Chapter 24

909K 35.1K 24K
                                    

"Ang ganda ko," ani ko sa sarili habang nakatingin sa salamin.

I was wearing a brown sweater tucked into black high-waisted pants. Black short boots lang ang suot ko sa paa tapos ang buhok ko ay naka-french braid sa kaliwang balikat ko. Dahil sa hairstyle ko, mas lalong nadepina ang panga at cheekbones ko. I applied light make-up and I was done!

Mukha akong palaban habang naglalakad sa loob ng convention, pero ang totoo ay kabadong-kabado ako. I mean, I'd join a competition, and I shouldn't possibly miss this once-in-a-lifetime opportunity! Kailangan kong galingan para hindi agad ako ma-eliminate.

The place was huge! Maraming napapatingin sa akin pero hindi ko ipinakitang naiilang ako. Umupo ako sa sinabi sa akin ng receptionist at nag-hintay ng pagtawag.

As expected, walang pamilyar na mukha akong nakita.

Napanguso ako nang tawagin kami ng event manager para pagbihisin. Sayang ang outfit! Buti nga at hindi na ako pinagpalit ng damit. Sapatos lang ang pinapalitan sa akin tapos pinagsuot ako ng apron. Itinaas ko rin ang buhok ko para hindi ako maabala mamaya.

Nang matapos ay pumunta na ako sa napakalaking stage na mayroong kitchen stations. Marami-rami na rin ang naroong contestant kaya lalo akong kinabahan.

"Miss Solene!"

Napatingin ako kay Bethany at medyo nakahinga nang maluwag nang makitang nakangiti siya sa akin at kumakaway. Tatlong station ang layo niya sa akin kaya kinawayan ko na lang siya pabalik.

Maraming nanonood sa amin. May mga flash ng camera sa paligid na lalong nagparamdam sa akin ng kaba; ni hindi ako makatingin sa mga audience! Pumikit lang ako at huminga nang tatlong beses.

Matalo o manalo, I would enjoy this.

"Good morning, ladies and gentlemen!" bati ng emcee. "Today, we'll witness the baking skills of known bakers from Europe and Asia!"

The anticipation was killing me!

"With fifty contestants, let's begin!"

Ang nasabi sa amin sa briefing, any pastry would do. We had two hours to prepare our product, pero natatanga pa rin ako kung anong gagawin ko. Kumuha lang ako ng ingredients habang natataranta.

Tumingin ako sa mga contestant at gaya ko, halos lahat ay mabilis ang pagkilos. Huminga ako nang malalim at ngumiti. I should calm down. I'll enjoy the moment.

I didn't know what got into me, but I started making the pastry that became the reason why I started baking—cheesecake.

I poured my heart and soul into it. I made sure that my measurements were accurate and that I was not in a rush. Ayokong magkamali dahil mahaba naman ang oras. I was thinking of putting frosted blueberries on top, but I didn't do it. Instead, naglagay lang ako ng white chocolate syrup para hindi ito sobrang bare.

Mabilis na lumipas ang oras at maayos ko namang natapos ang akin. Napaawa ako sa ibang contestant na hindi natapos dahil mahirap na cake ang naisipan nilang gawin. Hindi sumapat ang dalawang oras dahil na rin sa sobrang pagmamadali.

Lumapit ang emcee kay Bethany kaya nakita kong medyo kinabahan ang babae. Like me, she opted to do cheesecake pero may fresh strawberries ang kanya. It looked really delicate and delicious!

"Miss Bethany, of all pastries, why did you bake a fresh strawberry cheesecake?" tanong ng emcee sa kanya.

There were flashes of cameras around, but she managed to smile. Her eyes twinkled as she looked at the audience.

"Uhmm..." she trailed off. "This particular pastry is my friend's favorite so..." She shrugged.

Tumango-tango ang emcee kahit nang-aasar na nakatingin sa kanya. "And we all know this friend isn't just a friend!"

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon