CHAPTER 27 [Save Me Onii-chan II]

887 120 25
                                    

CHAPTER 27
(Save Me Onii-chan II)


Dear diary,
Nagplano ako ng isang birthday party para kay Maxximo, alam kong tapos na ang kaarawan niya pero gusto ko kahit tapos na ay makasama niya lahat ng mahal niya sa buhay. Inimbita ko ang Gang maski sila Agatha at syempre this time ay kasama na ang pamilya niya. Excited na akong makita ang surpresa ko dahil ito muna ang kaya kong ipambawi sa kanya.

-Yuriko.


***


YURIKO.

“Hello Agatha nasan na kayo?” tanong ko sa kanya sa kabilang linya.

Malapit-lapit na medyo ma-traffic lang.”

Sige, message mo ko kapag malapit na kayo para masundo ko kayo.”

“Okies.”

[end of call]

Napalingon naman ako sa orasan at alas-syete na ng gabi, katulong ko naman sa pagluluto sila ate Marra at mama Donna. Si Ross naman ay sinundo na ang Gang para makarating na dito.

Anak ang effort mo dyan ha?” nakangiti na sabi sa’kin ng papa ni Maxximo.

“Thank you pa,” sabi ko sa kanya.

“May gusto ka ba sa anak ko?”

Bigla naman akong namula sa sinabi niya, hindi ako ready don ha.

“P-po? Hala hahaha grabe ka naman po.”

Bakit parang kinikilig ka?”

“Hala hindi po haha, masaya lang po.”

“Wag kang mag-alala boto naman ako sa’yo dahil nakakasigurado akong maaalagaan mo ng maayos ang anak ko.”

Napakagat na lang ako sa labi at napangiti.

“Kita mo kinikilig ka, type mo talaga anak ko haha.”

“Hahahaha si papa talaga, oh kumain ka po muna nito.” Sinubuan ko naman siya ng shanghai na prinito ko kanina.

“Ang sarap ah.” papuri niya sa’kin.

Turo po ni mama yan, specialty rin niya ang pagtimpla ng masarap na shanghai.”

Talaga? Sana makita ko kayo ng pamilya mo bago ako mawala sa mundo.”

Si papa talaga, wag ka pong nagsasabi ng ganyan baka malungkot si Max.”

“Basta nak ipangako mo sa’kin na aalagaan mo si Max kapag nawala na ako ha?”

“Oo naman po para sa’yo gagawin ko po.”

Napangiti naman ako dahil malaki ang tiwala niya sa’kin para sa kapakanan ng anak niya. Di pa nga kami nakakasigurado kung magkikita kami pero kung makahabilin si papa ay sure na sure na ito.

SWITCH (COMPLETED) ✅ [SOON TO BE PHYSICAL BOOK]Where stories live. Discover now