Halatang patay na patay ka kay Duke!" matapang na saad niya habang nanlilisik ang mata sa akin.

Pabagsak kong binitawan ang ballpen. Nakita ko ang bahagya niyang pagkagulat doon. Naramdaman ko ang hawak ni Troy sa aking braso pero inalis ko lang iyon.

"Manahimik ka nga, Giselle!" ani Troy nang mapansing nag-iinit ang ulo ko. "Huwag mo nang patulan, Solene," pagbabawal niya sa akin.

Huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili. It was futile to be in a heated argument with them. Isa pa, baka mapapunta pa kami sa guidance kapag hindi ko napigilang sabunutan ito. Hindi naman siya si Roswell para patulan ko.

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon