Humahagikgik ka sa aking musmos na salamisim,
nakangiti nang malawak at walang bakas ng pamamaalam.
Naaaninag ang mata mong singkinang ng mga bituin,
walang pagbabadya ng luha at anumang paglisan.Tangan ko ang kamay mong singlambot ng ulap,
haplos ang iyong buhok na singhaba ng halaman.
Ang maamo mong mukha na mistulang nasa alapaap,
taglay ang ngiting tulad kay Paraluman.Saksi ang ulan sa halik mong sing init ng kandila,
ngunit nababakas na ang kaniyang pagkaupos.
Ang yakap mong singtamis ng mantikilya,
ngunit malapit na itong maubos.Alam kong masaya ka na sa mga oras na 'to,
natutulog sa langit na iyong kanlungan.
Paumanhin dahil nanumbalik lamang ang alaala mo,
nang muli kong makita ang mga luma nating larawan.#YakapNgTalata
BINABASA MO ANG
Yakap ng Talata
PoetrySa bawat gabing bukas ang mga mata, sa mga paghikbing walang nakakakita, sa bawat unang nalunod at nabasa, at sa mga pag-ibig na hindi itinadhana. Yakap ng Talata, Mga tugmaan tuwing bibisita ang kadiliman. Date Started: August 4, 2020 Date Finish...