#18 Maling Dagat

40 7 0
                                    

Hindi naman trahedya ang aking sinapit,
hindi rin delubyo o kadiliman.
Nalunod lamang ako sa maling pananabik,
nagpumilit umahon sa dagat ng iyong kanlungan.

Wala akong dalang anumang balsa,
tanging pag-aapuhap lamang sa iyong bisig.
Umaasang magagawa mong magpakita,
sa aking pag ahon nang tahimik.

Ngunit natupok ko ang malungkot na buhangin,
saglit na napabulong sa malumanay na hangin.
Walang ikaw na nagpakita sa akin,
maling dagat pala ang sinubukan kong sisirin.

#YakapNgTalata

Yakap ng TalataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon