Chapter Twenty Two

25 3 0
                                    

Stay


Chapter Twenty Two
          short update warning !!




"HUH?!" The only word I blurted out because I can't take him seriously!

He sighed exaggeratedly and closed his eyes, clearly ignoring my confusion.

Hindi na ako nakapagsalita ulit o nakapagtanong pa kasi mukhang pinipilit niyang kumalma matapos magkwento sa akin tungkol sa nakaraan niya. To be honest, I don't know why did he tell me that. 

Pwede naman niyang sabihin na, "My parents aren't with me anymore" or what, but he insisted so I am not to complain. 


No one dared to talk. Pareho lang kaming nakahiga, nakatingin sa kisame, hindi alam kung anong iniisip ng isa't isa. Ang awkward bigla, awkward na nga kami, mas lalo pang naging awkward. Psh.

I thought of telling him about my past, too, that I was an orphan and was left by mother due to lack of money for living. It sucks to reminisce, pero ilang taon na rin ito nakabaon sa puso ko kaya palaging mabigat.

I opened my mouth and was about to speak when his phone started ringing. Phoenix looked at me before standing up and leaving the room to talk to whoever called him. Naudlot kwento ko, ibig sabihin hindi pa ngayon ang tamang oras para mag-open up sa kaniya.

Hindi naman kasi ibig sabihin na kapag nag-open up sayo ang isang tao, required ka na ring sabihin ang past mo or kung ano man bumabagabag sayo. It's still your decision to tell them, and not others. Dahil kung sa iba pa manggagaling, maaaring mali pa ang maibigay na impormasyon at impresyon.


Mas sumakit ang ulo ko nang maiwan akong mag-isa dito dahil sa mga nalaman ko, pero okay lang siguro kasi hindi man niya direktang sinabi, but it seems like it's his way of saying that 'I trust you that's why I'm telling you this'. 

With what I learned from Phoenix's painful past is too much to bare in one minute. Ina-analyze ko pa nang maayos, natatakot akong may point akong mamisunderstood na pwedeng makapagpagalit sa kaniya. I don't know why I am doing this, but it feels that it is the only thing I could do as for now.

To think of his story, mas malala pa ang dinanas ni Phoenix kesa sa akin. Hindi niya lang isinama sa kwento niya pero alam kong may mga maliliit pang bakas ng sugat ang naroon. And those scars and pain created who he is now. 


Ilang minuto pa ang lumipas bago bumalik si Phoenix. Pagbalik nito'y nakalapat na sa mukha nito ang simangot. Bumaling siya sa akin at sinamaan ako ng tingin, kaya sinamaan ko rin siya ng tingin. Inaano kita diyan?!

"Problema mo sakin at ganyan tingin mo sa akin?" I glared at him. 

"May last argument pa about sa damages nung nagyari sa Cebu. They want to demand us, lalo na kayo. Natakot sila nung kinidnap niyo raw ako lalo na nung dumating mga tauhan ko." he smirked.

Nanlaki ang mata ko nang maalala ang nangyari noon. 'Yun din nga pala ang dahilan bakit ako iritado sa kaniya, how can I even forgot? Napapikit na lamang ako sa hiya nang maramdamang nag-init ang mukha ko.


His laugh echoed in the whole room. Ang lakas talaga tumawa nitong isang 'to. Pero, okay lang. As long as it is a genuine laugh, then it's okay. I don't know why, but it really is okay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bow Down, Master (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon