Kabanata 9

43K 2.5K 1.6K
                                    

Kabanata 9

"Mag-iingat kayo roon, Lia, Heart..." ani Nanay na pinapaalalahanan muna kami bago pumayag sa pag-alis.

"Opo, Nay." I smiled.

"Sure na sure po, Tita! Don't worry, ako po ang bahala rito kay Lia." Heart smiled and I saw how Nanay flashed a small smile at her.

"Masaya talaga ako't nagkaroon ng kaibigan itong anak ko," Nanay smiled. "Nakikita ko namang mabuti kayo, alam mo ba, Heart, no'ng huling nagkaroon ng kaibigan iyang si Amalia, tinulak lang siya sa kanal."

"Nay!" nanlaki ang mata ko at namula, tumawa naman si Heart at si Nanay.

"'Di niya sa akin ki-nwento 'yan, Tita!" hagikhik ni Heart kaya nanliit ang mata ko. Pinalo ko ang braso niya at tatawa-tawang kumapit siya roon bago bumaling kay Nanay.

"Pero seryoso, Tita, don't worry. Akong bahala rito kay Lia, 'tsaka promise po, behave lang kami sa sleep over!" she said.

Mas na-excite ako, hindi ko akalaing balak nilang mag-sleep over sa mga Montezides kung 'di lang sinabi ni Heart kanina kaya nadagdagan tuloy ang mga dala kong damit na para lang sana sa pagligo namin sa falls.

"Sige, basta ba, h'wag kayong pasaway, huh? First time ko pinayagan si Lia mag-sleep over." Aniya.

"S'yempre, Nay, wala naman akong kaibigan, saan ako mag-i-sleep over?" nakangusong sabi ko kaya natawa ang Nanay 'tsaka si Heart.

"Sabi ko nga, 'nak." Tawa niya at bumaling kay Heart, "basta, Heart, no boys, okay?"

"Yes, Tita!" sumaludo siya kay Nanay.

"Saan ba kayo mag-i-sleep over? Sa inyo, Heart?"

"Ah, no po, kina Montezides." She said and I saw how my mother's smile faded.

"O-oh?" gulat niyang sabi. "Sa kanila Atlas?"

"Opo, malaki ang mansyon, maraming kwarto." Heart smiled and Nanay glanced at me and nodded slowly.

"S-sige," she then smiled. "Basta mag-iingat kayo, ah?"

"Okay, Nay. Mag-iingat po kami." Sagot ko.

She let us go after a while. Nakita ko kaagad ang mga sasakyan ng mga Montezides, I was excited to see Atlas na 'di pumasok sa bahay pero nakita ko ang paglabas ni Josh.

"Oh, si Josh pala..." I smiled and waved at him. "Good morning, Josh!"

"Good morning, Lia!" sumaludo siya sa akin at bumaling kay Heart. "Tara na ba, puso?"

"Jerk," Heart frowned and glanced at me. "Si Atlas?"

She caught me off guard kaya tumango ako at ngumiti sa kanya. "N-nasaan?"

"Something came up today, a guest came." She smiled. "Nakabihis na nga 'yong loko, nauna pang magising but something came up."

"Pero...sasama naman siya sa atin 'no?" tanong ko and she grinned and pinched my cheek.

"Cute mo talaga, Lia, s'yempre naman! Nagpaluto na nga 'yon ng kakainin natin sa falls, 'di 'yon papayag na 'di makakasama." She chuckled and napatango na ako sa kanya at sabay na kaming pumunta sa loob ng sasakyan.

Pumwesto kami sa likod at nakita ang pag-nguso ni Josh at sumilip.

"Saan tayo mga Ma'am?" he frowned at do'n ko natantong nagmukha siyang driver.

"S-sorry, hala!" nanlaki ang mata ko, palabas na sana ng sasakyan para lumipat sa harapan pero hinila ako ni Heart pabalik.

"Drama mo, Josh." Ngiwi ni Heart at ngumisi si Josh sa unahan at natawa.

Brave HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon