Teaser

203K 3.7K 799
                                    

Xiara's POV

Hindi ko maipaliwanag ang saya na aking nadarama ngayon pa't sila'y bihag ko na. Malapit ko ng makamtan ang huling halakhak kaya dapat ko ng itigil itong aking pagdakdak.

Habang naglalakad ako papalapit sa kinaroroonan ni Kian, batid ko ang takot na namumutawi sa kaniyang mukha. I want to see him suffer baka ko siya patayin. Sa lakas ng sakit na tinamo ko sa kaniya, aba! Kulang pa ang buhay niya.

"Huwag mong ituloy iyan Xiara! Maawa ka kay Kian!" Sigaw ni Agatha habang nagpupumiglas sa may sahig.

"Maawa? Bakit? Naawa ba siya sa akin noong pinaglaruan nila ako ni Hannah? Hindi 'di ba? So why should I pity him?" Pagtataray ko habang nakatingin sa maamong mukha ng aking ex.

"Kung iyon ang dahilan mo para magkaganyan ka, pwes, ako na lang! Ako na lang ang patayin mo! Sa akin ka naman galit! Huwag ka ng mandamay ng ibang tao!" Lakas-loob nitong sagot sa akin kahit na tumatagaktak na ang pawis sa kaniyang mukha.

"Ha-ha-ha! Bravo!" Tawa ko habang umiirap sa hangin.

Pansin ko ang tensyong namumuo sa loob ng silid na ito. Si Agatha ay pilit na kumakawag habang si Ethan ay nakapikit lang at wari mong nagdarasal. Si Mark ay mukhang nag-iisip ng paraan kung paano siya makakawala habang si Roxette ay nakalupaypay lang sa sahig at hinang-hina na.

"Xiara! Tigilan mo na ang kahibangan mong ito!" Segunda ni Ethan sa gitna ng aking pagmumuni-muni.

"Shut up Tantan!" Sigaw ko. Ewan ko ba kung bakit uminit bigla ang aking ulo at hinataw ko ang kanang braso ni Kian ng chainsaw.

"Ahhh!" Pagpalahaw nito sa sakit gayunpa't humiwalay na ang kaniyang kanang braso sa kaniyang katawan. Walang pigil ang pagsirit ng kaniyang dugo sa sahig.

"Ha-ha-ha! Ang sarap mong panuorin habang ika'y dumadaing." Sambit ko sabay pulot ng natanggal niyang braso.

Pinatay ko muna ang makina ng chainsaw at nilapitan ko si Agatha.

Gamit ang braso ni Kian, ipinanghimas ko ito sa mukha ni Agatha kaya kinilabutan siya. Natutuwa akong makita ang epic face ni Agatha! Haha!

"Huwag kang mag-alala, pagkatapos ko kay Kian, ikaw naman." Pahayag ko sabay ngiti ng nakakaloko.

"Hindi na makatao ang ginagawa mo Xiara! May sayad ka na nga sa utak!" Singhal sa akin ni Mark. Nilapitan ko siya at hinaplos ang kaniyang pisngi.

"Maybe falling in love is an accident but staying in love is a choice." Sambit ko sabay siil ng halik sa kaniyang labi.

Heaven! Ang lambot ng labi ni Mark! Gusto ko na tuloy siyang angkinin at tuluyang mapasa akin. Haha!

"I like the taste of your lips. Yum yum." Dugtong ko sabay kindat dito. Batid ko na nairita siya sa akin. Dahil si Roxette lang ang nais niyang makasama, at maging asawa.

"Congratulations Tantan! Tama lang pala ang rejection na ginawa ko sayo noon. Hindi tayo bagay. Mas bagay kayo ni Roxette, at mas bagay kami ni Mark. Haha!" Sambit ko na nagpalaki sa kaniyang mata sa gulat.

"Na-miss kita kababata." Dugtong ko sabay kurot sa kaniyang pisngi.

"Worst nightmare ever." Turan ni Roxette ng lapitan ko ang kinararatayan niya.

"Sinabi mo pa. And this gonna be the best day of my life!" Panunuya ko sabay ngiti ko sa kaniya na mapang-unsyami.

Sa pagbaybay ko sa landas na kinaroroonan ni Kian, nagulat ako dahil biglang lumindol. Napakalakas kaya napaupo ako bigla. Limang segundo lamang iyon pero dinapuan ako ng kakaibang kaba.

Nagulat ako sa puting liwanag na sumisilaw sa amin ngayon mula sa itaas. Isang babaeng nakaputi ang unti-unting bumababa rito.

"Ate Ethel!" Sigaw ko at binitawan ko ang hawak kong chainsaw at tumakbo palapit sa kaniya para mayakap siya.

Buwan lang ang tanda niya sa akin pero tinuturing ko pa rin siyang ate. Habang yakap-yakap namin ang isa't isa, itim na liwanag naman ang buong namuo sa sahig malapit sa aming kinatatayuan. Unti-unting sumibol rito ang babaeng naka-itim.

"Ate Helga!" Sabay naming sambit ni Ate Ethel. Dali-dali kong tinakbo ang kinaroroonan niya at niyakap siya.

Dalawang taon lang ang tanda ni Ate Helga sa amin ni Ate Ethel. Sa totoo niyan, si Ate Helga at Ate Ethel talaga ang tunay na magkapatid. Half sister lang nila ako.

"Gawin mo na kung ano ang nararapat Xiara. Kill them!" Bulong niya sa akin.

"Ate Helga! Tigilan mo na si Xiara. Huwag mong lasunin ang kaniyang isipan dulot ng galit." Pag-ayuda ni Ate Ethel. Lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin lamang sa amin. Mukhang nakikita rin nila ang dalawa kong Ate na multo.

"Tapusin mo na kung ano ang nakasaad sa Alphabet of Death, Xiara. Huwag ka ng mag-alinlangan pa." Utos ni Ate Helga na balot na balot ng itim na kapangyarihan.

"At ikaw Ethel, ate mo ako kaya huwag ka ng humadlang pa. Gumawa ka ng librong ABaKaDa 'di ba? Pwes, gamitin mo rin iyon kung nais mong mabuhay ang mga taong nabiktima ng Alphabet of Death ko. Haha!" Paghalakhak niya. Nakakatakot siyang tumawa. Para bang demonyong umahon sa kadagat-dagatan apoy.

"Pero hangga't makakaya kong mapigilan ang kahibangang ito, hindi ko gagamitin ang libro ko!" Pagsagot ni Ate Ethel na nagpapanting naman sa tainga ni Ate Helga.

"Kinakalaban mo talaga ako? Ok! Matira matibay!" Sambit ni Ate Helga at nagsagupaan silang dalawa.

Kahit na ano man ang mangyari, I promise to myself na tatapusin ko ang sinimulan ko. Sorry Ate Ethel, I need to kill them.

---

Hello guys! Heto na po ang teaser ng ending! I hope na nagustuhan n'yo at may nabuo ng idea sa utak n'yo kung ano ba ang mangyayari sa ending. Ang daming revelation! Pero dapat n'yo talagang pakaabangan ang ending.

Ano ang mangyayari sa sagupaan ng dalawang multo? Sino ang mananalo at matatalo?

Ano ang gagawin ni Xiara? Mapatay niya kaya ang kaniyang mga kaklase? O maunahan siya ng mga ito na patayin siya?

Mas kapana-panabik ang ending kaya sana pakatutukan n'yo.

---

Nabasa n'yo naman na may ginawa ring libro ang ating white lady na si Ethel, ABaKaDa ang title. Kaya masaya akong ibalita sa inyo na may Book 2 ang AoD!

Excited na ba kayo? Ako kasi ay excited na. Ang title ng Book 2 ay...

THE RETURN OF ABAKADA, na kung saan ay sisimulan ko kapag narelease na ang AoD book. Excited ba kayo? Kaya bili kayo ng Alphabet of Death! Ipon na kayo.

Sa ngayon, sinusulat ko ang bago kong horror stories na SONIA SAYS at 'yung isa ay LIMBAG. Sana ay suportahan n'yo rin ang iba kong akda.

Itutuloy ko na ring isulat ang Romance/Drama kong akda na PAPER ROSES. Kung trip n'yong kiligin at the same time, umiyak, try to read it!

Kung gusto n'yo naman mapunta sa ibang dimension, fantasy like na story, try n'yong basahin ang Humanimal University.

Iyon lang, salamat sa inyong lahat! Kung may katanungan kayo, comment n'yo lang o 'di kaya'y i-pm n'yo ko.

Thank you!

God Bless!

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon