His POV

4.9K 117 21
                                    

 

JARED VAINE CERVANTES

I was dying myself out in boredom when Cloud called me to drink. Mabilisan akong pumayag dahil wala naman akong ginagawa. He sent me the address and told me to brought my cousin with me.

Wala sa sariling napangisi ako dahil alam kong mamamatay na rin sa office ang pinsan ko na 'yon. Ako lang 'ata ang sapilitang umayaw sa gusto ng magulang namin na mag- undergo na ng training as CEO.

"Yow, man!" I greeted them as they fist bumped with me.

Cloud is always with Louie. Nakilala ko sila sa isang business convention na sinamahan ko last year and we became friends dahil puro naman matanda ang iba do'n. Kaya hindi na ako nagtaka na sanggang dikit sila sa inuman ngayon, sa pagkaka alam ko ay magkaibigan din daw ang pinsan ni Cloud at kapatid nitong si Louie.

I remember they mention it to me, but the hell I care with that. I have no interest with girls, so far...

"Where's your cousin?" Tanong nila habang naglalapag na ng isang kahang beer sa harap na siyang nagpangiti sa akin.

"Susunod na 'yon dahil kung hindi magpapatiwakal na 'yon sa office sa sobrang bagot."

Saktong pagsabi ko ay ang pabalyang bukas nitong unit ni Cloud. Vince entered with his shitting business attire. Para siyang asong naglaway nang makita ang mga alak.

"Here's the drunkard." I commented. He just rolled his eyes over us.

"Damn, Vaine. You should be in the office not me. Ang sakit sa ulo ng pesteng mga papel na 'yon!"

I sneered on what he said. Tinawanan lang rin ng dalawa ang pagputok ni Vince. Hinding-hindi ako mapapapayag sa bagay na ayaw ko at hindi ko gustong mabulok sa loob ng office ng malaking building na iyon.

"Tell me. Ano ba talagang gusto mo?" Taas kilay niyang tanong pagkatapos ubusin ang laman ng kanyang bote.

Natahimik ako sa tanong niya. Isa lang ang gusto kong tuparin sa ngayon. Ang gusto ng ate kong marating bago siya mawala.

"Pumasok sa music industry." Kibit balikat kong sagot. "Dad gave me 2 years working for that bago ako tumayong CEO ng CRL."

Pagkatingin ko sa tatlo ay nagsipag ngisian lang sila sa akin, hanggang sa madalas naming pinaplano ang tungkol sa bandang bubuohin namin.

"Opisina na nga ang pinanggalingan ko. Opisina pa rin ang pupuntahan ko ngayon?" Iritadong sambit ni Louie.

Biglaan lang ang pagpunta namin dito sa opisina ni Cloud at yamot na yamot ang dalawa.

Aniya may mahalaga siyang sasabihin sa amin kaya wala kaming choice kundi ang pumunta dito, tutal nakahiga lang naman ako sa condo unit ko.

"I was planning to tell Tito Stan about our plan." Nakatukod ang dalawang siko niya sa kanyang lamesa.

"And?" Masalimoot na ang itsura ni Vince na surang sura sa loob ng opisina.

Hindi ko rin maintindihan ang isang 'to, eh. Gusto lang ang magpasarap sa buhay. Kulang na lang magwala siya nang sapilitan na siyang ipinasok ng magulang niya sa Real State Company nila. Wala naman kasing ibang sasalo sa posisyong para sa kanya.

"Pumunta kayo sa party ng graduation ng pinsan ko, this coming saturday."

Tumaas ang kilay ko mukhang maganda nga iyon. Balita ko rin ay pupunta do'n ang mga magulang namin. After party na nga ng graduation talagang hahaluan pa ng business.

Dumating ang araw ng sabado at kahit tinatamad ay pumunta pa rin kami. Nasa isang round table kami ngayon, sa likod garden ang venue ng party niya. Kita sa pwesto namin ang pool area at nagrereflect ang buwan sa tubig.

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon