Chapter Thirteen

340K 9.9K 5.8K
                                    

"Hmm."

Napalunok ako nang maramdaman kong mas humigpit ang pagkakayakap sa 'kin ni Mayor na para bang ayaw na niya akong pakawalan.

Tumingala ako at tiningnan ang mukha niya. Tulog na tulog pa rin siya pero ang higpit niyang yumakap. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at humawak sa matipunong dibdib niya.

Habambuhay ko na yatang maaalala ang nangyari kagabi. Mukha lang mailap si Mayor pero mabagsik pala siya sa kama. Kahit hindi sa kama, mabagsik din siya.

Napasubsob na lang ako sa dibdib niya nang maramdaman kong nag-iinit ang magkabilang pisngi ko. Ngayon ko lang yata naramdaman na parang sobrang babae ako. Hindi ko talaga makakalimutan ang nangyari kagabi.

Pero sa totoo lang masakit ang buong katawan ko ngayon, 'yung mga hita ko, mga braso, 'yung likod ko, lalo na ang pagitan ng mga hita ko. Hindi ko yata maihahatid si Arkia sa school ngayon dahil parang binugbog ang katawan ko.

Napangiti ako nang bahagyang gumalaw si Mayor at niyakap na naman ako. Sakop na sakop ng malaking katawan niya ang sa 'kin, may kaliitan kasi akong babae. Halos madali lang sa kaniya ang ibalibag at buhatin ako kagabi.

Naalala ko na ginawa namin 'yon kagabi habang nakasandal sa pader at isang braso lang ang pinanghawak niya sa 'kin.

Napasinghap na lang ako at napailing sa mga naiisip ko. Ang aga-aga, kahalayan ang pumapasok sa isip ko. Kasalanan ni Mayor 'to, e. Masyado siyang mahilig.

Pero sa tingin ko kasalanan ito ng red ballpen.

"Jonalyn."

Pakiramdam ko nagtayuan ang mga balahibo ko nang tawagin ni Mayor ang pangalan ko. Ngayon niya lang yata ako tinawag sa pangalan ko. Lalo pang nakakakilabot dahil ang sexy ng boses niya no'ng binanggit niya ang pangalan ko.

"M-Mayor?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya.

Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata niya. Napalunok ako nang magtagpo ang mga mata naming dalawa. Ang guwapo niya kahit bagong gising, ang sarap niyang kagatin.

Sana lang talaga wala akong muta o panis na laway. Sasapakin ko talaga ang sarili ko kapag meron.

"Does it hurt?" tanong niya. Tumango na lang ako saka napaiwas ng tingin sa kaniya.

May nangyari na sa 'min at lahat-lahat, bakit ngayon pa ako tinablan ng hiya sa kaniya?

Natigilan ako nang bumangon si Mayor. Napaiwas ako ng tingin sa katawan niya, nakasuot naman siya ng boxer pero nahihiya pa rin ako.

Napasinghap ako nang walang pasabi niyang inalis ang kumot na nakabalot sa katawan ko saka ako binuhat. Kahit hiyang-hiya ako, hindi na lang ako nag-abala na takpan ang sarili ko. Para saan pa?

"We'll take a bath together," sabi niya saka dinala ako sa banyo.

"M-Mayor, masakit pa," nakatungong sabi ko.

"I know, we'll just take a bath, relax," sabi naman niya. Napakurap na lang ako at tumango.

Napalunok ako nang dahan-dahan niya akong pinaupo sa may bowl na may takip. Napangiwi na lang ako dahil masakit talaga ang pagkababae ko. Bakit naman kasi napaka-wild ni Mayor kagabi? Nagustuhan ko tuloy kaya hindi ko siya napigilan.

"I'm a little bit insatiable last night. I's been a long time since the last time I had sex. And you seduced me," sabi niya saka bumaba ang tingin niya sa katawan ko. Napasinghap ako sa sinabi niya.

"Hindi naman kita inakit, a. 'Yung red ballpen ang may kasalanan," sabi ko na lang saka napaiwas ng tingin sa kaniya.

Natigilan ako nang mapansing natahimik siya. Napatingin ako sa kaniya, napalunok ako kasabay ng pagwawala ng mga paruparo sa tiyan ko nang mapansing nakatitig siya sa 'kin.

Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon