Chapter Sixteen

284K 10.1K 4.6K
                                    

Simula ngayon dapat ko nang alamin kung hanggang saan ang limitasyon ko at subukang 'wag lumampas do'n.

Hindi ko puwedeng mahalin si Mayor, hindi ko siya puwedeng magustuhan, ni hindi ako puwedeng maging concern sa anak niya.

"Mama!"

Agad na tumakbo si Arkia papalapit sa 'kin saka ako niyakap nang magtungo ako sa dining room. Tipid na ngumiti na lang ako sa kaniya saka marahang hinaplos ang buhok niya.

Nakangiti ngayon si Arkia na para bang hindi siya umiyak kagabi, pero malakas ang pakiramdam ko na nagpapanggap lang siya sa mga ngiti niya ngayon. Nalulungkot pa rin siya, nagdaramdam pa rin siya pero hindi na lang niya ipinakikita ang kahinaan niya.

Napatingin ako kay Mayor nang makitang nakaupo siya habang nakatutok sa laptop niya. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kaniya saka nagtungo sa ref para maghanap ng iluluto para kay Arkia.

Tahimik kaming tatlo sa dining room, wala akong balak magsalita hangga't nandito si Mayor. Ayoko na siyang kulitin, ayoko na siyang guluhin, ayoko na uling lumagpas sa limitasyon ko sa bahay na 'to.

Ipinaghain ko na si Arkia. Nagtimpla ako ng kape para sa sarili ko, ipinagtimpla ko na rin ng kape si Mayor pero hindi ko siya binati katulad ng palagi kong ginagawa. Basta na lang akong umupo sa tabi ni Arkia.

Nahalata kong natigilan si Arkia at napatingin sa 'min ni Mayor. Alam kong naguluhan at nagtaka siya kung bakit tahimik ako o kung bakit hindi ko kinulit si Mayor. Siguro dapat masanay na siya. Sasanayin ko na rin ang sarili ko na maging ganito hanggang sa matapos na ang dapat kong gawin dito.

"What do you want me to buy for you? It'll be my peace offering for not attending to your school's program," sabi ni Mayor habang nakatingin kay Arkia.

Ngumiti naman si Arkia sa kaniya bago sumagot. "Gusto ko po ng chocolates, pati si Mama po, bilhan mo," sabi ni Arkia saka yumakap sa braso ko.

"'Wag na, hindi naman ako mahilig sa chocolate," sabi ko na lang saka uminom ng kape.

"Mama, lahat naman po ng nakakain, kinakain mo po, e," sabi ni Arkia habang nakatitig sa 'kin.

"Hindi na, ikaw na lang." Uminom na lang uli ako ng kape saka napaiwas ng tingin sa kaniya.

"Okay lang po, Mama. Alam kong gusto mo po ng—"

"I won't buy anything for her if she doesn't want to," malamig na sabi ni Mayor saka sinara ang laptop niya at inilagay iyon sa itim na laptop bag niya. "I'll go ahead," sabi niya saka tumayo at binitbit ang bag niya.

Pasimple ko na lang siyang hinabol ng tingin hanggang sa makaalis siya. Napabuntonghininga ako at napahawak sa dibdib ko nang pakiramdam ko ay nakahinga ako nang maluwag nang makaalis na siya.

Parang kahapon lang, kapag nakikita ko siya ay parang may kung anong mga bulaklak ang tumutubo sa puso ko. Nakakamangha lang na ang bilis nagbago n'on dahil lang sa masasakit na salitang sinabi niya kagabi.

Hanggang ngayon naiisip ko pa rin ang mga 'yon, hanggang ngayon ay paulit-ulit pa ring naglalaro sa isip ko ang mga sinabi niya.

Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon—naiinis, nagagalit, naaawa sa sarili, at nahihiya. Nahihiya ako dahil pakiramdam ko naging makapal ang mukha ko na basta na lang lumagpas sa boundaries ko. Bakit hindi ko nagawang itatak sa isip ko na hindi naman ako permanente rito? Bakit hindi ko nagawang itatak sa isip ko na hindi magkakagusto si Mayor sa tulad ko? Oo nga't may nangyari na sa 'min, pero lalaki din siya, malamang nagawa niya lang akong patulan nang gabing 'yon dahil parte 'yon ng pangangailangan niya bilang lalaki o kaya naman dahil naawa siya sa 'kin dahil masyado kong ipinahalata na desperada ako sa kaniya.

Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon