Chapter 19

877K 33.6K 17.5K
                                    

Bumuhos ang luha ko habang kinikipkip sa dibdib ang sulat ni Nanay. I couldn't move a muscle. Napako ako sa kinatatayuan ko. A series of fatalistic thoughts flooded my entire being. Dahan-dahang nag-sink-in sa akin ang nangyari.

Nanay left me.

She didn't want us to meet again... mahal na mahal ko ang nanay ko pero ayaw niya na akong makita dahil ayaw niyang hilahin ako pababa. Ayaw niyang madamay ako sa ginawa niya. While I was hating on her, she was thinking of me.

I swallowed my sorrow, but it poured out of my shaking, icy hands. My knees had given up, just as she had given up on life. That night, I climbed into bed, hoping that all of my worries would vanish. My pain was folded and stuffed into my mouth, resulting in sobs and tears.

Dumating ang umaga pero wala akong ginawa kahit tumatama na ang araw sa mukha ko. I didn't want to face the empty side of this house. I didn't sleep. Sa paglalim ng gabi, para akong nilulunod ng alon ng buwan.

Mag-isa na lang talaga ako.

Nakatitig lang ako sa sira-sirang kisame ng kwarto ko, hinihiling na sana ay bigla na lang itong malaglag sa akin.

Nay, ang dami kong plano para sa atin. Sabay nating tinanaw ang mundo. Ikaw lang ang inspirasyon ko kaya ako nakakalakad. Ngayong wala ka na, paano ako? Saan ako magsisimula ulit?

Lumipas ang buong maghapon na nasa kama lang ako. Rinig ko ang paulit-ulit at nakaririnding tunog ng cellphone ko pero hindi ko ito tiningnan hanggang sa mamatay ito dahil sa pagka-low batt. I was a complete mess and I didn't even want to fix myself. Gusto ko na lang mawala rin gaya niya. This life was no longer worth living.

Bumangon lang ako nang makaramdam ng uhaw. Paglabas ko pa lang sa kwarto ko ay binalot ako ng kalungkutan. Madilim ang buong bahay at halata mong walang tao. Sumulyap ako sa pinto ng kwarto niya pagkainom ko.

Kagat-labi kong pinasok ang loob.

Nothing had changed. Naroon ang mga gamit niya. There was a picture of us on her bedside table. Ang mga awards ko sa baking contests ay nakasabit sa dingding ng kwarto niya.

I sighed. This was her view every night. Puro mukha ko, puro ako.

Lumapit ako sa kama niya at muling tumulo ang luha ko. Kung pwede lang tanggalin na lang ang mga mata ko dahil pagod na akong umiyak ay ginawa ko na.

Nay, bakit mo naman ako iniwan?

I cried into her pillow. It had a fragrance that reminded me of her. It smelled like home.

I slept there that night. Saka lang ako nakatulog habang naamoy ko siya. This house was not a home without her.

I was a mess for days. Nabasa ko na lang sa group chat namin na individually raw i-a-announce ang mga nakapasa sa battery exam. Duke and Troy were texting me constantly pero hindi ako sumasagot. Ilang beses ko na ring narinig si Duke na parang sisirain ang pinto ng bahay namin pero wala akong pakealam.

Nagpakalunod ako sa lungkot. Yes, I have friends. I have a very loving boyfriend. I have a lot of people who support me. Pero ang sakit pa rin. Ang sakit ng paghihiwalay namin ni Nanay. Gusto kong puntahan siya sa Maynila pero wala akong pamasahe. Ni hindi ko maalala kung kailan ako huling kumain.

'Maging malaya ka at mapagtagumpay.'

Panibagong umaga, tumingin ako sa bintana ng kwarto ni Nanay. Dito kasi ako ulit natulog.

'Ikaw ang araw ko.'

The sun was radiating its light. Kita ko ang ibang kapitbahay namin na nagsasampay na para mahabol ang init. May mga ilang bata na naglalaro na rin sa daan dahil tapos na ang school year.

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon