Chapter 29

4.3K 104 3
                                    

CHAPTER 29

Namiss ko rito sa mansion. Wala na rin kasi akong balita sa nakabili ng unit ko.

Tuwang tuwa ang anak ko sa nakikita niyang mga bulaklak. Nandito kasi kami nagpapahangin sa likod ng mansion.

Naalala ko na madalas din ako dito lalo na kapag gusto kong mapag-isa.

"Cleine, nakahanda na ang tanghalian. Halina kayo." Nilingon ko si nanay na naglalakad na palapit sa amin.

Si Vanessa kasi ay kahapon pa umuwi dahil hindi raw pwedeng magtagal lalo na't may hahabulin pa daw siyang flight pa States.

"Amin na ang batang maliit." Tuwang-tuwa niyang binuhat ang anak ko na gising na gising ang diwa.

"Kay gandang bata talaga." Ika ko. Binigyan niya ito ng matutunog na halik na siyang kinahalakhak nito.

"Mana sa mommy." Kapwa kami natawa sa aking tinuran.

"Saan mo nga pala sinunod ang pangalan nito at ang ganda, ha. Fayra Cleatrine." Hindi niya matigilan sa kakahalik ang anak ko. Ang sarap naman pagmasdan na kinagigiliwan nila si Clea.

"Unang pumasok sa isip ko, Nay."

"Oh siya. Pumasok na tayo at makakain na."

Sumunod naman ako sa kanila sa kusina. Nagpabili ako ng isang baby chair at foldable crib kaninang umaga para hindi ko buhatin ng buhatin ang aking anak. Masyado na rin kasi siyang malikot at ang hilig na gumapang sa kung saan saan, kaya nasa sala na lang rin ang kuna niya.

Nilapag ko siya sa kuna pagkatapos kong mapadighay. Nanunuod kasi ako ngayon sa telebisyon dahil katatapos lang rin namin kumain. Si nanay naman ay nagpaalam na may aayusin lang daw sa kwarto namin.

Napatingin ako sa anak kong pilit inaabot ang buhok ko, she's like murmuring something. Natawa tuloy ako dahil tumulo pa ang laway niya. Nagngingipin na rin kasi siya.

"You want mommy to hold you? Hmm. Don't eat that, halika na dali." Saway ko sa kanya ng makita na nginangatngat niya ang hawakan ng crib niya.

Nakatayo kasi siya ngayon at nakahawak lang sa kanyang kuna. Nagpapa padyak naman siya ng akmang kukunin ko na siya.

"Ang cute cute naman ng mahal ko hmm. Ang bango." Napahalakhak ako ng pilit niyang idinidikit ang chubby niyang mukha sa mukha ko. Nalalagyan din tuloy ako ng laway, pinunas ko na lang ang baby bib na suot niya.

Bumalik ako ng upo sa couch at kinandong na lang siya. Masyadong malikot ang paa at kamay niya.

Naglilipat ako ng channel nang pilit niya itong inaabot sa akin kaya todo layo rin ako.

"No baby, it's not for you." Humikbi siya at nililingon ako saka inuunat ang kamay para makayakap sa aking leeg.

"Sleepy?"

Napatigil ako ng madaan ko ang isang channel na Headline ang Zephyrus Band. Mukha ni Jared ang nakapaskil doon.

Anong nangyayari?

Pinanuod ko ito at napag alamanan na may sinuway siyang protocol para sa show nila International. Pinagbawalan silang lumabas pero nakita raw siya na pumunta sa isang bar at may kinitang babae.

Scandal.

Hindi nakilala kung sino 'yong babae pero likod ang nakita. Kita pa ang pagngiti ni Jared sa Cellphone na hawak-hawak ng babae.

"Si Jared ba 'yan, hija?"

Napalingon ako kay nanay na nasa likod ko na pala. Tumayo ako at humarap sa kanya.

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon