Chapter Thirty-Five

13 11 0
                                    


Chapter Thirty-Five

35

One year later...

"Say Cheese!"

"Cheese!"

Matapos kuhanan ng litrato ang magkakaibigan ay napabusangot si Allison saka inis na bumaling sa mama niya

"Mama! Hindi pa nagsisimula ang Graduation Ceremony haggard na ako!" Pagrereklamo ni Allison

Lumapit naman sa kanya ang mama niya saka pinunasan ng tissue ang mga kakaunting pawis na lumalabas sa kanya

Napahalukipkip naman si Allison skaa bumaling sa Cp niya "Nasaan na kaya ang mga mokong na iyon?" Inis na saad niya habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng Gymnasium kung saan sila pinagtitipon bago pumunta sa paggaganapan ng Graduation Rites

"Hinahanap mo ba kami Ms. Allison?" Agad na napalingon si Allison na napangiti ng makita ang mga naggaguwapuhang kaibigan suot ang kani-kanilang Toga

"Ahhhh!" Malakas na tili ni Allison na ikinagulat ng lahat ng nasa Gym

"Bakit! Ano 'yon! May problema ba Allison?" Natatarantang wika ng mama niya pero nginitian niya lang ito

"Nandyan na sila mom, nandyan na mga kaibigan ko kuhanan mo kami ng picture ha"

Napairap naman ang nanay niya saka siya hinampas sa braso "Gaga ka talaga kahit kailan, kinabahan ako sayo!" Inis na wika nito

"Ouch!" Reklmo naman ni Allison

"Ano bang nangyayari sayo? Nababaliw ka na naman" bulong sa kanya ni Josh

"Ang guwapo ko pre" natatawang wika ni Drew

"Oo nga pre ang guwapo ko" dagdag naman ni James

"Ulol" saad ni Max na ikinatawa nila

"Hoy nakikinig ba kayo? Ngayon kayo magpapogi dahil kukuhanan tayo ni Mama ng picture!" Malakas na sigaw ni Allison sa kanila

"Bakit ka ba sigaw ng sigaw anak!" Ani ng mama niya

Nagtawanan naman sina Max, Drew, James at Josh

• • •

"Congratulations Ronnie, hindi ko akalain na ikaw talaga ang magiging 1st Place" napakunot naman ang noo ni Ronnie saka binalingan ang classmate niyang nagsalita

"What do you mean?" Tanong nito

"Aha! Sinasabi ko lang na parang kailan lang si Olly ang may hawak ng titulo bilang consistent honor student pero ngayon! Tignan mo ikaw na ang 1st Place!" Nagtawanan ang mga iba pa niyang mga kaklase sa sinabi ng kausap niya

Inayos niya ang necktie niya saka napangisi "Well I guess, lahat ng paghihirap ko ay nagbunga?" Natatawa niyang wika

"Congrats brad" pagbati pa kay Ronnie ng iba pang studyanteng dumadaan sa harap nila

Napahinto sila sa pagtatawanan ng huminto sa haral nila ang hindi inaasahang tao

Agad na kumunot ang noo ni Ronnie pero agad ding pinalitan ng ngiti

"Si Olly Edwards, akala ko talaga nagtransfer na siya?"

"Nagawa niya pa ring magpatuloy sa kabila ng mga pangyayari?"

"Napakakapal talaga ng mukha 'no?"

"Balita ko nga year ago, umalis rito sa school 'yong transfer student mula sa probinsya dahil sa gulong ginawa niya!"

The Ignorant (Completed)Where stories live. Discover now