Chapter 23

26.1K 880 207
                                    

Kanina ko pa sinisimangutan at iniirapan si Quiro. Dahil kanina pa niya ako inaasar.

"Crush mo na ako no? Yiee Si Jamie gurl nagdadalaga na "Pang aasar niya sa akin habang sinusundot sundot nito ang aking tagiliran. Sinamaan ko na naman siya ng tingin dahil napipikon na talaga ako sa kanya.

Alam niyo ba kung bakit ganyan ang isang yan? Yes dahil sa kabobohang ginawa ko kagabi. Bakit ba kasi ako ang unang nanghalik diba? E parati naman siya yung nagfifirst move!

Kaya ngayon ayaw na akong tigilan ng baklang iyan. Dahil lang doon sinasabi na niyang crush ko daw siya. Like what the eff hindi ba siya nandidiri sa mga pinagsasabi niya? Babae ako at bakla siya-

'Jamie gurl incase you forgot hindi nga siya nandidiri na halikan ka kahit na babae ka.'

I groaned silently dahil sa inis. Diko alam kung kanino nga ba ako maiinis kay Quiro ba o sa sarili ko.

"Tumigil ka nga diyan!" Asar na sabi ko sa kanya at saka siya binato ng throw pillow. Pero yung gaga ang laki ng ngisi mukhang nag eenjoy siya sa pang aasar sa akin. And right now he look like a teen ager teasing his crush- wait what? Hindi ako crush niyan. He looks like a teen ager na may pagkaabnormal. Yun mas tama na iyon.

"Yieeh crush niya ako-"

"Hindi." Pamumutol ko sa kanya.

"Basta. Diba nga special na din ako sayo yieehh." Sabi na naman niya. Napabuntong hininga nalang ako. Wala suko na ako.

This side of him is new to me. Hindi ko alam na may side din pala siyang ganito.

"Hindi ka ba papasok sa trabaho mo?" I ask him.

"Nope. Besides sabi mo bantayan kita and samahan dito."

"Pero diba kailangan ka dun sa pinapatayo niyong branch dito-"

"Kaya na yun ni Quin." He said na ang tinutukoy ay ang kanyang kapatid. Bigla namang lumiwanag ang aking mata at mukha pagkarinig sa pangalan ng kapatid niya. His handsome and manly brother na gusto kong makita at makausap ulit bitin kasi yung date namin noon eh dahil panira yang baklang iyan. Speaking of bakla.

Why is he looking at me like he wanted to wring my neck?

Napalunok ako.

"B-bakit!" I ask him trying to sound calm and not afraid.

"I don't like that look in your face-"

"Eh di wag mong tignan." Sabi ko. Diko talaga siya maintindihan kanina inaasar lang ako ngayon naman biglang na beastmode. Yung totoo mali ata pagkakagising niya ngayong araw. Isinawalang bahala ko nalang ang masasamang tingin niya sa akin. Kung papatulan ko ang pagkabaliw niya ngayon baka pati ako madamay at magaya sa kanya.

Tumaas ang kanyang kilay. Masama pa rin ang tingin niya sa akin sa diko malamang dahilan.

Asan na naman ba iyong usapan namin?

Trabaho niya. Tas si Quin. Ah oo yun nga.

"Quiro hindi ba mapapagod si Quin kung siya lang ang nag aasikaso dun?" I ask him medyo lumapit pa ako sa kanya. Pero mas lalo atang dumilim ang kanyang mukha.

May nasabi na naman ba akong mali.

"Hindi." He coldly answer.

"Hindi ba siya nagrereklamo? I mean it is your business anyway but he is-"

"Bakit di mo tanungin sa kanya." Sabi niya at saka niya ako inirapan at iniwan doon.

"Hoy! Nagtatanong lang naman ako bakit ka nagsusungit?" I ask him pero ni hindi man lang niya ako nilingon.
"Problema nun?" Bulong na tanong ko nalang. Nagkibit balikat lang ako at saka isinawalang bahala. Nanood nalang ako ng larva doon. Samantalang si Quiro ay nasa kusina diko alam kung magluluto ba siya o ano. Ewan ko dun pero ramdam ko sa mga kilos niya na hindi siya okay. Napakunot noo ako noong makarinig ako ng medyo pagkalabog doon.
Napailing nalang ako. Nagdadabog ba siya?

Forgotten Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon