Chapter Twenty-Two

303K 10.3K 4.4K
                                    

"Magbabakasyon po tayo?!"

Sabay kaming napatingin ni Arkia kay Mayor. Tipid na ngumiti lang si Mayor at tumango. "Hmm."

Kaya pala hindi niya pinapasok si Arkia sa school ngayong araw.

"Seryoso? Kasama ba ako?" tanong ko.

"Of course," sagot naman ni Mayor habang nililigpit ang mga platong pinagkainan namin.

Napatili kami ni Arkia at nagtatalon. Halos maglambitin sa 'kin si Arkia dahil sa tuwa.

"Saan tayo magbabakasyon, Papa?" excited na tanong ni Arkia. Lumapit ito sa papa niya saka yumakap sa baywang nito.

"Cebu, there's a beautiful beach there."

Napasinghap ako sa sinabi niya. Gulat na napatingin din sa 'kin si Arkia habang malaki ang ngiti sa labi nito. Kitang-kita sa mga mata niya ang excitement.

"Pack your things now, dalawang araw tayo ro'n," sabi naman ni Mayor.

Agad na nagpaalam si Arkia at pumunta sa silid niya para maghanda ng mga damit. Dapat tutulungan ko siya kaso kaya na raw niya ang sarili niya.

"Paano ang trabaho mo, Mayor?" nag-aalalang tanong ko.

"Adham will take care of that. He'll update me every time."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa silid namin. Naglabas siya ng bag saka inilagay 'yon sa kama. Nakaupo lang ako habang pinanonood ang ginagawa niya. Naglagay na siya ng mga damit niya sa bag. Pati mga damit ko ay siya na rin ang naglagay sa bag. Nanonood lang ako sa kaniya habang nakaupo sa kama.

"I love your panties, they're small," nakangising sabi niya saka inangat ang dalawang underwear ko.

"Mayor!"

Napaismid na lang ako nang ilagay niya ang mga 'yon sa bag. Kumuha rin siya ng mga towel at inilagay 'yon sa bag. Kumuha na lang ako ng isang unan at niyakap 'yon.

"Kailan tayo aalis, Mayor?" tanong ko.

Tumingin muna siya sa 'kin bago sumagot. "Ngayon," sagot niya saka isinara na ang bag.

Napasinghap naman ako at tila hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. "Ngayon? Right now? Right now, talaga? As in ngayon?" pangungulit ko.

"Let's go," sabi niya na lang saka binitbit ang bag at lumabas.

Agad naman akong sumunod sa kaniya. Kumapit ako sa braso niya. Natigilan ako nang inalis niya ang pagkakahawak ko ro'n saka humawak sa palapulsuhan ko. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at hinayaan siya.

"Mama! Papa! Ready na po ako, nagdala po ako ng swimsuit ko!" excited na sabi ni Arkia pagkalabas niya sa kuwarto niya saka lumapit sa 'min.

Napangiti na lang ako nang kumapit siya sa kamay ko, binitbit naman ni Mayor ang bag niya. Halatang tuwang-tuwa talaga siya at excited. Sa bagay, ako rin naman.

Private jet ni Mayor ang sasakyan namin papuntang Cebu. Medyo kinakabahan ako dahil first time kong sasakay sa ganito pero nangingibabaw naman ang excitement sa nararamdaman ko.

"Wow, Mama! Ang ganda ng airplane ni Papa!"

Panay ang ikot namin ni Arkia sa loob. Maliit lang nga ito at hindi tulad ng tipikal na eroplano na makikita sa mga airport pero talagang maganda ang loob at halatang mahal talaga. Binilang ko ang lahat ng upuan, sixteen lang lahat 'yon. Para itong bahay dahil may mesa at maliit na ref din sa loob. Sobrang nae-excite na ako.

"Wow, Arkia! Lilipad tayo," excited na sabi ko at napatili. Napatili rin si Arkia at napapalakpak.

Napapailing na lang si Mayor habang nakatingin sa 'min. Tahimik itong nakaupo sa kabilang gilid, muli niyang ibinaling ang tingin sa laptop niya.

Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon