Chapter 28

4.1K 96 6
                                    

CHAPTER 28

"See you!" Bade my goodbye. I lifted up Clea's small hand to give her a wave.

Ngayon na kasi ang flight ni Vanessa pauwi sa Manila. Gustuhin man niyang dito magpasko ay hindi pwede. Malalaman din ng family ko na nandito ako.

"I'll call you every time. Take care." I nodded. She came closer to give my baby a kiss. Malutong ang tawa nito dahil sa kiliti ng paghalik ni Vanessa.

"Gonna miss this baby."

"Makakauwi din kaming Manila. Sige na diyan na ang grab, oh."

She faced Auntie and Kristine to also give a kiss. "Thank you for letting me stay here."

Masuyo namang nagsalita si Auntie Agnes. "Wala iyon. Buti nga at napabisita ka. Pakamusta na lang sa mommy mo kung sasabihin mong galing ka dito."

Nagthumbs up lang siya at lumakad na papasok sa kotse. Nauna nang pumasok sa loob ng bahay sila Kristine. Nagpaiwan muna ako dito para igala gala si Clea sa loob ng bakuran.

May lumabas sa katabing bakod ng bahay na ito na sa tingin ko ay kasambahay doon. Nilapitan ko ito para pansinin.

"Hi, Ate!"

Nagulat naman siya sa presensya ko ngunit agad ding ngumiti.

"Ikaw pala. Ang bilis lang lumaki ng anak mo."

"Oo nga po, eh. Nga pala sainyong sasakyan 'yan?"

Tukoy ko sa red Vios na nakaparada sa harapan nila. Madalas ko kasi mapansin sa labas 'yan.

"Ah. Yaan ba? Wala namang ganyang sasakyan ang mga amo ko pero bumisita ang may-ari niyan dito. Business 'ata." Tumaas ang dalawang kilay ko habang tumatango.

"Bakit mo nga pala naitanong, hija?"

"Wala naman po. Madalas ko kasing mapansin. Na miss ko lang rin siguro ang magmaneho ng sasakyan." Natawa siya sa sinabi ko dahil marami daw talaga ang pumapansin sa kotse na iyon.

Nagpaalam na ako sa kanya na papasok na dahil medyo mahamog na sa labas lalo na't dumidilim na ang langit.

Dahil wala naman kaming gagawin ay napagdesisyunan na lang namin na magdisenyo na lang ng christmas tree. First of december na kasi at kalat na rin ang iba't -ibang ilaw sa kanya kanyang bahay.

Tutal nakalagay naman na kami ng Christmas lights sa labas ay dito naman sa loob ang lalagyan namin.

Nilapag ko muna si Clea sa kanyang crib habang abala kami sa pagaayos. May pinapalaro lang ako sa kanyang teddy bear na regalo ni Kristine, tutal dumapa pa lang naman ang alam niyang gawin. Mamaya pa ang tawag ni Vanessa dahil hindi naman siya agad agad na makakarating sa Manila.

"Namiss ko mag-ayos nito." Nakangiting sambit ko habang isinasabit ang tatlong kulay ng balls sa christmas tree.

"Cleine, matanong nga kita. Hindi mo ba namimiss ang pamilya mo sa manila? Pansin ko kasing mas maayos ang buhay mo d'on kaysa dito." Tipid akong napangiti bago bumaling sa kanya.

"Alam mo, Tin. Sobrang saya nga ng buhay dito. Simple pero maaliwalas."

Inabot niya sa akin ang dulo ng christmas lights para maiikot sa sa Christmas Tree. "Miss ko rin naman sila especially mom."

"May pagkakataon ba na naiisip mong sana sinabi mo na lang sa parents mo ang tungkol sa pagbubuntis mo lalo na kay Jared."

"I tried to talk to Jared, but unfortunately he doesn't want to listen. Naintindihan ko rin naman."

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon