Chapter 56: Girl Talk

1.8M 42K 10.8K
                                    

Yannie's POV


"Ssh. 'Wag kayong maingay. Baka mapansin tayo."

"Ikaw dyan ang maingay. Tumahimik ka kasi."

"Ugh. Shut up both of you. Lalong umiingay."

Napairap ako sa naririnig ko. Malamang sa malamang nagfifeeling spy na naman 'yung tatlo. Hindi kasi ako lumalabas sa kwarto. Siguro nasa may pinto 'yang mga 'yan ngayon at balak alamin kung paanong pagmumukmok ang ginagawa ko.

"May naririnig na ba kayo? Ano? Ano na? Nagsasalita na bang mag-isa?"

"Baka umiiyak? Umiiyak na ba? Naririnig niyo ba?"

"Grabe naman, Zoe at Sab. Wala akong marinig. Napakaingay niyo naman kasi. Tatahimik ba kayo o tatapalan ko ng tape 'yang bibig niyo?"

Hay nako. Masyadong halata 'tong mga babaeng 'to. Gabi-gabi na lang ba silang mag-iispy sakin? Nakakainis na ha.

Dahil sa naubusan na ako ng pasensya ay lumapit na ako sa pinto at binuksan 'yun. Saktong pagbukas ko ay napadapa sa sahig si Sab at dinadaganan siya ni Zoe samantalang si Ayu naman ay napastraight body at tumingala. Patay malisya.

"Ah. Eh. Hi, Yannie. Sinusundan lang namin ni Sab yung mga langgam," pagpapalusot ni Zoe at tumingin sa sahig.

"Ah, oo nga," yumuko si Sab at ganoon din ang ginawa. "Nako. Nawala. Tumakbo na ata sila, Zoe. Tara na. Labas na ulit tayo."

Tumayo yung dalawa pero bago sila makalabas ay nagsalita ako. "Drop it, girls. Anong kailangan niyo? Every night na lang ata kayo nakatambay dyan sa pinto." Nagtinginan silang tatlo at parang nagtuturuan pa kung sino ang magsasalita. Napabuntong hininga na lang ako. "Nevermind. Tara na lang. Samahan niyo ko."

"Saan tayo pupunta? Gabi na ha," tanong ni Ayu.

"Sa No Name," sabi ko at naglakad na palabas sa kwarto. Hindi sila gumagalaw sa pwesto nila kaya nilingon ko sila, "Sasama ba kayo o hindi?"

"Sasama," sabay sabay nilang sagot.


***

"Hi, Manager!" sigaw at bati ko kay Manager.

"Yannie?!" gulat na sabi niya nang makita ako.

Tiningnan niya sila Zoe na nasa likod ko na parang nagtataka. Napailing ako at nilagpasan na lang si Manager at umupo sa isang stool.

Sumunod sila Ayu sa akin at umupo sa tabi ko. Si Manager Ry naman ay nagpunta sa bar sa harap namin.

"Bakit kayo naligaw?"

"Duh?! Of course we'll party!" hyper na sagot ko.

Nagtinginan na naman silang apat pero dineadma ko lang 'yun.

"Manager – "

"Hello, Ry," biglang sulpot ni Ate Cass na tumalon at pumasan kay Manager. Natawa si Manager at niyakap si Ate Cass. Ang cute. Ang sweet lang naman nila. Naalala ko tuloy si Xan – wala. Wala akong naalala. "Oh? Bakit kayo nandito?" bati niya sa amin.

"Nag-aayang pumarty 'to," turo ni Sab sa akin. Nginitian ko naman si Ate Cass. Kumunot ang noo niya na parang nagtataka sa... akin?

"O bakit?" tanong ko.

Hindi niya ako pinansin at tumingin siya kila Zoe. "Girls, tara sa amin."

"Ha? E magpaparty – "

"Pakihila na lang 'yan. Sunod na kayo ha," sabi niya kila Ayu at tinuro ako. "Bye, Ry. Talk to you later," paalam niya at kiniss sa cheek si Manager.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon