Chapter 76: Unexpected Power

36.7K 2.9K 1.5K
                                    


Hey guys, may nababasa ako sa previous chapter na bakit daw si Jamie pa ang protagonist sa story if may mga taong mas malakas sa kanya or hindi naman pala siya ganoon ka-espesyal. To explain this, gusto kong gumawa na bida na walang 'protagonist halo' o 'yong sobrang kakaiba niya. Gusto kong makita ninyo 'yong growth ni Jamie as being a coward na nag-quit sa class zero hanggang sa macontrol niya ang kapangyarihan niya. May dahilan din kung bakit iyon ang ibinigay kong powers sa mga characters. (hindi ako galit, nag- explain lang hehe)

 (hindi ako galit, nag- explain lang hehe)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


JAMIE

HINDI ko inaasahan na ganoon nilang kadali mapapatay si Sir Hector. Si Sir Hector ang nagturo sa amin kung paano namin dapat kontrolin ang magical energy sa loob ng katawan namin. Sa maiksing panahon ay mas pinalakas kami ni Sir Hector. They just killed him with this ambushed attack.

"Jamie bumalik ka rito!" sigaw ni Mild ngunit hindi ko siya pinakinggan. Ang dalawang mata ko ay naka-focus lang kay Edel. Pinatay niya na naman muli ang isang importanteng tao para sa akin. Alam kong hindi gumagana ang kapangyarihan k okay Edel ngunit gusto ko na ako mismo ang pumatay sa kanya.

Nahirapan ako sa pagtakbo tungo sa kanyang direksyon dahil sa pagiging madulas nang aking dinadaanan. Nasa Tangadan Falls kami at napapaligiran kami ng tubig.

"Magbabayad ka Edel!" Malakas kong sigaw ngunit may dalawang lawbreaker ang biglang humarang sa dinadaanan ko. Saglit akong napaatras at tiningnan sila ng mata sa mata. "Kill yourselves!" utos ko. Nagpatuloy ako sa pagtakbo at naglaho na ang dalawang lawbreakers na humarang sa akin.

"Edel!" Malakas kong sigaw at akmang hihiwain siya ng dagger ko ngunit nabigla ako noong may lumabas na isang malaking ahas sa kanyang harap na gawa sa bato. Pumulupot sa akin ang ahas at nahirapan ako sa paggalaw.

Edel giggled. "Hindi ka pa rin nagbabago, Jamie, mabilis ka pa rin madala ng emosyon mo. Na-miss din kita huwag kang mag-alala. Sayang nga lang at hindi ko nakikita ang hitsura mo dahil sa pagiging bulag ko... Tasha, maganda ba si Jamie?" Tanong niya sa babaeng kasama niya.

"She's pretty normal. Cute siya." Sagot ni Tasha. "But she can order somebody by just looking into it eyes. That's cool ability..." akmang titingin ako sa kanya ngunit tinakpan niya ng kamay ang kanyang mata. "That's cheating! You should not use your ability to me since wala naman akong ginagawang masama sa 'yo."

"Bitawan ninyo si Jamie!" Malakas na sigaw ni Girly, pagkalingon ko sa aking likod ay mabilis na kumikilos ang kamay ni Girly para kuhanin ako.

Sinuntok ni Girly ang malaking baton a tinutungtungan nila Edel at nawasak ito. Lumikha ito ng malakas na pagsabog at kumalat ang debris sa buong paligid. Kinuha ako ni girly at ikinulong sa kanyang palad upang protektahan ako. Mabilis namang nakaiwas sina Edel sa ginawang atake ni Girly.

"Asar." Mahinang reklamo ko sa aking sarili. Naiinis ako dahil pangatlong beses ko nang nakakaharap si Edel pero lagi niyang naipapakita sa akin na mas malakas siya sa akin.

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon