Art exhibit

1.6K 35 7
                                    

JENNIE'S POV

Umattend ako ng isang art exhibit dito sa Manila. Naiinspire din kasi talaga ako sa mga artist na namemeet ko and I wanna be like them someday. Pagpasok ko, nakita ko ang iba't ibang arts ni Guiller De Castro, one of the best artist na nakilala ko. Nilapitan ko sya and I asked for a pic. Habang pinipicture-an kami, may dumaan sa likod ng photographer. Familiar face.

"Excuse me." Ngiti at paalam ko kay Guiller.

Sinubukan ko habulin ang taong yun at naabutan ko sya sa taas. Kumukuha ng picture sa bawat art na nandun.

Kumatok ako at dahan dahan pumasok para hindi sya magulat.

*knocks*

"Excuse me...Kai?" Mahinang sabi ko.

"Jennie? Ikaw na ba yan? My Ghad. You look so...wow grabe ang ganda mo." Halos wala sya masabi sakin. Ganda ko e hays.

"Yes, it's me. Musta? Long time ha. Wala na kayo paramdam simula naggraduate tayo." I don't know if I loved him or puppy love lang yun. Sabi nila Jisoo puppy love lang daw talaga yun kasi mukha daw aso si Kai. Cute kaya sya.

"I'm fine. Ikaw? Tito ko kasi yung artist nito kaya pumunta na din ako. Kaya nga e I've been very busy na din kasi talaga. Coffee tayo minsan? Ano nga pala number mo? Nawala ka kasi bigla sa social media. Tara baba tayo." Daming tanong kala mo naman talaga babalikan char.

Sabay kami bumaba habang nagtatawanan at nagkekwentuhan. Wala pa syang girlfriend dahil sabi nya nagfocus muna sya sa goals nya. He's asking me out pero I declined. Ayoko na kasi ulit makasakit lalo na natuto na ko and ayaw ko naman makarma.

Habang nagkekwentuhan kami, may isa pang familiar na mukha ako nakita. Biglang bumilis tibok ng puso ko. Hindi ako makagalaw at nanlamig buong katawan ko.

Gustong gusto ko sya lapitan pero hindi ko na ginawa kasi it seems like she's doing fine naman without me.

"Lisa.."

Apat na letra. Yan na lang nasambit ko ng ilang minuto. Paulit ulit.

Kita ko ang bawat ngiti nya sa mga labi nya. Masaya si Lisa at sobrang laki rin ng pinagbago.

Siguro naghiwalay kami para mag-grow at magfocus muna sa mga kanya kanyang sarili.

Hindi sya mawala wala sa paningin ko at aminado naman akong di ko na pinapakinggan si Kai.

"Huy Jennie! Lumilipad nanaman isip mo hahaha tinatanong kita kung ano breed ng dog mo." Kalabit sakin ni Kai.

"Ah eh...—sorry may iniisip lang ako hahaha. Pomeranian sya. Why?" Bigla ako nabalik sa ulirat nung kinalabit nya ko.

Muntik na ko makita ni Lisa kaya tumingin ako agad kay Kai.

She's still here.

I can feel my heart's beating so fast right now.

She's here.

My love.

My Lisa.

*beep*

It's Luca.

L : Hey, how are you doing? Are you okay naman ba dyan?
J : Heyy hahaha yes. Okay naman hahaha talk to you later.

Nawala agad sa paningin ko si Lisa na parang bula.

----

LISA'S POV

Grabe talaga dito sa art gallery ni Guiller parang langit sa lupa. Ayaw ko na umalis dito lalo na alam ko story ng mga arts nya. He's a living legend. Pipicturan ko sana gamit phone ko pero saktong nalowbatt naman aish. Buti na lang may dala akong DSLR, film cam. These are my babies!

Habang tumitingin ako, nakita ko si Kai may kasamang babae. Hahahaha siguro girlfriend nya nanaman yun hay di na nagbago. Nakatalikod sila parehas at masayang nagkekwentuhan. Lalapit sana ako pero ayaw ko naman makaistorbo sa kanila. Umakyat nalang ako para tignan ang iba doon.

Isang oras ang lumipas at tapos na din ang exhibit. Buti na lang napicturan ko lahat at may maipopost nanaman ako sa instagram.

Nakita ko ang babaeng kausap kanina ni Kai. Nakatalikod at tumitingin sa mga paintings. Lalapitan ko sana pero....

"Hey! Let's go?" Yaya ni Kai sa kanya.

"Sure hahaha" sabi naman nito.

Her voice was so familiar. I think narinig ko na yun dati.

So familiar.

Hinayaan ko na lang sila at umalis na din ako. Hindi nya rin naman ata ako napansin dahil sa bukod sa maraming tao, maingay din dito. So I decided to leave na din.

----

JENNIE'S POV

Habang nagdadrive ako, di maalis sakin si Lisa. Her smile and everything about her. I thought okay na ko pero bakit bumalik nanaman lahat? I promised myself na hindi na ko ulit iiyak dahil sa kanya pero bakit parang kusang gusto pumatak ng mga luha ako? Alam kong we're better off alone dahil nabuild namin ang isa't isa.

I'm thinking about Luca too. Sinabi ko sa kanya na bibigyan ko sya ng chance. Damn may masasaktan nanaman akong isang tao. Shit I hate it. I promised him na hindi ko gagawin sa kanya yung mga naranasan nya. I think I should tell him.

"Hey, can we talk?" Chat ko naman sa kanya.

"Hey! Yes, sure. About?" Reply naman nya agad. Eto yung isa sa pinakagusto ko sa kanya. Kahit anong ginagawa nya, nagrereply sya agad. I'm so sorry, Luca. I don't deserve you.

"I saw my ex kanina sa art exhibit..."

"Oh really? Ano nangyari?" Tanong nya.

Nasasaktan ako sa mga nangyayari. Ang oa ko amp hahaha pero ang sakit kasi makasakit ng taong gusto ka lang pasayahin.

"Wala. Gusto ko sya lapitan sana at kamustahin pero pinigilan ko sarili ko kasi baka umiyak lang ako." Dagdag ko pa.

"What do you mean? You still love her?" Tanong nya.

I might break your heart.

"I think I do...I'm so sorry.." Nagsimula na ko umiyak.

"Awww. Edi talk to her and tell her you still love her." I know na nasasaktan sya ngayon.

"How about you?" Tanong ko.

"It hurts pero okay lang. Do whatever makes you happy and tandaan mo, andito lang ako lagi para sayo. Wala man akong chance, at least masaya ka. And hey, bestfriends pa din naman tayo di ba?" Sabi nya sakin na kinakirot naman ng puso ko. Napakaswerte ko sa taong to.

"Of course. Pero wala pa naman din kasi ako balak kausapin sya at natatakot din ako para saming dalawa." Sagot ko naman.

"I'm always here for you, Kuma. I'll be fine. Drive lang ako ah? I'll message you later." Paalam nya.

"Okay, ingat ka." Reply ko naman.

-

EXTRAORDINARY - JENLISA AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon