CHAPTER 17

2.2K 90 16
                                    

GABB'S POV

Ikatlong araw na namin ngayon dito sa Tagaytay at kasalukuyan na kaming naghahanda sa pagpunta namin sa isang beach Resort.

"Gabb,nasayo pa yung Card na binigay ni Mrs.Clarisse? Yung mommy ni Margaux" wika ni Coleen habang naglalagay ng mga damit sa kaniyang bag

"Yes,why?"

"Tawagan mo naman oh,sabihin mo isama natin si Margaux pagpunta sa Beach"

Halos wala pang isang oras na nakasama namin si Margaux kahapon,sobra naman na atang napalapit si Coleen sa batang yun.

"Wednesday ngayon,sa tingin mo wala siyang pasok?"

"Ah oo nga pala,sayang..dapat di pa natin nakita si Mrs.Clarisse kahapon"

Wait..what?

"Bilisan mo nalang diyan,baka ikaw nalang hinihintay..lalabas na ako,lock mo nalang tong pinto" i said before leaving her

"Oh where's Coleen?" Tanong ni Tito Ian

"Bababa na rin po yun mamaya,nag-aayos pa e" i answered

"Alice,alam mo naman kung saan ang beach resort na pupuntahan natin diba?" Si Daddy

"Opo Tito"

"Mauuna na kami,magre-reserve pa kami ng Cottage..make sure kumpleto ang mga dala niyo,hintayin nalang namin kayo doon" wika ni Daddy

"Sige po Tito,ingat po" sagot ni Ate Alice

"Kayo rin" wika ni Mommy

Nauna nang umalis sina Daddy together with Mommy,Tito Ian,Manang Beth and Uncle Etong.Sayang,hindi nakasama si Ate Rans dahil may klase siya.

"Ilan kayo sa kotse ni Gabb?" Tanong ni Kuya Chester dahil siya ang magmamaneho ng isang kotse

"Baleee..hmm..walo kami" sagot ni Ate Abby

"Kasya kayo?" Tanong ni Kuya Chester

"Kasya naman kami e,payat naman kaming lahat" wika ni Ate Abby "bakit?may kukunin kayo?"

"Kung gustong lumipat ng iba sa amin,para hindi ma-overload yang kotse ni Gabb" sagot ni Kuya Chester "tatatlo lang kami sa kotse"

"Si Ecka nalang" wika ni Ate Alice

"Anong ako?"

"Ikaw na,pakipot ka pa..nandiyan naman si Belle kaya hindi ka magiging thirdwheel kina Chester at Gayle" wika ni Ate Abby kaya ngayon nakasimangot na si Ate Ecka

"Pinagtatabuyan niyo na ako,sige..salamat nalang sa lahat-lahat" wika ni Ate Ecka kaya nagtawanan kami

"Samahan ko nalang siya Ate,kawawa naman" wika ni Brei

"Ayunnn sigee" sagot naman ni Ate Alice

"Asan na ba kasi si Coleen? Napakabagal naman..swimming na swimming na ako" reklamo ni Ate Sheki

"Pababa na nga e!" Sigaw niya

Nagulat kami nang makita namin kung gaano karami ang dala niya.Isang bag lang yan kaninaaaa,ngayon tatlo na.

LOVE WARNING // (UniCoco Series: I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon