CHAPTER 29 [Hide And Seek II]

849 122 57
                                    

CHAPTER 29
(Hide And Seek II)

(A/N: Before you read this chapter please download or listen KUNG ‘DI RIN LANG IKAW BY: DECEMBER AVENUE ft. MORIA DELA TORRE when It comes to MAXXIMO’S POV.)

***

YURIKO.

[party music plays]

Nagsimula na ang kasiyahan habang ako naman nakikisalamuha sa kanila, ang ingay namin dito sa labas ng bahay habang kumakain kaming laahat.

“Max say bitch!” Tinutok ni Hailey ang camera samin at nagpicture kaming apat.

“BITCH!” sabay-sabay pa naming sabi na imbis na cheese ay pinalitan niya ito ng bitch.

After namin mag-picture-ran ay lumapit ako kila papa at Ross.

“Guys maya-maya matutulog na ako ganito at ang plano.”

Ano iyon?” tanong naman ni papa.

“Wag ninyo muna papakialaman ang cake, matutulog ako sa sofa kapag nagising na si Maxximo saka ninyo ito batiin ng Happy Birthday at ipa-blow ang candles okay?”

“Copy!” sabay pa nilang sinabi.

“Thank you.” sabi ko sa kanilang dalawa.

“No worries ikaw pa ba?”

Bumalik na sila sa kanya-kanya nilang kasama, napatingin naman ako sa langit at punong puno ito ng mga kumukutitap na bituin. Napangiti ako at iniisip ko si Maxximo.

Napatingin naman ako sa phone at pagkita ko ay 10PM na pala, umupo ako sa ilalim ng puno dito sa labas ng bahay at nagtype ako ng message para kay Max.

Dear Max,
Happy Birthday! Kahit late na itong panibago mong celebration ay sana naging masaya ka sa surpresa ko, pasensya na ha kung ganito pa ang naisip kong pakulo. Buti na lang pumayag sila na gawin ang party na ito para sa’yo, kumpleto ang gang at nandito rin ang tatlong chikababes mo maski buong pamilya mo ay makakasama mo sa celebration ng birthday mo ngayon. Alam mo ba kung bakit birthday party ang naisip kong gawin? Kasi sabi nila noong pinanganak tayo ay bagong buhay at bagong simula kaya ko inihanda ito para sa paggising mo ay panibagong buhay at simula ito para sa’yo. Max hindi ko alam kung makakabawi ako sa ganitong paraan pero sana maappreciate mo, maraming salamat sa lahat Maxximo at sana makapagkita na tayo.

Ang iyong maganda’t mapagmahal mong ka-body switch. - Yuriko.

Nagpaalam na ako sa kanila para pumasok at matulog, sila papa at Ross lang ang nakakaalam sa body switch namin ni Max kaya karamihan sa kanila ay nagtataka kung ano ang trip ko kung bakit matutulog na ako. Gusto ko talagang masurprise siya sa tuwa dahil nakakasigurado ako na magiging masaya siya. Lahat naman ng ito ay para kay Max dahil ilang beses na niya ako tinulungan at pinasaya sa buhay ko kaya oras ko naman para makabawi sa kanya. Pumasok na ako sa loob ng bahay at humiga na ako sa sofa, ngumiti muna ako bago pumikit at sinimulan ko ng panaginipan si Maxximo.

***

MAXXIMO.

Buo ang tiwala ko ngayon kay Darryl dahil sabi nito ay tutulungan niya akong mahanap ang kapatid ni Yuriko. Patuloy pa rin ang pag-ulan at pagkidlat habang paakyat kami sa ikalawang palapag.

SWITCH (COMPLETED) ✅ [SOON TO BE PHYSICAL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon