XIV - Be Keen

590 58 6
                                    

"The upcoming event will be held next week. We need a plan. Ito rin ang unang beses na magkakasama tayong lahat." Hunter said. Lahat kami ay seryosong nakatuon ang atensyon sa kanya, after all, he is our leader, the king of our kingdom.

He is standing in our front with authority, napasimangot ako nang maramdaman ko na naman ang pangangasim ng t'yan ko. I already cleared our misunderstanding earlier, akala nila ay buntis ako kaya't nagpa appointment pa ang mga kuya ko sa doctor. Mga hindi marunong magtanong.

I looked behind when someone poked my shoulder, and it was Darren. Binigyan n'ya ako ng medicinal tablet ngunit tinitigan ko lamang iyon hanggang sa hinablot ni Austin iyon sa kamay niya saka siya dumiretso sa kusina.

I just shrugged my shoulder and looked in front. Napansin kong binibigyan ako ni Hunter ng isang makahulugang tingin habang palihim n'ya rin na tinitingnan si Darren ng may talim ang mga mata. My attention to him drifted away when Austin gently put down a glass of liquid in front, it was colored white, and I think he already mixed the tablet in the water.

"Drink," Austin whispered and sat on his chair. I winced because of the bitter after taste of the drink, siguro ay gamot ito para sa sikmura ko.

Hunter began to get the opinion of our guild members, napansin ko kung gaano ka-active sumagot si Maerie samantalang si Shan naman ay tila walang pakielam. They are the polar opposite of each other.

The event next week is about a dungeon boss. Hindi ko alam kung paano mangyayari na may dungeon boss dito sa Pilipinas pero it is one of the game features that even Darren doesn't know kung paanong mangyayari sa event na ito. But I think we will be teleported in a dungeon, and we must defeat it with our strength as a guild.

"Rook?" Logan asked and looked at the two students of the Phantom Academy. Shan languidly raised her hand and looked away. "Parehas pala kayo ni Lexie."

Shan raised one of her brows while looking at me, "She's a rook? More like a marupok," She jeered. Sinamaan ko naman nang tingin si Thalia at Maddie na natawa sa sinabi n'ya.

Napakapangit ng biro niya, parang s'ya lang. Shana all pangit.

"You two should collaborate your ideas about our plan," Clover said while pointing Shan and me. I pouted, nakakatamad kaya gamitin ang utak.

Hunter dismissed the meeting upang makapag-isip kami ni Shan ng strategy para sa event ngunit parehas kaming tinatamad ni Shan na mag-isip ng plano. Sino bang may sabi na porket rook kami ay pwede na nila kaming utusan sa pagpaplano?

"Kuya Hunter! Pwede bang paturo nito? Hindi ko po kasi maintindihan." Kunot noo kong pinanood si Maerie na nagpapaturo kay Hunter tungkol sa isang lesson nila.

At agad din akong napasimangot nang wala sa oras dahil matamis na ngiti ang binibigay sa kanya ni Hunter. Kinuha pa n'ya talaga 'yung lapis na hawak ni Maerie— "Aray, puta." Inis kong singhal kay Shan na hinigit na lamang basta ang tainga ko.

"Tara, mag-iisip," She said. She suddenly pulled me out of the Celestial Kingdom.

I looked around at nakita ko kung gaano kalaki ang pagbabago ng Phantom Academy from five years ago. May mga estudyante na tumintingin lamang kay Shan at kapag sinilayan naman sila nito ay mag-iiwas sila nang tingin na tila iniiwasan nilang makita sila nito. Shan's face is actually a resting bitch face kaya siguro natatarayan or natatakot sa kanya ang ibang estudyante.

Tinahak namin ang isang sobrang pamilyar na lugar sa akin, ang council room namin noon, "Hindi pa rin pala ito ginagalaw hanggang ngayon." I whispered.

"No one is allowed to enter that room," Shan stated. I smiled at her and showed her my key upang mabuksan ang council room, nanlalaki ang mga mata n'ya habang nakatingin sa 'kin. "Hey—"

Hindi n'ya na ako napigilan nang buksan ko ang council room at hinila s'ya sa loob. We both coughed because the room is filled with dust. It was untouchable that they didn't even clean this room.

"We should be thinking right now!" She hissed.

But my attention was pulled by my old friend, Ophiuchus. Damn, I missed her so much. "Ophiuchus..." I whispered.

My phone suddenly vibrated, kinuha ko iyon ngunit nagtatakha ako sa kakaibang nangyayari sa cellphone ko. The glitches were rampaging and were showing several numbers on the screen. "Is that binary?" Shan asked while looking at my phone.

"I don't know,"

I was about to turn it off when suddenly the whole screen began to type numbers from 0 to 1, nagulat na lamang ako nang agawin ito sa 'kin ni Shan na tila binabasa n'yang nang maayos ang nakasulat do'n.

"You can read binary?" I asked.

"Sort of." She said she began to scan the numbers when it stops typing. And once again, she looked at me curiously. "Give me time, ang dami nito."

Sabi n'ya kanina ay mag-iisip kami ng plano tungkol sa dungeon boss. I shrugged and roamed around the room, nakakamiss ang lugar na ito. Simula noong binura namin ang Danima ay walang kahit isa na tumapak pang muli sa lugar na ito especially kaming Zodiacs, kahit na dalawang taon pa ang itatagal ng halos lahat sa amin ay tiniis namin na iwasan ang lugar na ito. Iyon ang nagpagkasunduan naming lahat.

And now I am really breaking the rule that we made, tiyak na lagot ako sa kanila oras na malaman nilang nagpunta ako rito. Nakangiti akong umupo sa dating pwesto ko, my mind began to think of the good old days we spent in this room. This room is our haven. Everything that we want was always being granted by our beloved Ophiuchus. And now, by thinking back ay masasabi kong ang unfair namin sa kanya, nagawa namin s'yang iwan sa maraming taon habang pinagsisilbihan n'ya kami noon.

I pursed my lips. Tatayo na sana ako nang may mapansin akong kakaiba sa ilalim ng desk, ang lugar kung saan napupunta ang mga dinedeliver ni Ophiuchus noon. I grabbed a mysterious thing, and to my surprised, it was a wig.

Blonde hair.

"Yay! I solved it!" I unknowingly let go of the wig at mabilis na pumunta sa pwesto ni Shan upang basahin ang sinulat n'ya sa notes ng cellphone n'ya.

Aquarius, can you really defeat me, or will it be the opposite?

#

Hyazinth: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon