Kabanata 13

578 38 0
                                    


Walang kamuwang-muwang si Andrew  na habang kumakain siya ng tanghalian sa kaniyang hapag ay may nakapasok na palang tao sa kaniyang bahay.

"Hmmm. Sarap naman niyan." pang-aasar ng bagong dating na si Shanaya sa kaniya.

Nakabuka na ang labi nito at handa nang isubo ang kutsara sa bibig ng marinig ang boses ng babae.

Nakataas ang kilay na ibinaba niya ang hawak. "Napadalaw ka? Hindi ka ba sumama sa magulang mo sa bukid ngayon?

Umupo si Shanaya sa tabi niya. Prenteng-prente na kumuha rin ng pagkain ng hindi nagpapaalam sa kaniya.

"Hindi ba halata. Kung sumama ako kina ama sana wala ako ngayon dito sa harap mo." pamimilosopo nito.

Pinisil niya ang pisngi ng babae. "Ang galing sumagot."

"Hehe. Minsan lang iyon pero walang pisilan ng pisngi, masakit eh." sabay tampal sa kamay niya.

"Sa gusto kong pisilin ang pisngi mo, wala kang magagawa."

Bumusangot ang mukha ng babae kaya natawa na naman siya ng mahina. Inirapan pa siya bago ibinaling ang tingin sa kinakain. At habang kumakain na din siya ay hindi niya mapigilan ibalik ang tingin kay Shanaya at pagmasdan ito..

Pagkakain nila ay hindi siya agad tumayo.

"Napansin ko lang, tumataba ka nang konti." saad niya.

Ngumisi si Shanaya. "Hindi mo alam kung bakit, seryoso?" painosenteng tanong.

"Bakit nga?" pansasakay ni Andrew.

"Alagang prinsepe ang sagot." banat ng babae. "Yiieeehhh, kinikilig siya."

Lumapit si Shanaya sa kaniya at tinusok tusok ang kaniyang tagiliran.

Hinawakan ni Andrew ang mga kamay ng babae para patigilin.

"Tama na muna. Mag-impis na tayo nang matapos ang gawain." sagot ni Andrew  sabay kuha ng ginamit nilang pinggan para dalhin sa kusina.

"Impis, impis. Ayaw mo lang umamin na kinikilig ka. Palusot ka pa." pahabol ni Shanaya.

Nang mawala ang pigura ng lalaki, nawala din ang ngiting nakapaskil sa labi ni Shanaya.

Bago siya pumunta dito sa bahay ng lalaki ay pinaghandaan niya na ang kaniyang mga sasabihin. Iba nga lang ang nangyari pagdating niya, imbes kasi na seryoso ang pag-usapan ay nadaan sa kulitan na siya ang nagsimula.

"Tama na ang kulitan Shanaya, seryoso na dapat." bulong niya sa sarili.

Dumiretso siya sa sala at doon na lamang niya hihintayin ang lalaki.

Nakatungong umupo si Shanaya upang isipin mabuti ang mga sasabihin sa lalaki.

"Anong nangyari sa'yo?" napataas siya ng tingin kay Andrew nang umimik ito sa kaniyang gilid. "Umalis lang ako sandali, naging seryoso ka na diyan."

"Ano kasi, Andrew-?" nag-aalinlangan pa niyang sabi sabay kamot sa noo.

"Ano iyon?"

Tumabi ng upo si Andrew sa kaniya. Hinihintay ang sunod niyang sasabihin.

"S-si ama kasi gusto kang papuntahin sa bahay."

"Ha bakit daw?"

"Mamaya ka magsalita o magtanong, patapusin mo muna ako." pagpapatigil niya.

Hindi sumagot ang lalaki ngunit mababakas dito ang pagsang-ayon.

"Ganito kasi iyon" panimula niya. "Naalala mo nung unang beses akong nagpaalam sayo na isasama ako nina ina sa bukid. Doon nakilala ko si Amir, isa rin siyang magbubukid at kasing tanda mo lang siguro. Noong bumalik ako dito at nagkwento sa'yo tungkol sa nangyari sa akin doon, hindi ko siya binanggit sa'yo kasi para sa akin wala lang iyon at akala ko iyon nang huli namin pagkikita, pero hindi pala. Kinabukasan niyon inaya niya ako na mamasyal sa kabilang bayan. Madali silang nagkasundo ni ama kaya ayos lang dito na ipasama niya agad ako sa lalaki. At dahil mukhang mabait ito ay sinubukan kong sumama dahil tingin ko ay nakahanap ako ng bagong kaibigan."

Ang Prinsepeng Mailap sa mga Tao  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon