Chapter 11

5.3K 306 114
                                    

Jodi Choi's POV

Limang araw na ang lumipas simula nang mangyari ang walang awang pagpatay kay Jullia.

Pansamantala munang sa bahay namin ng kapatid ko nakatira si Angela dahil iniimbistigahan pa ang bahay nila.

And so far, ang ebidensyang nahanap palang ay isang kutsilyo na pinaghihinalaang ginamit pampatay kay Jullia at isang silver bracelet.

May silver bracelet nanaman sa eksena. Ang pinagtataka ko talaga, anong kinalaman ng silver bracelet sa mga Jeon at sa pumapatay sa kanila? There has to be a reason.

"Sorry kung nagiging pabigat ako, Jodi. Nakakahiya sa inyo ni April."

"Okay lang talaga Angela. At tsaka isa pa, ayos lang naman daw kay April kung sa kwarto niya muna ikaw matutulog. 'Dun kasi siya umuuwi ngayon sa apartment."

Tumango siya at saka tipid na ngumiti. Nagpaalam muna ako sa kanya na bibili ako ng karne't isda sa palengke. Puro padeliver galing sa fast food lang kasi kami nung mga nakaraang araw kaya ngayon magluluto na talaga ako.

Pagkatapos ko namalengke, napansin kong umuulan na pala. Pumasok na agad ako sa kotse at nagmadaling umuwi. Lumakas kasi ang ulan.

Pagkapasok ko ng bahay, dumaan muna ako sa kusina para iligpit ang mga pinalengke ko. Dumaan ako sa kwarto ni April para i-check si Angela pero pagkapasok ko roon, wala siya.

Shit. Nasaan kaya yun?

Nilibot ko ang buong bahay pero 'di ko talaga siya mahanap. "Angela! Angela!"

Sigaw lang ako ng sigaw at nag-eecho na ang boses ko sa bahay pero 'di ko parin siya mahanap. Habang tumatakbo ako pababa ng hagdan, 'di ako sigurado pero parang nakita ko si Angela sa may bintana. Tumigil muna ako at saka tiningnan ang pool side ng bahay. Andun si Angela, basa dahil sa malakas na ulan.

Nagpatuloy ako sa pagbaba hanggang sa nasa may pintuan na ako papuntang bakuran.

"Angela!" Lumingon siya sa'kin ng sandali pero tumingin siya ulit sa pool. Kumuha ako agad ng payong sa lalagyan at lumapit sa kanya.

"Pinakaba mo ako Angela! Akala ko kung ano na ang nangyari sayo! Paano kung magkasakit ka ulit? Ang lakas pa naman ng ulan oh! Anong oras ka pa nandito sa labas?"

"Mga isang oras na." Sagot niya nang hindi parin ako tinitignan.

"Ano?! Isang oras ka nang naliligo sa ulan?! Angela naman! Ano bang nangyayari sayo? Ba't ka nagpa--Angela!" Natigil ako sa talak ko nang bigla siyang bumagsak at hinimatay. Binitawan ko ang payong at saka sinubukan siyang ibuhat papunta sa pintuan.

Shit. Feeling ko bumalik lagnat nito. Eh kahapon nilagnat 'to pero sinat lang! Ngayong gumaling siya, nagpaulan naman siya. Kaya siguradong bumalik ang lagnat niya.

Inihiga ko siya sa kama at saka pinunasan at binihisan ng bagong damit. Pagkatapos ko siyang asikasuhin, pumasok na ako sa banyo para maligo at para 'di rin ako magkasakit. Pagkalabas ko, hinipo ko ang noo niya.

"Hala, hala. Ang init mo." Kumuha ako agad ng thermometer at kinuha ang temperature niya. 39.8. Ang taas.

I kept on walking back and forth since I don't know what to do. Kahapon, okay lang yun eh since ang baba lang ng lagnat niya at 'pag uminom siya ng gamot, okay na agad. Pero ngayon, mataas na ang lagnat niya! Ano'ng gagawin ko?

Nilabas ko ang cell phone ko at tinawagan siya. I may know Angela since she's my best friend, but Xander knows her better.

"Hello?"

Who Killed Jeon Jungkook?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon