Chapter 21

18K 942 87
                                    

Alliston

"Kasama ka, Alli?" Kantyaw ni Grant nang mapansin na kasunod ako ni Louella. Bumaba pa yung tingin nito sa kamay ko na nakahawak sa kamay nitong isa.

"Bakit ba?" I didn't try to hide my sarcasm. "Problema mo?"

"Wala lang. " Pumito pa ito. "I just didn't know that you're the clingy type. Bantay na bantay si Louella?"

Si Aria naman ay tumawa lang ng mahina. Pero maging ito ay napatingin sa kamay namin ni Louella na nakahawak sa kamay ng isa't isa.

Bakit ba big deal sa kanila? Ganito din naman ako sa kanilang lahat kaya.

"Shut up, Grant! Ikaw yung babantayan ko no. Mamaya lumandi ka pa doon. Isusumbong kita kay Jen."

"Nah." Umiling ito at saka inakbayan si Aria. "Okay na ko dito sa date ko. Chic di ba?"

I rolled my eyes at her. Talandi talaga.

Aria just gave us a sweet smile na para bang sinasaway na lang din ako na patulan pa si Grant. We all know na sa aming lahat, si Grant talaga yung hindi pinakapikon at malakas mang-asar. Lalo na kung asaran lang din tungkol sa kalandian nito. She's so proud of it pa nga.

"Lou, ikaw magdrive ha? Matutulog ako sa back seat. Kadarating ko lang. Nahihilo pa ko sa byahe ko."

Inabot pa nito yung susi ng Jaguar nito nito kay Louella nang makarating kami sa parking lot. Agad ko namang hinarang iyon.

"Pooper is sick yesterday. Kagagaling nya lang. Tapos uutusan mo magdrive?" Nakataas ang kilay na pagsusungit ko kay Grant.

Ito naman ay nang-aasar na ngumiti lang.

"Your Pooper, Alli bear, is no longer sick now. She can drive. She's been doing this for us eversince. Ikaw lang nagrereklamo."

"Well, I am here now. Hindi mo na sya pwedeng utusan na ipagdrive kayo. Masama yung pakiramdam nya kahapon kaya kailangan nya magpahinga."

Nagulat ako nang sa akin naman iabot ni Grant yung car keys nya.

"Edi ikaw na magdrive, Alli. Wala ka namang sakit di ba?"

I was readying all of my colorful words for her when Louella took the car keys and hand it to Aria.

"Aria, drive for us."

"Okay." Cool na kinuha lang ni Aria yung susi dito.

Pinisil pa ni Louella yung kamay ko na para bang inaawat ako na makipagtalo pa kay Grant.

Naiinis na naman ako kasi imbes na passenger seat ito maupo para kaming dalawa ni Louella yung nasa backseat ay talagang nauna pa itong pumasok doon.

Well, it's given dahil ayaw talaga ni Grant maupo sa passenger seat.

"Ako na sa harap. Sa likod ka na." Bulong pa ni Louella sa tabi ko. Binuksan pa nito yung pinto.

Napatingin naman ako doon.

"Tabi tayo kasi!" Naiinis na talaga ako. Si Grant naman ay nang iinis na humiga pa talaga sa likod. Para bang nang-aasar pa na wala na akong uupuan doon.

Hah! Sasapakin ko talaga sya. Si Hariette lang naman yung umuupo sa tyan nito pag nang aagaw na ito ng pwesto.

Sorry, I am not Rie.

"Okay." Tumango si Louella. "Ako na yung magdadrive. Sa passenger seat ka."

Napasimangot naman ako. Bakit hindi nya utusan si Grant na lumipat sa harap?

Inis na dumukwang ako sa loob ng backseat at hinatak yung braso ni Grant. Ito naman ay nang-iinis na nagpapabigat lang lalo.

"Give up, Alli. Masakit ulo ko. I need to take a nap. Di ako nakatulog ng maayos kagabi dahil iyak ng iyak si Ember."

Taming AllistonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon