Prologue

103 56 130
                                    

Lunch break ngayon. Tapos na kaming kumain ni Trixie kaya nakatambay na lang kami sa room. I invited her out but she was so busy drawing on her sketch pad so I was so bored. I didn't want to wander alone so I end up watching her.

'Ang boring.'

Sa ikatlong pagkakataon ay nagbuntong hininga ako. Bagot na bagot na ako sa loob ng silid na ito.

Our room is so messy. May mga nag-e-ML sa may teacher's table, may nagchi-chismisan, may mga nagti-tirintasan ng buhok, may mga nagki-kilayan, may mga natutulog sa sahig at syempre may mga kagaya ko na bored na bored na nakaupo lang sa armchair.

"May kilala ka bang maalam gumawa ng gayuma Trixie?" I asked Trixie while my chin is resting on my hands and my elbows are on my table.

"Ano ba naman 'yang mga naiisip mo Shanaih! Baliw ka na talaga." Trixie laughed and poked me on my side using her pencil.

"Charot lang. Hindi naman totoo 'yong gayuma noh! Kung totoo 'yon edi sana wala nang nababasted kagaya ko," I said.

Pero kung totoo 'yon, baka magpagawa ako. Hindi naman masamang itry diba?
Joke! I don't need that anymore. Someday Perseus Clemente Smith will also fall for me. He just hasn't seen my beauty yet but soon he will also know that beautiful people like me should not be rejected.

"Iuncrush mo na kasi si Percy, wala kang pag-asa ron. Ayaw no'n sa bobo," nakangising sambit ni Trixie.

I looked at her angrily and I quickly pulled her hair.

"So bobo ako gano'n? Salamat sa support, huh!" I said while smirking.

"Hmm ikaw nagsabi niyan," Trixie said and looked away.

Hindi naman ako bobo. I'm just....how do we call this? I'm just normal, yeah right I'm just a normal student who wants to enjoy her high school life. 75 lang naman ang passing grade, bakit ko pa dadagdagan?

Sabi ni papa lahat ng sobra ay masama. Ang mahalaga is important at gano'n talaga ang buhay parang life duh.

"Ms.Mercado!" nakakabinging sigaw ng adviser ko.

Oh my gulay alam niya na kaya na ako ang nakabasag ng pinakamamahal niyang flower vase?!

"Lagot!" Trixie teased me.

"Che!"

Mabilis akong lumabas ng room.

Tumatakbo na palapit dito ang galit na galit kong teacher.

'Ang chaka talaga ni Ma'am!'

"Ms.Mercado bakit mo binasag ang vase ko? Sakit ka talaga ng ulo!" sigaw pa nito.

Mabilis akong tumalikod at tumakbo.

Hindi ko naman sinasadya eh! Hinahabol kasi ako ni Trixie kaya nasagi ko yung vase niya. Bakit ba mahal na mahal niya 'yon eh parang luma na naman, parang siya lang napag-iwanan na ng panahon.

Nakakatakot talaga si ma'am Valdez,  parati siyang galit, gano'n talaga siguro kapag magmemenopause na hayysstt.

I turned left and immediately climbed on the stairs.

Sa rooftop na lang muna ako tatambay. May ilang minuto pa naman bago ang next class namin.

'Wag na lang kaya akong umattend?

The Blood Sucker (VS#1)Where stories live. Discover now