Chapter 24: Unexpected Truth

38.5K 1K 202
                                    

Brown-Eyed Queen

Chapter 24: Unexpected Truth

--

Axel's POV


"Dude, ang swerte mo palagi sa babae! Nakakainis!" maktol ni JD. Hay, playboy pero wala ng mabingwit na babae. Ironic no? Alam naman na ng school yun kaya iwas yung babae sa kanya pero ay iba pa ding lumalapit at lumalapit sa kanya.



Oo, ang swerte nga nya sa babae. Una, yung bestfriend ni Vera na si Sena tapos sya. Tinuhog yung magbestfriend. Hahaha. Pero hindi naman yun alam ni Tyrone dahil nung naging sila ni Sena, wala pa sa picture si Vera.



So far, maayos naman yung relasyon nila. Kahit hindi nila trip ang mga sweet na tawagan. Corny naman kasi nun. Pero may bagay lang akong kinababahala. Bestfriend nya si Sena at alam na naman siguro nya yung nangyari dun sa dalawa. Pwedeng gawin nya yun. Pero wala akong nakikitang motibo para gawin yun ni Vera.



Sa totoo lang, gusto ko si Vera para kay Tyrone kumpara kay Sena.



 "Guys, kausap ko si Jackal." bigla sabi ni Warren na nakaupo sa front seat.



Tiningan agad kami sa kanya. May account kasi kaming lahat sa Darkground. Hindi basta basta nakaka-access dun hanggang hindi ka gangster o may grupo kang kinabibilangan dahil kung balak mo lang ding buksan yung site na yun na walang dahilan, ihanda mo ng magkavirus at masira laptop mo.



"Anong sabi ng ungas na yan?"



"Matapos nya tayong i-set up, may gana pang makipag-usap yan sayo?"



"Pwede bang pagsalitain nyo muna ako? Kausap ko sya ngayon at pinapupunta nya tayo sa park. Kahit magdala pa daw tayo ng kasama ayos lang. May gusto lang daw sya sabihin sa atin."



 Nagkatinginan na lang kaming tatlo sa sinabi nya.



----



Sa huli, pumunta pa rin kami. Ang gangster ay hindi basta basta umaatras. Ngayon, nandito kami sa may public park. Yes, sa isang public park. Kung saang ay mga namamasyal, mga batang naglalaro, mga couple na naglalandian, at kung anu ano pa. Akala nga namin sa isang isolated na lugar kaya nagtataka kami na bakit dito? Bakit dito sa kung saan madaming tao?



Bumaba na kami syempre hindi mawawala yung buntot ni Tyrone na nakasunod sa amin.



"Asan sya dito?"


BROWN EYED QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon