forty

301 27 20
                                    


*˚*•̩̩͙✩•̩̩͙*˚ [ ryujin — • ] ˚*•̩̩͙✩•̩̩͙*˚*

"hoy choi beomgyu, baka gusto mo nang umuwi. kanina pa tayo tapos." sigaw ko kay beomgyu habang nasa kusina habang hinuhugasan pinag-kainan namin. busy siya sa sala kakalaro kay dallie.

"nantataboy ka na agad?" sigaw niya pabalik.

"kanina ka pang 9 dito magfa-five o'clock na. wala na kaming pagkain oy!" kanina ko pa rin siyang iniinis dahil kain siya nang kain. sarap ko pa namang magluto.

"kakakain ko lang eh! mamaya mo na ko pauwiin." naisip ko nga rin naman bigla, para lang siyang nag-eat and run. "pakalmot ka muna kay dallie." sagot ko tapos sinamaan niya ko ng tingin. banas amp.

"gusto mo sa city library naman tayo, next?" tanong ko since mas okay mag-aral dun. hindi siya makapag-focus dito dahil kinukulit niya si dallie, akala ko nakikinig pa sa'kin yun pala hinaharot na yung pusa.

"okay, wala naman tayong class sa tuesday kasi may meeting daw faculty. umaga na lang tayo mag-meet kasi may training ako sa hapon." ay oo nga pala, mas busy siya ngayon dahil malapit-lapit na rin yung competition.

"agahan mo na magising ha." diniin niya pa talaga yung agahan. ngumiti na lang ako since guilty naman na ko dun. late na kasi ako nakatulog kagabi since nanood pa ko got7 videos.

"nga pala, may athlete's night next week." sabi niya. "oh tapos?" narinig ko na rin kasi yung announcement sa class na bago yung extramurals, may gaganaping party for school athletes.

"gusto mong sumama?" nagulat naman ako sa tanong kaya bigla akong nawalan ng balance sa katawan, hindi ko alam kung saan ako tatapak. sasaluhin sana ako ni beomgyu kaso naiapak ko yung paa ko kung nasa'n yung buntot ni dallie.

to make the story short, kinalmot niya ako.

"uy asan first aid kit niyo?" nag-aalalang tanong ni beomgyu. wala sa sarili kong tinuro yung medicine box sa kusina. pagkaalis niya, agad kong sinampal yung noo ko.

ano ba, ryujin? umayos ka nga.

bumalik siya dala-dala yung maliit na first aid kit. kumuha siya ng bulak tapos naglagay ng alcohol doon. usually, hindi naman masakit yung kalmot ni dallie kaso bumaon yung kuko niya ngayon kaya ang sakit talaga ng sugat ko.

"aray ko, aray." angal ko nang madiin na nilagay ni beomgyu yung bulak. "sshh, saglit lang. madali lang 'to kaya tiisin mo muna." nanahimik na lang ako.

nang matapos niya na, binalik niya yung first aid kit tapos inayos niya na yung gamit niya. mukhang naghahanda na para umuwi. "beom, thank you." mahinang sabi ko.

lumapit naman siya at ginulo ang buhok ko. "welcome, master." napalayo ako dahil nagulat ako sa action niya pero pinagpatuloy niya pa rin habang tinatawanan yung reaction ko. "yung kanina pala, gusto mo bang pumunta?"

ayan na naman tayo sa tanong na yan eh. "ah, okay lang naman." utal na sabi ko.

"can you be my partner?" deretsong sabi niya.

ayan na nga. amporkchop.

"okay?" sagot ba yung sagot ko o tanong ulit? umayos ka nga, shin ryujin.

"okay?"

"okay."

"okay. thanks master! uwi na ako. see you." dali-dali ko naman siyang hinatid sa may pintuan. "ingat ka."

nang makalabas siya ng gate, nag-wave lang siya at hindi na lumingon.

"okay."

"sana okay ka lang, ryujin. sana okay ka lang talaga." i whispered to myself.

GORGEOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon