MY MR. ENGINEERING BOSS

209 6 0
                                    

CHAPTER 27
Paul's POV
"Wifey gising na" wika ng lalaking nasa ilalim ko. Shit! Namiss kong matulog sa ibabaw ni Tristan. Ang sarap matulog, kasama ang pinakamamahal mo.
Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya dahil ayoko pang bumangon. Gusto kong nakayakap lang sa pinakamamahal ko. Gusto ko, kasama ko lang sya,
"Hubby, mamaya na" wika ko kay Tristan.
"Pero wifey. Tanghali na" sabi ni Tristan.
"Ayoko ngang bumangon. Gusto ko kayakap ka lang" sagot ko sa kanya.
"Pwede mo naman akong yakapin habang nagluluto ako, habang kumakain tayo". Sabi ni Tristan.
"Pero-" di na ako natapos magsalita ng bumangon si Tristan. Nakakapit pa rin ako sa kanya. Kaya para akong batang buhat-buhat ng lalaking ito.
"Wifey, anong gusto mong kainin?" Tanong ni Tristan habang buhat-buhat ako.
"Kahit ano" sagot ko. Nagpunta kami sa kusina para makapagluto na si Tristan. Lumipat naman ako sa likod nya para makapagprepare sya ng maayos. Clingy na kung clingy pero namiss ko to.
Nagluto lang siya ng itog, bacon at hotdog para mabilis daw itong lutuin. Tama naman sya.
Lumabas kami ng terrace para dun kumain. Kinandong nya ako, pero nakasuksok pa rin ang mukha ko sa kanyang leeg.
"Wifey, kain na" aya ni Tristan. Di ako sumagot.
"Wifey, we need to eat. Mamaya maya dadating na ang dalawang tukmol" sabi ni Tristan kaya umayos na ako. Sinubuan amo ni Tristan ng bacon.
Habang kumakain kaming dalawa ay nakita naming may paparating na bangka. Kaya napatigil kaming dalawa sa pagkain at pinagmasdan ang dumadating ns bangka.
"Sila na yan" sabi ni Tristan.
"Oo nga" sagot ko naman.  Tumayo si Tristan at kinarga nya ako sa kanyang likod at sinalubong namin ang paparating.
"Finally, nakarating din kayong dalawa" sabi ni Tristan ng makababa ang dalawa.
"Kuya, bahala na kayo sa pagkakabit ng net ah" sabi ni Baste sa kasama nila.
"Opo sir" sagot naman ni kuya.
"Wow! Bati na ang dalawa" sabi ni Jacob.
"Syempre, ako pa ba" sabi naman ni Tristan.
"Hahaha!, Kawawang Paul. Masyadong marupok" natatawang biro sa akin ni Jacob.
"And so?, Mahal ko sya kaya di na kailangan pang magpakipot. Saka, namiss ko kaya sya" sagot ko naman.
"Sabagay, ganun naman talaga kung mahal mo" tugon ni Jacob.
"Anong pagkain dyan bro. Nagugutom na ako". Sabi ni Baste.
"Tara muna kaya sa bahay" aya ko sa tatlo. Kaya nagpunta na kaming apat sa bahay. Pumasok muna ang dalawa sa kanilang kwarto. Kami naman ni Tristan ay nagpatuloy sa pag-ubos ng almusal namin.
"Hubby, anong meron dun?" Tanong ko kay Tristan dahil yung mga lalaki kanina ay nagtatayo na ngayon ng poste sa dalampasigan.
"Gumagawa sila ng paglalaruan natin mamaya. Court" sagotn ni Tristan.
"Really?!" Masaya kong tanong sa kanya.
"Yes wifey. Para mas masaya ang bakasyon nating apat." Sagot ni Tristan.
"I'm so excited para maglaro" masaya kong sabi kay Tristan.
"Bro?, Where's our food?" Tanong ni Baste.
"Magluto kayo dyan" sagot naman ni Tristan.
"Gosh Tristan! Ang haba ng byahe namin tapos wala kaming madadatnang pagkain dito?!" Reklamo ni Baste.
"Sa tingin mo makakapagluto ako ng marami eh, may parang tuko dito na kanina pa nakakapit" sagot ni Tristan.
"So kasalanan ko pa?!" Pagtataray ko. Pero joke lang kasi totoo naman.
"Wifey naman! Hindi kaya. Kahit di na natin lutuan yang dalawang yan okay lang" nakangising sabi ni Tristan sabay halik sa pisngi ko.
"Baby, magluto ka nalang dun. Wala ka nang mapapala sa dalawang yan" uto ni Jacob kay Baste.
"Ano pa nga ba!? Hay nako, napakalalandi kasing magsyota" sabi ni Baste sabay irap. Tinawanan lang namin siya ni Tristan.
"Jacob, samahan mo na yung syota mong badtrip na naman" biro ni Tristan kay Jacob.
"Cheeee! Mga malalandi!" Sigaw ni Jacob sa amin sabay hila kay Baste papasok ng bahay. Kami ni Tristan ay nagtatawanan lang.
---
"Mine!" Sigaw ni Baste. Nang makuha nito ay sinet naman ni Jacob ito kay Baste.
"Yes!" Sigaw ng dalawa ng makascore silang dalawa. Hay! Talo na kami ni Tristan! Papaano naman kasi ang tatangkad nila! Tapos ako pa puro target! Si Tristan naman, di makapaglaro ng maayos dahil matagal na syang di nakakapaglaro dahil sa aksidenteng natamo nya.
"Ano na?! Mga loser!" Biro ni Baste habang tinatawan kaming dalawa.
"Subukan mo ko pre!" Sigaw ni Tristan na mukhang seryoso na. Kahit ano mang pilit namin ni Tristan na lumaban ay di na kaya dahil sadyang dehado kami sa dalawa. Kaya heto, isang point nalang ay matatalo na kami. Nagserve si Jacob at si Tristan ang tinarget. Buti nalang ay narecieve ako ni Tristan at sinet ko ito sa kanya. Nang tumalon si Tristan ay pinalo nya ang bola. Pero,
"Arayyyyyyyyyy!!!!!!!!!!!!!" Sigaw ni Tristan nang matumba sya at hawak-hawak ang paa nya. Kaya agad akong pumunta sa kanya para tignan sya. "Arrrraaayyy!" Sigaw nito. Kaya kinabahan na akong lalo.
"Hubby! Anong nangyari sa'yo?! Hubby?!" Nag-aalalang sigaw ko sa kanya.
"Ano?! Bakit nakatayo lang kayo dyang dalawa?! Tulungan nyo naman ako!" Sigaw ko sa dalawa. Ni hindi man lang sila tumulong at parang di man lang sila nag-aalala.
"Hubby?! San masakit?!" Tanong ko sa kanya. Di ko na alam ang gagawin ko kaya niyakap ko nalang sya.
"Hubby! Sumagot ka naman!" Patuloy pa rin ako sa paghihiyaw!.
"Hubby!" Ano ba?!" Sigaw ko sa kanya. Napapaluha na ako dahil sa sobrang kaba.
"Ano?! Di ba kayo tutulong?!" Sigaw ko sa dalawa. Pero nakangiti lang sila at tinuro si Tristan.
"May gana pa kayong ngumiti-ngiti dyan! Nasak-" napatigil ako sa kasisigaw ng may nakita akong isang maliit na box at may nakalagay na singsing na may bato. Di ko alam kung anong magiging reaksyon ko dahil para saan yun? Bakit ipinakita sa akin ni Tristan yung singsing?! Anong meron?
"Anong meron?" Nagtataka kong tanong kay Tristan na ngayo'y nakangiti na at nakaupo na ng maayos.
"Anong meron?!" Sigaw ko sa kanya. Sabay hampas ng kanyang braso. Para siyang nanggagago dahil sa facial expression nya! Kakainis naman eh.
"Gift mo sa akin yan?" Tanong kong muli sa kanya.
"Hay!, Katanga naman ng boyfriend mo Tristan!" Iritang sabi ni Jacob.
"Ano ngang meron?!" Tanong ko kay Jacob.
"Tanga!" Iritang sigaw ni Jacob sa akin na may pairap.
"Tristan ano ba kasi ang-" napatakip ako ng aking bibig ng makita ko si Tristang nakaluhod na sa akin. At nakalahad ang singsing.
"Wifey, alam kong sobrang mabilis itong pagpopropose ko sayo. Pero ayoko ng malayo sayo. Malaki ang naging kasalanan ko sayo. Nakalimutan kita, tinaboy kita at ipinagpalit kita. I know na estudyante palang tayo, di na ako makapaghintay na maging akin ka, maging asawa ka. I love you so much! Kaya wifey, will you marry me?" Naiiyak na wika ng pinakamamahal ko. Pati ako ay napapaiyak na!
"Sigurado ka ba dyan hubby?!" Tanong ko sa kanya. Pinunasan ko ang luhang dumadaloy sa aking pisngi.
"Yes wifey! 200% sure!" Nakangiting sagot ni Tristan kahit na may luha syang dumadaloy sa kanyang pisngi.
"Nag-aaral pa tayo?!" Tanong ko.
"And so?" Sabi nya.
"Saka? 18 years old palang ako?" Tanong ko sa kanya.
"Nasa legal age na tayo" sagot nya.
"Di pa legal ang same sex marraige sa Pilipinas?" Tanong ko.
"Then we let's go outside the country" sagot nya.
"Mahirap lang ako. Di ko afford" sagot ko.
"Gosh! Mayaman kami wifey!" Nagsisimula na syang mainis sa mga katanungan ko.
"Baka pagalitan ako nila mama kung malaman nila ito?!" Tanong ko sa kanya.
"Gosh! Wifey! Alam na nila. Bago ko gawin to! Nakapagpaalam na ako! Pumayag na sila, okay!" Inis na sagot ni Tristan. "Kung ayaw mo, sabihin mo lang!" Dugtong pa nito.
"Ulitin mo nga ulit yung tanong mo hubby?" Utos ko sa kanya.
"Will you marry me?" Tanong muli ni Tristan.
"Yes!" Sigaw ko. Isinuot na ni Tristan ang singsing sa aking palasingsingan at niyakap ako ng napakahigpit.
"Thank you wifey!" Umiiyak na sabi sa akin Tristan. Hinawakan ko ang mga pisngi ni Tristan at nginitian ko sya.
"I love you hubby!" Sabi ko at hinalikan ko sya sa labi. Matapos ko syanf halikan ay niyakap kong muli sya.
"I love you too wifey!" Sagot naman ni Tristan.
"Tama na yan! Nakakainggit naman kayo!" Sabi ni Baste kaya nagtawanan kaming tatlo nina Tristan at Jacob.
"Ano na bro? Tatayo ka lang ba dyan?" Nakangiting tanong ni Tristan.
"Okay! Heto na pre!" Nakangiting sabi ni Baste. Ikinagulat ko at mas lalong si Jacob ng biglang lumuhod si Baste.
"Ano ibig sabihin neto?" Gulat na tanong ni Jacob. Kaya gaganti naman ako ngayon.
"So, sinong tanga sa ating dalawa ngayon Jacob?!" Sabi ko sa kanya at tumawa.
"Will you marry me Jacob?" Tanong ni Baste at inilahad nya ang singsing.
"Wala bang sweet words?" Tanong ni Jacob. Kaya tumawa kami ni Tristan. Si Baste naman ay napakamot lang ng ulo.
"Baby naman eh! Kailangan pa ba yun?" Tanong ni Baste.
"Okay, no ang sagot ko" sabi naman ni Jacob.
"Baby naman!" Reklamo ni Baste.
"Ikaw kasi eh!" Sabi naman ni Jacob.
"Okay na! Okay na! Jacob, i you know how much i love you! Simula nung nagtapat ka sa akin, dun na ako nakaramdam ng kakaiba sa nararamdaman ko sayo. Natutunan kitang mahalin, and now ay di naman ako magpapahuli kay Tristan na kayang iparamdam at patunayang mahal nya ang kanyang boyfriend. Mahal na mahal din kita. Baka mas malala pa ang pagmamahal ko kesa sa pagmamahal ni Tristan kay Paul. Di kita kinalimutan, di kagaya ni Tristan, di kita tinaboy di kagaya ni Tristan" sabi ni Baste.
"Hoy bro! Wag mo akong idamay sa pinagsasabi mo ah!" Sabi ni Tristan kay Baste. Kaya nagtawanan kaming tatlo.
"Jacob, will you marry me?" Tuloy na sabi ni Baste.
"Yes baby!" Nakangiting sagot ni Baste. Niyakap nya agad si Jacob at pinaghahalikan sa kanyang labi. Isinuot ni Baste ang singsing at nagyakapang muli.
Nagtinginan naman kami ni Tristan at hinalikan nya ako sa labi.
---
"Ano na?! Diba kayo tutulong dyan?!" Sigaw na tanong ni Baste sa amin ni Jacob habang nagkukwentuhan. Nag-iihaw kasi ang dalawa ng barbeque. Yun nalang naman na ang gagawin nila dahil nailagay na nila lahat ng kailangan namin dito sa dalampasigan. Nakagawa na rin sila bonfire.
"Bro hayaan mo na sila! Aawayin na naman tayo ng mga yan!" Saway ni Tristan kay Baste.
"Sabagay!" Iritang sabi ni Baste. Nang matapos na silang mag-ihaw ay bumalik na sila sa pwesto namin. Tumabi sa akin ni Tristan at si Baste naman ay tumabi kay Jacob.
"Dahil wala namang marunong maggitara sa ating apat ay magpatugtog nalang tayo" sabi ni Jacob. Pinasindi nya ang speaker at nagpatugtog na sya.
"This i promise you?" Agad kong sabi ko. Kumuha ako ng isang stick ng barbeque at sinubuan si Tristan. Kumagat naman ito. Nang makakagat na sya ay kumagat din ako. Kinuha ko ang stick para mag-ihaw naman ng marshmallow.
"Wifey, dadating pala sila mama at papa dito, pati na rin ang family mo" sabi sa akin ni Tristan.
"Really?!" Gulat kong tanong.
"Yes" sagot ni Tristan. Niyakap ko sya dahil isang surpresa na naman ang inihandog sa akin ni Tristan.
"Baby, parents din natin pupunta dito" sabi naman ni Baste kay Jacob.
"Maniwala? Nasa business travel ang parents ko". Sagot naman ni Jacob.
"Yun ang akala mo. Ang lakas ko kaya sa parents mo" nakangiting sabi ni Baste.
"Okay, maniniwala nalang ako kapag nakita ko na sila bukas" sagot ni Jacob. "Hug mo nalang ako, nilalamig ako eh" sabi nyang muli. Kaya niyakap naman sya ni Baste.
"Bro paabot nga ako isang beer dyan" wika ni Tristan kay Baste. Kumuha naman ito at binigyan si Tristan. Binigyan nya rin kaming dalawa ni Jacob.
Sa gabing ito ay nagpakasaya lang kaming apat.
Gaya ni Jacob ay umaapaw ang kaligayahan ko dahil sa surpresa ni Tristan. We're now engaged at soon ay magiisahin na kaming dalawa. I know na merong doubt sa puso ko dahil sa kasarian naming dalawa. Natatakot ako sa mga magiging judgements ng mga tao pero sa tingin ko naman ay mas magiging matapang akong harapin iyon dahil nandyan si Tristan para ipagtanggol ako at mamahalin ako ng buong puso. Hindi ako yayayaing magpakasal kung di nya ako kayang protektahan. Hindi nya gagawin yun kung di nya ako mahal. And being inlove ay pipiliin kong maging masaya kesa sa sasabihin ng tao. Si Tristan ang buhay ko, si Tristan ang kaligayahan ko na hindi kayang ibigay ng mga manghuhusga sa amin.
Hindi man perfect ang relasyon naming dalawa ay mananatili ako dito sa sitwasyon naming dalawa dahil dito ako masaya. Bihira lang ang makatagpo ng ganitong lalaking magmamahal ng totoo at lubos. Kaya di ko na sya papakawalan pang muli. Makalimutan man nya akong muli ay hindi ako hihintong mahalin sya at tatanggapin ko sya ng buong lubos kung babalik man sya sa akin muli. Yes! Sinaktan ako pero mahal ko sya. I don't need to revenge. Di ko nya kasalanang saktan ako, nagkaamnesia sya, nagkaroon din ng kalituhan sa kanyang pag-iisip kaya nya nagawa yun. Nasaktan ako, okay lang dahil parte ng pagmamahal ang masaktan. Basta piliin mo lang kung san ka sasaya, magiging buo muli ang puso mo.
I love him and i will love him till death do us part!

MY MR. ENGINEERING BOSSWhere stories live. Discover now