Chapter 42

27.1K 561 22
                                    

Saraie POV

"K-keemer." Bulong ko. Halos hindi nako makagalaw sa kinatatayuan ko. Dahan dahan siyang lumingin sakin kasabay non ang pag dulo ng luha ko.

"Mama!" Sigaw niya at dali daling tumayo sa pag kakaupo niya sa sahig, muntikan pa siyang patumba dahil natapakan niya ang laruang nilalaro niya.

"Keemer."

"Mama!"

Umiiyak siyang yumakap sakin kaya binuhat ko siya.

"Mama! Bat ma kami iwan?"

"Shhh, tahan na hindi na aalis si Mama.

"Kala ko punta kana abroad iwan mo na kami Kuya Keefer. Mama!"

"H-hindi aalis si Mama hindi niya kayo iiwan." Tuloy parin ang pagagos ng luha ko. Pakiramdam ko ay hindi na matatapos yun.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa leeg ko kaya agad ko siyang hinalikan sa pisnge.

"Miss kita, Mama."

"Na miss karin ni Mama," Sagot ko at hinalikan siya sa noo.

"Nasan ang kuya mo?" Tanong ko ng mapansing wala si Keefer.

"Ewan po, mula alis ka hindi na siya alis sa kwarto." Sagot niya at kinusot ang mata niya.

Nakaramdam naman ako ng kama. Tuwing hindi talaga ako umuuwi at hindi kumalabas si Keefer ng kwarto. Minsan naman ay hindi siya na natutulog at magdamag na mulat.

"Papa doc!" Tawag ni Keemer mula sa likod. Napaharap naman ako kay Keezer na nasalikod ko.

Ngumiti naman sa kanya si Keezer at na nanatili itong naka titig sa anak namin.

"K-kilala mo siya?" Tanong ko

"Hmm, siya alaga samin siya, bigboss." Sagot niya at muling lumingin kay Keezer.

I-Ibigsabihin si K-keezer?!!! Si BIGBOSS?

"Hi." Bati ni Keezer kay Keemer.

"Heyw." Sagot ni Keemer na nag pangiti kay Keezer. Nag lakas papalapit samin si Keezer at hinawakan ang pisnge ni Keemer.

"Siya ba ang anak ko." Tanong niya sakin habang hinahaplos ang pisnge na Keemer.

"Hmm siya na yun."

"Pwede ko pa siyang buhatin?" Nangingilid ang luha sa mata niya matapos mag tanong. Dahan dahan ko naman inabot si Keemer sa kanya.

"Ako ang Papa mo." Sabi ni kay Keemer habang hawak niya ang kamay nito.

"Alam ko, ikaw Papa doc."

Lumantad ang pait sa mata ni Keezer sa sinabi ni Keemer. Pilit naman siyang ngumiti dito kahit halatang na sasaktan siya.

"H-hindi, Papa lang ang itatawag mo sakin. Huwag mong isa ang doc."

"Ha?" Takang tanong ni Keemer.

"Sabihin mo, Pa-pa."

"Papa?"

Tuluyang tumulo ang luha ni Keezer sa sinabi ni Keemer.

"Oo tagawagin mokong papa, Papa ang itatawag mo sakim. Kasi ako ang papa mo."

"Okey, pa-pa."

"Keezer." Tawag ko sa kanya kaya na palingon siya sakin.

"Pupuntahan ko lang si Keefer." Paalam ko sa kanya. Marahan naman siyang tumango.

Umakyat ako sa second floor ng bahay nila Mica kung saan sila na tutulog. Marahan ko binuksan ang pinto at naabutan kong nakahiga patalikod si Keefer. Alam kong gising siya pero mukang hindi niya na pansin ang presensya ko sa sobrang pag katulala niya.

"Keefer." Tawag ko sa kanya. Ramdam ko ang gulat niya. Dahan dahan siyang lumingon sa gawi ko.

"Mama." Gulat na tawag niya sakin. Hindi pako nakakaupo sa side ng kama ng talunin niya ko ng yakap.

"Mama." Humihikbi niyang tawag sakin habang naka siksik ang muka niya sa leeg ko.

"Nandito na si Mama. Tahan na." Ang aayo ko dito pero tuloy parin siya sa pag hikbi.

"M-mama kala ko iniwan niyo na kami." Nanginginig niyang sabi. Humigpit naman ay yakap ko sa kanya.

"Hindi ma kakaya ni Mama yun." Sagot ko at umupo sa kama habang niya ay na nanatiling naka yakap sakin at naupo sa hita ko.

"Mama bat ngayon ka lang?" Tanong niya habang tuloy parin sa pag hikbi.

"May ginawa kasi si Mama, kaya natagalan." Sagot ko habang hinihimas ang buhok niya.

"Ano pong ginawa niyo?"

Gumawa kami ng kapatof niyo---este! Pucha naman!

"K-kinausap ko ang Papa niyo." Mahinahong sagot ko.

"Nag usap kayo ni Papa?" Sabik na tanong niya. Mapalad naman akong ngumiti sa kanya.

"Sabi ko hinahanap niyo na siya."

"Nasan po siya?"

"Hmm... nasalabas niya kasama si Keemer." Saad ko. Kita ko naman ang kinang sa mga mata niya.

"Gusto ko siyang makita Mama! Gusto kong makita si Papa!" Sigaw niya at umalis sa pag kakaupo sa hita ko.

"Wag kang magagalit kay Papa mo okay? Kaya hindi natin siya naka sama kasi kasalanan ni Mama, kaya wag kang magagalit kay Papa mo." Aniko at hinaplos ang pisnge niya.

"Alam ko po yun Mama, hindi ako galit kay Papa." Masigla niyang sagot.

"Okay, tara na nag hihintay na si Papa sa baba."

Hinawakan ko siya sa kamay at sabay kamaing lumabas ng kwarto. Nakita ko mula sa pangalawang palapag ay nakita ko sila Keezer buhat buhat si Keemer. Humigpit ang hawak ni Keefer sa kamay ko halatang kabado siya. Hinawakan ko na lang rin siya ng mahigpit at sabay na lumakad pababa ng hagdan.

Humarap si Keezer samin ng maramdam siguro ang presensya namin.

"Hmm...Doc." Panimula ni Keefer at tumingin sa likod ni Keezer. "Ma, asan si Papa?"

Huminga ako ng malalim bago lumuhod sa harap niya para mag pantay kami. Kaylangan kong ipaliwanag sa kanya ang lahat. Panigurado akong na lilito siya.

"Keefer. Ganto kasi yun...si Doc Keezer....siya ang Papa mo."

"Siya yung nanakit sayo?" Tanong niya na ikinagulat ko.

"K-keefer."

"Minsan ko po kayong narinig nila tita Mica sabi niya ay sinasaktan kayo ni Papa." Sagot niya.

"Keefer hindi yun ganon okay. May problema lang kami non kay nagawa yun ni Papa mo pero hindi niya yun gusto. Si Mama ang may kasalanan diba?....Sabi ko sayo wag kang magagalit kay Papa mo." Paliwanag ko sa kanya pero hindi sa kumibo.

Makalipas ang ilang segundo ay nag salita siya. "Hindi naman ako galit kay Papa, Mama." Sagot niya habang naka ngiti.

Bago kami pununta rito ay ipinaliwanag ko kay Keezer ang tungkol kay Keefer. Nung nalawan nita yon ay galit na galit siya alam hanggayon galit parin siya, anong magagawa niya kasalanan niya naman nag loko siya e.

"Gusto kong yakapin moko ulit, yakap bilang Papa mo at hindi ang sandaliang aagapay sa inyo." Makahukugang saad ni Keezer na naka luhod na rin.

Lumapit naman sa kanya si Keefer at mahigpit siyang niyakap.

Ito nayung pangarap nila. Ang makasama ang ama nila at mag karoon ng buong pamilya

🌙_____🌙
\ •.• /

Hiding My Son From My Heartless Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now