Chapter 27

4K 98 5
                                    

CHAPTER 27

"Kristine uuwi na tayo." Seryoso na ang boses ni Vanessa habang pilit na hinahatak paalis ang pinsan niya.

Hindi ko na sila pinansin dalawa at nauna nang maglakad. Ang hirap ng may kasama kang diehard fan, ayaw niya talaga magpapigil.

Napalingon ako sa kanila nang marinig ang pagmumurahan nila.

"Tin naman! Tangina halika na!"

"Shit! Vanessa, padaan sila rito."

Mabilis akong pumunta sa kanila at kinuha ang stroller. Maingat kong nilagay si Clea dun bago lumakad paalis.

"Cleine. Let's go!" Ani ni Vanessa saka ako sinabayan ng lakad. Lukot ang mukha ni Kristine habang sumusunod sa amin.

"Vanessa!" Napahinto kami ng may tumawag sa kanya. Shit! Kilala ko ang boses na iyon!

"Si Kuya Louie, pinsan....." Mababang tonong sambit ni Kristine. Rinig namin ang hiyawan ng mga tao habang sinusundan ang grupo nila sa paglalakad.

"Mauna na kayo, Tin. Alalayan mo si Cleine." Lumayo muna ng kaunti sa amin si Vanessa bago tumalikod.

Kaba ang nag uumapaw sa akin habang mahigpit na nakakapit sa stroller.

"Paano ka—"

"Sumunod ka na lang!" Tumaas na ang boses niya kaya sinenyasan ko si Kristine na lumakad na.

Alam kong pareho kaming nai stress ng kaibigan ko. Ang kulit naman kasi nitong si Kristine.

"T-tin, please tara na." Kumaway lang siya kila Louie na pasalubong kay Vanessa.

"I'm sorry, let's go."

Ilang minuto kaming naghintay sa Parking lot bago tuluyang dumating si Vanessa.

"Sorry nga pala kanina." Pagputol ni Kristine sa katahimikang namamayani sa amin habang nagbabyahe.

Tahimik lang kasi ang kaibigan ko ng dumating siya.

"It's okay. Huwag mo na lang sanang ulitin. Pwede mo naman sila makita kung gugustuhin mo. Magsabi ka lang sa amin ni Kuya Louie." Mahabang lintaya niya habang diretso ang tingin sa daan.

Napatingin ako kay Clea nang bigla 'tong umiyak sa aking bisig.

"Tin, paabot naman ng bote ng gatas diyan sa harap." Sinunod naman niya ito.

"Matanong ko lang. Pansin ko kasi na tense ka kanina dun. May naging problema ka ba?" Alanganing sagot niya sa akin.

Napansin ko naman ang pagsulyap ni Vanessa mula sa rear mirror. Alam kong nagaalala siya sa reaksyon ko.

Ang tagal bago ko nasagot ang tanong ni Kristine. "Huwag mo sanang ipagsabi sa iba, Tin. It's a long story, but Jared is the father."

Kumunot ang noo niya ng hindi niya makuha ang sinabi ko. "Father?" Ngunit agad nanlaki ang kanyang mata ng mapagtanto kung ano ang ibig sabihin.

"Oh my god....."

"Alam naman ni Tita Agnes 'to. Kaya wala namang problema sa kanya." ani ni Vanessa.

"Nakakahiya 'yong mga pinagsasabi ko na gusto ko pa siya maging bf, tapos 'yong asawa saka anak kasama ko pala."

"I'm not his wife nor girlfriend." Agap ko sa sinabi niya. Totoo naman, ni minsan nga hindi kami naging official, eh. Pero parang wala lang siyang narinig sa sinabi ko.

Nang makarating kami sa bahay ay agad kong pinunasan ang katawan ni Clea, parang ang lagkit niya kasi pero mabango pa rin naman.

"Vanessa paabot ng hooded towel niya." Mukhang hamster siya ng inabot sa akin ang towel, may kinakain kasing cookies.

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon