MY MR. ENGINEERING BOSS

201 7 0
                                    

CHAPTER 23
Paul's POV
"Guys! We need to win this game para tayo na ulit ang champion! Ngayon lang tayo umabot ng 5th set kaya kailangan nating magpursige dahil mahirap na! Lamang tayo ng lima! Guys! Kaya nyo ba!?" Sabi ni coach sa amin. Nakaabot na kasi kami ng finals kaya heto ang huling laban namin para makuha ang kampyonato. 10-5 na sa 5th set kaya ibubuhos na namin ang aming makakaya kaya laban lang.
"Guys! Puso lang ang kailangan natin dito! Paul, goodluck!" Sabi ni Tristan kaya napatingin ako sa kanya. Isang matamis na ngiti ang ibinigay nya sa akin pero agad akong umiwas.
Kailangan kong pigilan ang sarili ko para makapagmove on na. Ayoko na muling masaktan! Ayoko na muling magsuffer.
Prrrrrriiiiittttttt!
Nagpito na ang referee kaya bumalik na kami sa pwesto namin. Ang kalaban ang magseserve kaya heto ako focus na focus sa kanya.
Nang magserve na sya ay pumwesto na ako and yes! Nakuha ko ang bola. Ibinigay ito sa middle pero block! Buti nalang nandun ako para icover sya. Pumalo ang open namin pero nakuha nila. Pumwesto ako sa singko para mag abang ng bola. Nang pumalo ang open nila ay saktong sakto sa akin kaya nadig ko iyon! Hiyawan ang mgatao dahil sa nagawa ko. Ibinigay ni Tristan sa open pero nablock ito buti nalang nandun muli ako kaya cover! Shit kakapagod! Pero kailangan kong magdoble kayod para maipanalo ito. Isinet ni Jacob sa middle and ,
"Yessssss!!!" Sigaw naming magteteam. Nagcelebrate kami dahil long rally ang naganap kaya super happy namin dahil nakuha namin ang puntos na iyon. Nagyakapan kami at ako ang kanilang kinongrats.
"Good job Paul" wika ni Jacobs. Ang iba naman ay ginulo ang buhok ko. Si Jacob na ang maseserve. Nang magserve ito ay ace kaya punto na ulit namin. Nagtime out ang kalaban kaya bumalik kami sa coach namin.
"Good job Paul" bati sa akin ni Tristan. Inopen nya ang kanyang mga braso para makipagyakapan sa kanya pero umiwas ako at lumayo sa kanya. Pumwesto ako sa harapan ni coach dahil ako ang pinakamaliit.
"Paul! Napakagaling mo!" Sigaw sa akin ni coach kaya nginitian ko lang sya. "Ipagpatuloy mo yan" dugtong pa neto.
"Opo coach" sagot ko.
"Sana ganyan din sya sa totoong buhay. Di sumusuko" mahinang wika ni Tristan kaya napatingin kami sa kanya.
"Bakit pa ako lalaban kung sya naghanap na ng iba" sarkastiko ko namang sagot sa sinabi nya. Inirapan ko sya at nagfocus na ulit ako kay coach.
"Easy lang Paul. Personalan na yan ha" bulong sa akin ni Jacob. Tinignan ko lang sya ng masama.
"Hi babe" bati ng babae sa may gilid.
"Hello babe" sagot naman ni Tristan kaya napakuha tuloy ako ng tubig at ininom ito. Nakaramdam ako ng sakit sa puso nang makita at marinig silang tawagan ng babe! Shit! Yan ba Tristan! Ganyan nalang ba kadali para sayo ang palitan ako! Gago ka ba?!
Prrrrriiiiitttt!
Pumito na ulit ang referee kaya agad akong pumunta sa court. Tumingin ako saglit sa dalawa na sina Tristan at Krisha na magkatabi na ngayon sa pag-upo. Nagdidilim tuloy ang paningin ko sa kanilang dalawa.
Bumalik ako sa kamunduhan.
Nang maserve si Jacob ay narecieve na nila iyon. Pumalo ang open pero dahil sa alam ko kung saan pupunta ang bola ay agad akong pumwesto dun and yes! Puto na naman! Isinet nito sa boyfriend nya ayun! Patay agad!
Nagcelebrate na naman kaming lahat.
Nagaerve muli si Jacob. Pumalo ang opposite pero block ito ni Baste.
Isa nalang kaya, kaya namin to! 14-5 na!
Nagserve muli si Jacob pero recieve nila. Ibinigay sa open nila, pinalo ito pero off the block! Mataas ang lipad ng bola pero papunta ito sa pwesto ng coaching stuff kaya hinabol ko ito. Wala na akong makitang daan kundi ang bola nalang na babagsak. Nang malapit na ako sa bola ay nirecieve mo na ito at success! Pero!
"Ayyyy!!!" Sigaw ko ng mabunggo ko ang isang tao at napadama ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong si Tristan ang nasa harap ko at napakalapit ng mukha naming dalawa. Konti nalang maghahalikan na kaming dalawa. Bumilis ang tibok ng puso ko sa posisyon naming dalawa. Nag-init pa ang mga pisngi ko. Tulala at hindi makagalaw habang nalalasap ko ang kanyang napakabangong hininga na matagal ko ng hindi naaamoy.
Pero ang malala ay,.
"Sorry!" Sigaw ni Jacob dahil sa binangga nya ako kaya nagkalapit ang aming mga labi ni Tristan na mas lalong pagbilis ng tibok ng puso ko at paglaki ng mga mata ko. Umalis ako bigla at bumalik sa court. Di maalis sa isipan ko ang nangyari kaya di ako makapagfocus! Shit!.
"Paul yung bola!" Sigaw ng mga kateam ko pero huli na ang lahat! Natamaan na ako ng bola na syang pagkatumba ko. Napahiga ako dahil sa lakas ng pagkatama sa akin.
Isang malakas lang na ingay ang narinig ko! Nagkagulo na ang mga tao sa gym!.  Lumapit ang mga kateam ko sa akin at binuhat ako.
"Paul panalo tayo!" Sigaw ni Baste. Kaya kahit masakit ang noo ko ay ngumiti ako dahil nanalo pala kami.
Niyakap naman ako ni Jacob.
"Sadya ko yun Paul. Namiss mo bang halikan si Tristan?" Bulong sa akin ni Jacob kaya agad ko syang sinikmuraan.
"Araaaay!" Sigaw ni Jacob at napaluhod sa lakas ng pagkakasuntok ko.
"Buti nga sayo" sabi ko sa kanya.
"Paul okay ka lang?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Tristan pero di ko sya pinansin at lumayo ako sa kanya.
"Congrats Paul" bati sa akin ni coach.
"Thank you coach" sagot ko naman sa kanya.
"Di talaga ako nagsisising inalagaan kita ng ilang taon" sabi pa ni caoch.
"Thank you coach. Sige coach upo lang ako saglit, medyo nahihilo pa ako eh" aabi ko kay coach. Tinanguan lang ako kaya pumunta na ako sa gilid sa tabi ng 1st aid personnel para maghingi ng ice bag para sa natamaan kong noo.
Nang mabigyan ako ay ipinatong ko na ito sa noo ko. Ang shit! Ang sarap! Napakalamig!
---
Tristan's POV
Nakakainis na ah! Di talaga ako pinapansin ni Paul! Kahit anong gawin ko wala man lang sya umimik! Iimik man pero pabalang pa! Nag-aalala na nga ako sa kanya pero di man lang ako pinansin! Gago ba sya! Napakaarte shit!.
Pero nagustuhan ko ang nangyari kanina nung nagkahalikan kami. Di man sadya pero nagpaligaya ito sa puso ko.
Ngayon ay kasama ko ngayon ang girlfriend kong si Krisha nakaupo sa bench. Alam nyo bang ilang araw na akong hindi kinakausap ni mama dahil nalaman nyang kami na ni Krisha. Pinagalitan pa akong ang bilis ko daw palitan si Paul. Eh ano naman?! Nararamdaman ko to eh! Kaya wala silang magagawa. Pero kahit kasama ko sya ay di maalis sa paningin ko si Paul. Nasa gilid lang sya at nagpapagaling sa kanyang noo na natamaan ng bola. Di kasi magfocus sa bola kaya natamaan ang gago.
Habang nakaupo sya dun ay biglang lumapit ang lalaking nakatama sa kanya ng bola. Nakipagkamay ito at umupo sa tabi ni Paul. Mukhang masaya naman silang nag-uusap. Pero bakit naiirita akong makita silang magkasama? Ayun! May paselfie pa ang dalawa! Hay! Kairita naman! Nang matapos ng magselfie ang dalawa ay iniabot ng lalaki ang cellphone nya kay Paul, eto namang Paul ay kinuha ito at may itinype, ibinalik nya rin ito kaagad.
Shit!
---
Paul's POV
Makalipas ang ilang minuto ay pinatawag na kami para sa awarding.
Sa individual awarding ay nakuha namin ang
2nd Best Open Spiker
1st middle blocker na si Baste
Best setter naman si Jacob
Ako naman ang Best Libero
At tinanghal na most Valuable Player si Baste.
At syempre ay sa amin ang CHAMPIONSHIP TITLE!
Nagpicture-picture konti at nag puntahan na kami sa office ni coach. Dito kasi sa school namin ginanap ang Championship game dahil kami ang leading sa Finals.
Umupo ako sa gilid malayo kay Tristan. Basta ayokong lumalapitcsa kanya. Masayang masaya ang mga kateam ko dahil sa aming pagkapanalo.
"Finally! Ako na ang MVP ngayon!" Sigaw ni Baste. Napatayo pa sya at itinaas ang kanyang trophy. Tawanan lang kami sa loob.
"Kung napakapaglaro lang ako for sure di magiging sayo yan!" Sabi naman ni Tristan.
"Sorry! Pero hindi!" Nakakalokong sabi ni Baste.
"Pero naman palakpakan naman natin ang Best Libero! 1st year palang pero iba na maglaro!" Sabi ni coach sa team.
"Tatayo na yan! Tatayo na yan!" Sigaw ng mga kateam ko kaya tumayo nalang ako.
"Thank you guys, thank you coach!" Sigaw ko sa team ko. Umupo ulit ako.
"So alam nyo naman ang tradisyon! Kung champion! May," sabi ni coach.
"May celebration!" Sigaw ng kateam ko. Pero ako ay masayang nanonood lang sa kanila.
"My place! Sabi ni Tristan. Actually alam ko namang magchachampion na kayo kaya nakapaghanda na kami ni coach" sabi ni Tristan kaya naghiyawan na naman ang lahat.
"See you guys later!" Sabi naman ni coach. Agad akong tumayo at nagsalita.
"Coach. Hindi po ako makakapunta" sabi ko kaya nagtinginan lahat sa akin ang kateam ko kasama na rin si Tristan.
"Why?! Di ka dapat mawalarun kasi kateam ka namin" sabi ni Jacob.
"Wala po ako sasakyan pauwi" palusot ko.
"Iyahatid kita" singit naman ni Baste.
"Magrereview po ako" palusot ko na naman.
"Exempted tayo ng lahat ng quizzes at assignments this week and next week" sabi naman ng isa kong ka team.
"Madami po kasi akong iye-sketch" palusot ko na naman.
"Alam mo Paul, nagpapalusot ka nalang eh" sabi ni coach sa akin.
"Eh, ka-kasi po coach. Di talaga ako makakapunta" sagot ko.
"Yan ba talaga ang dahilan mo o ayaw mo lang pumunta sa bahay ko?" Seryosong tanong ni Tristan sa akin. Di ko lang sya pinansin.
"Sige na coach payagan nyo na akong hindi pumunta" pakiusap ko kay coach.
"Sagutin mo ko! Wag kang umiwas dyan!" Galit na sigaw sa akin ni Tristan kaya tinignan ko sya ng masama.
"Kung sinabi kong oo, masaya ka na?! Ni ayaw kitang makausap! Ni ayaw kitang makita! Ni ayaw kong makalapit sayo at ni ayaw ko ng bumalik sa bahay mo!" Sigaw ko sa kanya.
"Ganyan ka na ba kabitter para gawin yan?" Tanong sa akin ni Tristan.
"Yes! Bitter na kung bitter! Dahil ako lang naman ang nakakaramdam ng ganito eh! Kasi ako lang ang nasasaktan! Ang bilis mo nga akong pinalitan eh! Alam kong na-amnesia ka pero di mo man lang pinanghawakan ang mga sinabi ko sayong ako ang boyfriend na nakalimutan mo!" Sagot ko sa kanya.
"Diba ikaw naman ang umalis hindi ako?" Sabi nya lumapit ito sa akin kaya napaatras ako.
"Sa tingin mo aalis ako kung naging loyal ka sa akin? Sa tingin mo susuko ako kung pinanindigan mo ang sinabi mo sa akin na magtutulungan tayong alalahanin ang memories mo?!" Sagot ko. Nangingilid na naman ang mga luha ko dahil sa galit na nararamdaman ko.
"Kung sinabi ko sayong nakakaroon na ako ng memory sayo?" Sabi ni to sa akin.
"Bakit mo pa ako pinagpalit kung meron ka na palang naaalala?" Nagsimula nang tumulo ang luha ko dahil sa nalaman ko.
"Okay guys! Sasama na ako sa inyo! Magpaparty-party tayong lahat! Gusto mong magpakalunod sa alak para mawala na ang sakit ng nararamdaman ko! At sana mawala na rin ako sa mundong ito dahil hindi ko na kayang tiisin ang sakit ng nararamdaman ko dahil sayo!" Sabay turo ko kay Tristan. Nakita ko sa mata ni Tristan ang pagkaawa sa akin.
"Paul tama na. Halika na ihahatid na kita" sabi sa akin ni Jacob.
"Kaya kong umuwi" sagot ko lang sa kanya.
Niyakap ako ni Tristan ng mahigpit pero kumalas lang ako sa kanya. Kahit mas malaki sya sa akin ay nagawa kong kumalas dahil may pilay sya sa paa kaya di nya masyadong makapagbalance ng sarili.
"Bitawan mo ko!" Saway ko kay Tristan.
"Sir, pwedeng mauna na po akong umuwi?" Tanong ko kay coach.
"Sige Paul, mag-ingat ka sa daan" sabi naman ni coach.
"Magkita nalang po tayo mamayang gabi" sabi ko bago ako lumabas ng office ni coach.
---
Tristan's POV
"Baby! Kailangan ko syang sundan!" Nag-aalalang wika ni Jacob kay Baste.
"Hayaan mo muna sya baby" pagpigil naman ni Baste.
"Baby! Iba sya mag-isip sa kalagayan nya ngayon! For sure! Hindi pa yan uuwi!" Pasigaw na sabi ni Jacob.
"Okay baby. Mag-ingat ka ha" sabi ni Baste. Akma na sana syang maglalakad nang bigla ko syang kinausap.
"Jacob, pakibantayan sya ha" mahinahon kong pakiusap sa kanya. Tinignan lang ako ng napakaseryoso.
"Kung di mo na sana sya pinatulan pa. Edi sana hindi nagkakaganun si Paul. Selfish! Jerk!" Sarkastikong sabi ni Jacob at inirapan pa ako bago lumabas ng office ni coach.
"Guys! Pwede na kayong masiuwi. Magkita nalang tayo mamaya kila Tristan!" Utos ni coach kaya nagsilabasan na ang team namin. Lalabas na sana ako ay bigla akong pinigilan ni coach. Lumapit ito sa akin,
"Ang lala na pala ng hidwaan nyong dalawa ni Paul noh" sabi ni caoch sa akin. Tumango lang ako sa kanya.
"Alam mo?, Nung kayo pa ni Paul ang magsyota, makikita mo kay Paul ang saya sa kanyang mukha. Galak na galak kapag  palaging nagtetraining at walang kapaguran. Alam mo yung parang batang gustong-gusto ang ginagawa kaya parang naglalaro lang sya. Pero nung nakaraang linggo nung bumalik sya sa training, nawala ang matatamis nyang ngiti, ung willingness nyang magtraining, nawala na rin. Buti nalang natural syang magaling sa volleyball kaya nakakapagperform sya ng maayos. Mahal na mahal ka ni Paul at mahal na mahal mo rin sya nung bago ka naaksidente. Kaya di mo sya masisisi kung ganun nalang ang aksyon nya lalo na't kayo na ulit ni Krisha" sabi ni coach sa akin. Napatingin ako sa kanya.
"Sya po ang sumuko coach". Sagot ko sa kanya.
"Bakit ba sya sumuko? Baka naman may dahilan sya kaya sya sumuko. Alam mo bang hindi pumasok yan ng dalawang linggo para lang maalagaan ka. Saka hindi susuko nag isang tao kung wala syang sapat na dahilan para gawin yun. Ikaw lang ang makakagawa ng paraan para maibalik si Paul sa dating Paul na kilala ko. Ang Paul na masiyahin, ang Paul na makulit at ang totoong Paul". Sagot ni coach. Napaisip tuloy ako ng sobra sa sinabi nya.
"Sige coach, uuwi na po muna ako" paalam ko kay coach. Sakto namang dumating si Krisha.
"Babe" bati sa akin ni Krisha.
"Let's go home" aya ko sa kanya. Kaya lumabas na kami ng office. Habang naglalakad kaming dalawa ay nagsalita si Krisha.
"Babe, i saw Paul crying while running" sabi ni Krisha. Di nalang ako nagsalita.
"Anong nangyari bakit sya ganun?" Tanong ni Krisha.
"Don't mind him" sabi ko nalang sa kanya.
"Okay" sabi nalang nya. Sumakay kami sa kotse ko para makauwi na sa bahay.
Habang nasa byahe kami ay di ko mapigilang isipin si Paul. Sobra sya kung makaiyak kanina. Galit na galit. Naawa tuloy ako sa kanya. Nagiguilty ako! Shit! Bakit ba kasi nangyari to sa aming dalawa?!
---
"Tristan, hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang manatili pa sa tabi mo, hindi ko na kayang makasama ka. Dahil hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko sayo. Araw-araw, minuto-minuto, mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sayo. And i already broke your rule! Kaya simula ngayon ay magreresign na ako bilang P.A. mo". Sabi ni Paul.
"No, no, Paul! Hindi ka magreresign! Di ko kaya!" Sigaw ko nagsimula na rin akong maiyak. Umayos sya ng upo.
"Mahal mo ba ako?" Tanong nito sa akin na nagpatahimik sa akin.  Di ko alam kung ano ang isasagot ko.
"Hindi ko alam" ang sagot ko.
"You said you love?, Bakit mo pinaparamdam sa akin na mahal mo ko? Bakit napakasweet mo sa akin? Bakit palagi mo akong hinahalikan at niyayakap kung hindi mo naman alam ang nararamdaman mo sa akin?" Wika nito sa akin. Natahimik ako sa sinabi nya.
"Kailangan kong magresign bilang P.A. mo dahil ako lang ang nahihirapan sa ating dalawa. Ako lang ang nasasaktan. Kaya please pabayaan mo na ako. Wag mo na akong guguluhin. Ayaw na kitang makita o makasama pa". Sabi nito sa akin. Tumayo sya at naglakad pabalik sa hotel.
Naiwan ako sa kinauupuan ko at umiyak lang ng umiyak!
"Hahhhhhhhhhhh!!!" Sigaw ko dahil sa sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko kaya! Hindi ko kayang lumayo sa akin si Paul. Sya na ang kaligayahan ko! Hindi pupwede to! Hindi ko hahayaang malayo saakin!😭
---
"Paaaauuuullllll!!!" Sigaw ko. Napapreno tuloy ako dahil sa nagflash sa isip ko. Si Paul yun at ako! Oo! Kami nga! Shit! Sa ikalawang pagkakataon ay napakuha nalang ako ng di ko namamalayan.
"Babe, are you okay?!" Nag aalalang tanong sa akin ni Krisha. Pinunasan ko ang mga luha ko at tumango sa kanya. Nagumpisa na ulit akong magdrive para makauwi na.

MY MR. ENGINEERING BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon