6 - Wits for Life (Part 1)

1.2K 110 43
                                    

6 - Wits for Life (Part 1)



"From one hundred sixty-two to one hundred thirty-two. Nice."



Mapang-asar ang naging tono ng malalim na boses mula sa speaker ngunit walang nagsasalita. Tahimik ang mga kabataang unti-unti ng napapagtanto ang kanilang ginawa.



Umiiyak pa din ang tulalang si Ella habang yakap ng hindi nagsasalitang si Ally. Kasama pa din nila sina Noah, Kingsley, Hailey, Jerome at si Arkin na naka-upo pa sa likuran ng kapareha ni Ella na pinadapa niya sa sahig.



"How's the experience, by the way? Had it finally sank in?" Umalingawngaw ang isang malalim na halakhak mula sa speaker. "My dear engineers are no virgins anymore."



Lumakas ang mga iyakan. Karamihan sa mga pinaka-apektado sa nangyari ay mga kababaihan. Tanging sina Ally, Hailey at ang ka-partner ni Vince na si Lia lamang ang hindi umiiyak na babae sa loob ng Louie's Hall.



"That must've stopped you all from thinking so highly of yourselves." Iyon ang huling narinig mula sa speaker bago iyon muling namatay.



"H-Hey is she alright?"



Napalingon ang iba kasabay ng pag-angat ng tingin ni Ally. Napabuntong hininga siya noong makita ang papalapit nilang Class President.



"She got raped," madiin at mapait na ani Ally.



"I-It was the task--" nahihirapang pangangatwiran ng kapareha ni Ella ngunit agad na isinubsob ni Arkin ang mukha niya sa sahig.



"Rapist ka, ulol!" sigaw ng kilalang basag-ulo. "Tangina mo bakit hindi ka pa humahandusay?!"



"Arkin," pananaway ni Kingsley.



"O-Oo nga!" sigaw naman ni Terrence. "Andaming pinapatay ng biglaan, bakit hindi kasali 'yan?!"



Napa-kunot ang noo ni Ally, hindi inaasahang magmumula ang mga ganoong salita sa bibig ng pinaka-responsable niyang kaklase. Pansin din niya ang mabibigat nitong pag-hinga at nakakuyom na mga kamay.



Napabuntong hininga si Kingsley. "Let's not decide on who lives or who dies. Let's all get out of the campus and give this guy to the police."



"How do we even get out?" tanong ni Hailey. "The doors are now locked. It's too obvious that whoever's behind this wants us to stay inside this hall."



"We wait," seryosong sabi ni Noah. Nilingon niya si Ally. "We wait, right?"



Tipid na tumango ang dalaga. "There's nothing else we can do."


*****


"Maayos ang mga restaurant at wala namang bakas ng kahit anong kahina-hinala," nakapa-meywang na sabi ni Cholo habang palabas sa pinaka-huling restaurant sa labas ng St. Louie University na kanilang tinignan. "Baka naman hindi lang talaga sila mag-bubukas ngayong week? O baka sa opening of classes na lang ulit sa susunod na buwan?"



Napa-buntong hininga si Felicity. "Hindi pa rin ako kumbinsido."



"Po?"



"Something doesn't feel right," kunot-noong sabi ng babaeng pulis saka lumingon sa dulo ng kalsada patungo sa campus ng St. Louie. "We have to check."



Last Day at St. LouieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon