Kabanata 8

1.5M 37.8K 22.3K
                                    

Kabanata 8

Not My Girlfriend

Umalis ako sa counter lalo na nang nakitang nakatoon agad ang kanyang mga mata sa akin habang nakapamulsa ang mga kamay.

"Ria, titingnan ko lang ang 'yong mga binigyan ni Jose ng pagkain sa table nine." Paalam ko sa kay Ria bago ako pumanhik para kausapin ang mga naroon.

Kinamusta ko ang order nila. Kahit na nakatoon ang mata at ngiti ko sa pamilyang nilapitan ay sa gilid ng aking mga mata, kitang kita ko ang paninitig ni Brandon sa akin habang umuupo sa high chair ng counter. Looks like I won't be going back to the counter anytime soon, huh?

Ilang minuto siyang naroon at ilang minuto ko ring inaagawan si Jose ng mga cart para sa order ng ibang mga turista. Madalas ay sinasamahan ko pa siya at nakikipag usap ako sa turista upang mag suggest ng gagawin tulad ng pag go-golf o pag ho-horseback riding.

Bahagya kong nalingunan ang counter nang nakita kong tumayo na si Brandon at dumiretso sa isang mesang tama para sa dalawa. Umupo siya doon at nag tawag ng  waiter para sa menu.

Tumalikod agad ako at nagpasyang lumapit sa counter para makalayo sa mga mesa kung saan nakalapit na siya.

"Ma'am, may bago pong dating na mga koreano, o." Sabay nguso ni Ria sa tabing mesa na inuupuan ni Brandon.

Nagkatinginan kami ni Brandon ng saglit. Bumaling agad ako kay Ria na nakakunot ang noo.

"Jay! Kunin mo dali 'yong order ng mga Koreano. Busy si Jose sa pagkukuha ng kay Mr. Rockwell," utos ko.

"Sige po, ma'am."

Nilingon ko si Ria at ang singkit niyang mga mata ay nagtataka sa ginawa kong iyon. Nag iwas ako ng tingin at tiningnan ang log book ko na minsan ko lang dungawin.

Ilang sandali ang nakalipas ay dumami ang tao sa Clubhouse. Kinailangan ng ibayong atensyon kaya hindi ko na napigilang makisalamuha at mapadaan sa mesa ni Brandon.

"Yes, sir. We also have seafoods." Ngiti ko sa isang hapon.

Sa gilid ng aking mga mata ay kitang kita ko ulit ang paninitig ni Brandon sa akin. I know it's awkward. At sa ngayon ay kung hindi siya manhid, alam niyang hindi kami bating dalawa. Hindi ko ma arok ang makipag usap sa kanya sa ngayon. Isa pa, maraming customer kaya hindi ko priority ang tugunan ang mga titig niya.

"Jose!" Sabay pitik ko sa aking kamay.

Agaran ang pag tungo ni Jose sa mesang iyon. Medyo kabado na siya sa dami ng customer at gusto ko na lang sapakin dahil baka ay sa kaba niya, pumalpak na naman siya.

"Jay, can you call your manager, please?" Sinabi ni Brandon sa isa pang waiter.

Nakangisi ako sa hapon nang narinig ko iyon. Nagkunwari akong walang narinig ngunit kung hindi lang ako kinalabit ni Jay dahil sa utos ni Brandon ay hindi ko siya lilingunin.

One Night, One Lie (GLS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon