7 - Wits for Life (Part 2)

1.2K 106 25
                                    

7 - Wits for Life (Part 2)



| How many letters are in the alphabet? |



"Ilan ba ang letters sa alpabetong Filipino?" tanong ni Lia.



Agad na umiling si Vince. Magsasalita pa lamang siya ay nauna ng tumutol si Ally sa ideya.



"The question is in english."



"But does it really refer to the english alphabet?" tanong naman ni Jerome.



"Kaya nga. Malay mo naman, 'how many letters are in the Filipino alphabet' pala talaga 'yan? Or kung ano mang alphabet ng kung anong language. Sinadya lang na tanggalin yung keyword para hindi natin masagutan," pangangatwiran naman ni Hailey.



"Or maybe we're just over thinking this," ani Ally sa parehong tono ngunit wala pa ding buhay na makikita sa kanyang mga mata. "Maybe it is really 'how many letters are in the phrase: the alphabet'. If it is, then the answer is eleven."



Tututol pa sanang muli ang dating SC Secretary noong biglang naging kulay green ang screen. Walang lumabas na salita ngunit napatahimik ang lahat noong biglang bumukas ang double doors ng Louie's Hall.



"It really is eleven," wala sa sariling naibulong ni Ally na sa halip na sa pinto ay sa speaker nakatingin. Siya mismo ay nagulat din na tama ang naging sagot niya. Bukod doon, nakumpirma niyang naririnig ng kung sino mang nasa likod ng lahat ang bawat salitang lumalabas sa kanilang mga bibig.



Sandaling walang gumalaw at tila nagpakiramdaman muna ang lahat. Ilang segundo ang lumipas, nabawi ni Ally ang tingin mula sa speaker noong nagkaroon bigla ng stampede sa may pintuan. Nagtutulakan ang lahat para maunang lumabas. Tanging ang grupo nila ang naiwang nakatayo lamang.



"Wag kayong mag-unahan!" sigaw ni Kingsley saka patakbong nagtungo sa kaguluhan. Hinila niya ang pinakaunang lalaki at babae na naabot niya ngunit agad ding bumalik ang mga ito sa pakikipagtulakan. "Stop pushing each other! Calm down!"



"Stop panicking! Ano ba!" sigaw ni Hailey. Bagaman lumapit din sa kaguluhan, tumigil siya may isang dipa ang layo sa mga nagtutulakan sa takot na madamay.



"It's not closing," ani Ally habang seryosong nakatingin sa pintuan. Naramdaman niya ang pagtayo ni Vince sa kanyang tabi at nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.



"It's a trap."



"Sandali!" sigaw ni Noah. Lalapit na sana siya para tumulong kay Kingsley noong may tumilapon sa kanyang direksyon. Agad niyang inalalayan ang babaeng naitulak palabas mula sa mga naggigitgitang kabataan. "Ayos ka lang?"

Last Day at St. LouieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon