Chapter 23

945K 36.9K 44K
                                    

Malalim ang buntong-hininga ko habang nakatingin sa The Slice. Malinis ang glass wall at maganda ang interior design. Tanaw ang counter kung saan ilalagay ang mga pastries.

May mga couches na asul at single chairs na puti. Ang mga mesa naman ay itim lang gaya ng sahig para malinis itong tingnan. Ang mga pader ay puti rin ngunit may mga dilaw na ilaw na nagbibigay ng romantic ambience sa lugar. There were paintings and photographs hanging on the wall. Ang counter ay asul din para iterno sa kulay ng couches.

I smiled.

"Congrats, Miss Solene!"

Sinuntok ko sa tiyan si Jelay. "Anong Miss?! Kadiri ka!"

Itinaas-taas niya ang kilay sa akin, parang nang-aasar. Inirapan ko lang siya bago kami tuluyang pumasok sa shop. Soft opening pa lang dahil ngayon lang nakumpleto ang furniture ng shop ko.

I worked my ass off for this. Hindi madali. Sa loob ng halos limang taon simula ng mawala si Nanay, puro hirap ang dinanas ko. Nangatulong ako nang anim na buwan sa isang bahay na minaniyak lang ako ng asawa ng amo ko, naging janitress, naging call center agent; lahat pinasok ko.

Ayokong mabakante ang oras ko dahil mag-iisip lang ako. Matapos kong mag-quit sa trabaho ko sa bakery ay nagfocus din ako sa online selling. I didn't give up on my dreams because it was my mom's dream for me.

At ngayon, heto na.

At 26, I was officially a bakeshop owner.

Nagkita uli kami ni Jelay nang nagtrabaho ako bilang janitress sa kumpaniyang pinagtatrabahuhan niya. We became friends after that. May trabaho pa rin siya pero hanggang ngayon ay suportado niya ang business ko.

Kinuhanan ko ng litrato ang shop ko at ipinost ito sa facebook at instagram page ko.

The Slice
Soft opening starts today! Visit us at Lime St. near State Hermitage. See you!

Wala pang limang minuto kong na-post ay ang dami na agad comments. May mga nag-share pa na sinasabing ang instagrammable daw ng lugar.

Sa Manila na talaga ako nag-stay. Ngayong taon ay binabalak kong bumalik sa Isabela para tingnan ang bahay namin dahil matagal ko na rin iyong hindi nabisita. Ni hindi ko nga alam kung nandoon pa iyon dahil marami nang bagyo ang nagdaan.

"Solene!" irit ni Jelay habang nagbibigay ako ng orders sa mga customer.

"Ano?" tanong ko.

Dahil medyo umingay ang pangalan ko sa social media at nalaman nilang may shop na ako, maraming bumisita ngayong unang araw. It was heartwarming to see how supportive they all were. Mula noong small business pa lang hanggang ngayong nagkaroon na ako ng sariling shop.

"Miss Solene, may cheesecake po?" tanong ng isang babaeng naka-uniporme.

Bahagya akong natigilan dahil sa naalala pero ngumiti rin agad sa kanya.

"Meron. Ilan ang o-orderin mo?"

She smiled cutely. "Isa lang po, para sa tropa ko."

Tumango na lang ako at tumalikod para kunin ang order niya. Si Jelay ay naiwan sa cashier para sa bayad ng babae.

Nang medyo humupa ang mga bisita ay pinaltan ko na siya sa cashier. Sooner or later, I would hire more people para makapagpahinga naman ako.

"Ano iyong sasabihin mo?" tanong ko sa kanya.

Naupo ako sa tapat ng kahera dahil wala nang customer. Humigit din siya ng upuan at tumabi sa akin. Tinitigan niya ako gamit ang seryosong mukha pero tinawanan ko lang siya.

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon