Chapter Seventeen

294K 10.2K 4.6K
                                    


Hindi ko alam kung bakit siya nagalit. Wala naman akong ginawang masama sa kaniya. Hindi ko na nga siya kinulit o kinausap kaya naguguluhan ako kung bakit niya pinagbantaan ang buhay ni Aljen para lang takutin ako.

Nanatili kaming tahimik pareho hanggang sa makarating na kami sa silid namin. Pasimple akong tumingin sa kaniya at tahimik na umupo sa couch.

Natigilan ako nang hablutin niya ang bag ko mula sa 'kin, nagtatakang napatingin na lang ako nang buksan niya iyon saka ikinalat sa kama ang mga laman n'on. Agad akong napatayo nang mapansin kong kinuha niya ang cellphone ko, pati na ang susi ng kotse.

"B-bakit mo kinukuha ang cellphone ko?" tanong ko saka lumapit sa kaniya at akmang kukuhanin ang cellphone ko nang agad niyang nailayo ang kamay niya.

"From now on, you aren't allowed to go out. I won't allow you to use your phone as well," malamig na sabi niya habang walang emosyon na nakatingin sa 'kin.

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Tiningnan ko ang mga mata niya at umasang may bahid ng pagbibiro do'n kahit alam kong wala 'yon sa bokabularyo niya. Seryoso ba talaga siya?

"H-hindi ako nakikipagbiruan, Mayor," seryosong sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya.

"Do you think I'm fucking fooling around? I'm serious," sabi niya saka lumapit sa 'kin at hinablot ang braso ko. "You pushed me to my limits," mariing sabi niya saka marahas na binitiwan ang braso ko.

Akmang tatalikuran niya ako nang hawakan ko ang braso niya. Napalunok ako at nakipaglabanan ng titig sa kaniya, wala akong balak na magpatalo.

"Ikukulong mo ako rito sa bahay mo?! Ano'ng karapatan mong gawin 'to sa 'kin?! Hindi ikaw ang may-ari sa 'kin!"

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na sigawan siya. Sobra akong naiinis, nanginginig ang kalamnan ko sa sobrang inis na nararamdaman ko sa kaniya.

Napasinghap ako nang hilahin niya ako papalapit sa kaniya. Napalunok na lang ako nang ilapit niya ang mukha sa 'kin, halos maduling ako. Sinubukan kong alisin ang pagkakahawak niya sa 'kin pero masyado yata akong nanghina dahil sa mga nangyari.

"Who says I don't? I own you, you're mine," malamig na sabi niya habang nakatitig sa 'kin. Pakiramdam ko natutunaw ako sa intensidad ng titig niya, ramdam na ramdam ko ang bigat ng mga 'yon.

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang naramdaman ko sa sinabi niyang 'yon. Naiinis ako pero may kakaibang pakiramdam na nakikisawsaw, at hindi ko 'yon maipaliwanag.

"Bakit mo ba ginagawa 'to? B-bakit mo ba ginugulo ang isip ko? Bakit mo 'ko nililito? Hindi kita maintindihan," naiinis na sabi ko para tabunan ang kakaibang pakiramdam sa loob ko.

Hindi siya sumagot, binitiwan niya ang braso ko saka marahan akong itinulak palayo sa kaniya.

"Stop asking questions, just do what I want, be obedient. You don't want me to kill your friend, right?"

Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi na lang ako sumagot at napatungo. Mukhang wala akong ibang magagawa kundi ang sundin ang gusto niyang mangyari.

Ayokong may mapahamak nang dahil sa 'kin, malamang hindi ko kakayanin. Habambuhay akong hindi patatahimikin ng konsensiya ko kapag may nangyaring masama sa kanila nang dahil lang sa 'kin.

"P-puwede ko bang tawagan si Aljen kahit saglit lang? Nabaril mo ang braso niya, nag-aalala ako," nakikiusap na sabi ko.

Napaatras ako nang kaunti nang tumalim ang tingin niya. Napalunok ako at napaiwas ng tingin dahil sa hindi malamang dahilan. Bigla akong kinabahan sa tingin niyang 'yon.

Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon