Special Chapter: Unexpected Couple

11.7K 562 341
                                    


Lenalee's POV

"Lee!" nagmamadaling lumapit na tawag ni Tyrant sakin. Pinigilan ko tuloy isubo ang burger na hawak ko. "Nasaan sila?" tanong nya at lumingon-lingon sa buong shop.

"Malay." tinuloy ko ang pagsubo ng burger ko. Tinignan ko na nagtatanong si Tyrant. Naupo ito sa kaharap ko. Napansin ko naman na may dala syang envelope pero hindi ito simple envelope lang. Kulang orange ito at may tatak ng Leon Sparks. Ngumuso ako kay Tyrant para itanong kung bakit sya may ganon.

"Gusto nila akong mapasali sa team nila." sagot nya naman.

"Tapos?" muli akong kumagat ng burger habang hinihintay syang tapusin ang kwento nya.

"At naisipan kong i-take." nasamid ako sa gulat. Kinuha ko ang milktea ko.

"What?" gulat na tanong ko sa kanya. "Hey, yung Queer tinanggihan mo pero itong Leon Sparks hindi?"

"Eh kasi..." nahihiyang sabi nya. Nagtatakang tinginan ko ito. "Gusto kong makasama si Eloi."

"Eloi? bakit? bumalik na ba ang feelings mo sa kanya?" tanong ko. Tatlong araw pa lang nakakalipas nung umalis sila Eloi rito.

"Oo. Alam mo naman first love never dies." napataas ang kilay ko. "Pinag-isipan ko talaga ito ng husto, sasali ako ng Leon Sparks."

"Nakausap mo na sila Dite?" tanong ko. Umiling ito na nakanguso. "Sigurado naman akong hindi ka pipigilan nila Dite. Nag-aalala lang kami sayo."

"Don't worry, kasama ko naman si Sunny eh." sagot nya.

"Mas tinanggap ninyo talaga ang Leon Sparks kaysa sa Queer huh." inubos ko na ang burger ko.

"Walang offer si Sunny sa Queer at balak nyang i-surprise si Blysse kapag nagkaharap sila sa court." sabi nya.

"At ganon ka rin." ayaw nya pang idamay sarili nya.

"Imagine mo na lang kung anong itsura nila." nakangiting sabi nya. Nailing na lang ako sa balak nila.

"Pumayag ba ang mga magulang mo?" tanong ko.

"Oo, hindi daw nila ako pipigilan kung gusto ko pang mas umangat sa paglalaro ng basketball. Masaya pa nga sila na ginusto kong maglaro sa WNBA. Naghinayang daw sila sa Queer pero hindi naman daw masama ang Leon Sparks."

"Si Liza lang maayos sa kanila." sabi ko. Natawa naman ng mahina si Tyrant.

"Bawal ang alitan sa team, siguradong makakaayos namin sila ni Sunny." tumango na lang ako.

Nakita ko naman na papasok yung kambal. Ang maingay na si Sylvia ay umorder ng pasigaw sa tauhan namin at dumiretso samin. Si Asta lang yung umorder ng maayos sa counter.

"What's up?" umupo ito sa tabi ni Tyrant at napansin nya agad ang envelope. "Ano 'tong basura na 'to?" natawa ng bahagya.

"Hindi basura yan!" hinampas ni Tyrant sa braso si Sylvia. Hindi naman natinag yung isa.

"Leon Sparks? Basura yan." nailing na lang ako kay Sylvia. Close sya kay Liza pero sa ibang team ay malakas pa rin ang inis nya.

"Hey." tumingin ako kay Asta na naupo sa tabi ko. "Bakit may basura?" magkambal talaga sila.

"Hindi nga basura yan!" nakangusong sabi ni Tyrant.

"Sasali sya dyan." sagot ko at uminom ng milktea. Hinintay ko ang reaction ng kambal.

"Nasisiraan ka na ba ng ulo?" tanong ni Sylvia.

"Ty, umayos ka ng desisyon mo." sabi naman ni Asta.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag-text sa tatlo na pumunta ng shop.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now