Chapter 33

4.7K 108 4
                                    

CHAPTER 33

Maaga akong bumangon at naghanda ng breakfast kila Nanay at sa taong mukhang may hangover sa guestroom.

Kahit puyat ay pinilit ko pa rin magising at bumangon dahil may naka schedule rin akong pupuntahan ngayon araw. Someone emailed me about the shares I am about to buy. Late ko na nga nakita kagabi dahil inasikaso ko pa ang walang hiyang Jared.

Pagkatapos niya akong tulugan habang nakasandal sa balikat ko ay sapilitan ko pa siyang binihisan dahil amoy usok at alak siya. Napailing na lang ako habang naiisip ang kalokohan niya.

Ngayon ay pinapakain ko ng cerelac si Clea. Madalas ko siyang icerelac lately dahil iniiwasan ko nang magbreastfeed siya sa akin lalo na't may iilang ngipin na siya. Kada dungis sa mukha niya ay dali-dali kong pinupunasan na siyang tinatawanan niya. Napapailing na lang ako at napapangiti.

Umangat ang tingin ko sa taong pumasok sa kusina. He's like walking in a fashion show dahil sa ayos niya. Ang magulong buhok niya na bagay sa mapungay niyang mga mata at nangungunot na noo. Salubong ang kilay niya marahil sa sakit ng ulo.

His gaze went to us. "Good...morning..." he then scoffed to clear his voice.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil tulala si Clea sa kanya at mukhang nakakita ng multo. Awang ang bunganga ng bata at nanlalaki ang bilugang mata.

"Good thing you're awake. You can leave after you have breakfast." ani ko at nagpatuloy sa pagpapakain kay Clea pero hindi ako pinapansin ng bata.

Nagulat ako ng tumatawa siya sa direksyon ni Jared. Umangat muli ang tingin ko. Nginingitian lang naman siya ng isa pero ito si Clea at tuwang-tuwa.

"mmm....mmm.....Di...." Clea mumbled.

My mouth parted and Jared got shocked. Kumislap ang mata niya at napangisi kay Clea. He immediately went to Clea's chair and put a kiss on her head.

Does she know that it is his Dad?!

Pasimple kong tinulak si Jared at sinamaan ng tingin. "Shower first!"

His eyes goggled with amusement. He raised his brow at me and smirked. "I thought you dressed me?"

Umasim ang mukha ko. "In your dreams, Jared." Giit ko.

He smirked wider. "Looks like I have a little deny girl here. Sinong magbibihis sa akin, si nanay?" May pang aasar sa tono niya.

Hindi ko siya pinansin, mabuti na lang ay biglang pumasok si nanay para kamustahin kami.

Nagulat siya nang makita si Jared sa likuran ni Clea.

"Oh! Hijo, mabuti naman at nakapagbihis ka na."

Mapang asar na tumaas ang kilay ni Jared sa akin. I just scoffed, not minding his stares.

"Nga pala, nanay. Iiwan ko muna si Clea sa'yo. May kailangan lang po akong asikasuhin mamaya." Banggit ko nang maalala.

"Sige, hija, akong bahala sa cute na batang ito."

Ngumiti ako kay nanay, ang kaninang mapang asar na mukh ni Jared ay natabunan na ng naka kunot niyang noo.

Tahimik na kumain si Jared sa kanan ko, at dahil nasa kabisera ako at ang upuan ni Clea ay nasa kaliwa ko mukha nila akong pinapagitnaan dalawa.

"Where are you going later, Ris?"

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pag aasikaso sa anak.

"I'm asking you..."

"It's none of your business."

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon