Chapter 9

47.4K 1.2K 604
                                    

Chapter 9

Velocity

"Hoy, anong meron?" si Kenzie na tinulak pa ang braso ko. Bastos. Paglingon ko kasama niya ang apat na tulala sa kaka alis na sasakyan.

I texted him to bring me food since we're not allowed to go out for today's training. I did not expect him to actually do it! At ang bilis! Seseryosohin niya talaga ang punishment kuno ko?

Kung umamin ka na lang nung araw na 'yon, Zoren, masaya na sana tayong in a relationship. Sasagutin ko naman siya kaagad, e!

"Huy!" Covy snapped her fingers in front of me. Ang bangs niya ay nalilipad nang bahagya. "Bati na kayo?"

I smirked and shrugged before walking back to the court. Pasipol-sipol pa ako habang sumusunod sila sa akin. Puro sila tanong.

"Pagkain ba 'yan? Pahingi naman ako!" rinig ko kay Seth at naramdaman ko na lang ang akbay niya sa akin. "Wow, sosyalin!" nang makita niya ang mga dala kong pagkain.

"You two are cool now?" si Ays na kasabay ko na rin sa paglalakad.

Tumango ako. They don't know yet since I haven't told them about our talk the last time we met. They just know we talked because he came over. Pinipilit nila akong sabihin pero ayaw ko. Aasarin na naman nila ako tuwing training.

"Ate, alam mo ba na alam na ni Mommy at Daddy ang tungkol sa inyo ni Kuya Zoren? Nagtatanong nga tungkol sa inyo, e!"

"Kuya mo na agad si Zoren?" tawa ni Seth.

"Ano naman ang sinabi mo?" tanong ni Covy.

"Na magkaibigan lang sila dahil 'yon naman ang totoo!"

Tumawa sila dahil doon at hindi na ako kinulit na umamin tungkol sa pinag-usapan namin ni Zoren.

Bumuntonghininga ako at pumasok na kami sa gym. Umupo ako sa bench at nagpunas ng mukha. Naalala ko bigla ang usapan namin ni Mommy isang gabi nang makita niya ako na mag-isa sa pool at nakababad ang dalawang paa. I was thinking about Zoren that time, the reason why I was shocked when he asked me about him.

"Who's Zoren?" tanong ni Mommy at ginaya ako. Nilubog niya rin ang dalawang paa niya sa ilalim ng tubig.

Ang mga mata niya ay seryoso pero hindi naman galit. My mom is still pretty even with her late 40's. Sa katunayan nga ay marami pa ring nag-cha-chat sa kaniya na colleagues niya. How unethical, right? Alam nang may pamilya, ginugulo pa.

"A guy I like so much, Mom." pag-amin ko.

Never did I think of denying Zoren to anyone. Kahit sa pamilya ko pa. Ganoon ko siya ka gusto. I am so proud to announce to the world whom I like. And it's him. Only him.

"I always hear things about you two."

Natawa ako pero medyo kabado. How come? Sa mga pages ba? Sa teachers ko? Sa dean? Hindi tuloy ako nakasagot.

Oh, c'mon, Kesian! You two are famous for having the most complicated love team! Bakit pa nga ba ako nagtaka na hindi nila malalaman ang tungkol sa amin?

"You've got a plan on dating him?" another question from my Mom.

I sighed and chuckled. Mas lalo akong nanlalamig dahil kay Mommy. Hindi ko kasi makuha ang punto niya. Hindi ko rin mabasa ang ekspresyon niya. Mabait naman si Mommy, pero minsan ay strikto sa ilang bagay. Lalo na't puro babae ang mga anak niya.

"Kung papalarin po, bakit hindi?" sagot ko at dinugtungan. "May plano naman ako, Mommy. Pero baka po matagal bago iyon matupad..."

Matigas kasi ang ulo ng future son in law mo, Mommy. Masyadong naninigurado. naninigurado.

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon