#21 Sariling Hiwaga

32 6 0
                                    


Huwag kang magalit sa bangungot na dala ng kalawakan,
huwag mo itong itanim—huwag mong panghawakan.
Hindi ito ang magbibigay sa'yo ng sinag bilang agahan,
hindi ito ang tunay mong tahanan.

Dumilat ka sa pagsapit ng panibagong bukang-liwayway,
iunat ang katawan at salubungin ang araw at kulay.
Muling bumangon sa sariling paa na nakaagapay,
ikaw ang bubuo sa iyong sarili—ang hiwaga ng 'yong buhay.

#YakapNgTalata

Yakap ng TalataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon