Kabanata 72

19.3K 694 316
                                    

" Il Massimo Impero, however is not the same as here" bahagyang natawa ako sa sinabi niya.

He used to be part of that Mafia...

" So wala kayong gagawin kila Keian?" Tumaas ang kilay niya sa tanong ko.

" No. Our enemy is Gaius Samiano" napayuko ako nang marinig ang totoong pangalan ni Diego.

" Jax, balik na kami" tinanguan ni 'Kuya' ang dalawang lalaki tsaka humarap kay Jane.

" May gagawin ka ba? " lumingon sa akin si Jane at tumango.

Nabigla naman ako nung niyakap niya ako.

" Sana hindi magbago ang pakikitungo mo sa akin" medyo malungkot nitong sabi.

" Of course not" ngumiti siya at sumunod na sa dalawang lalaki.

" Come" nagtaka ako nang maglahad siya ng kamay sa harap ko.

" Ha?" Umirap siya at kinuha yung kamay ko at hinila ako.

" I want to show you something" maya maya ay dumating kami sa may bangin na may magandang view ng araw.

Napansin kong sa baba ay may tubig na parang may dagat.

Ayos ah. May ganito pala sa bayan.

" So? Is there any proof that you're working for an agency?" He chuckled at what I said.

May kinuha siya mula sa bulsa nung suit niya at pinakita ang isang I.D. na patunay na isa siyang agent.

" Hindi pa rin naririnig yung tungkol diyan sa D. I. A na iyan"

" Malalaman mo din, I told you, bago palang siya" bumuntong hininga ako.

Naisipan kong umupo sa may dulo ng bangin at halata namang kinabahan si Jax doon.

" Hoy! Baka naman mahulog ka!" Hindi ko siya pinansin at pinanood lang ang malapit nang lumubog na araw.

Tubig naman ang pagbabagsakan ko eh.

" What happened to you? I mean, after mong maaksidente" hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin tsaka umupo sa tabi ko.

Haisttt.

" I woke up in a hospital,  all alone. May doctor doon na dating military doctor and he decided to adopt me. Siya ang nagbayad lahat nung bills ko sa ospital. Sabi nung mga pulis, nakita nila akong duguan at may tama ng bala ng baril sa kalsada. I'm lucky I'm still alive"

" Jax? Is that your name?" He nodded.

" Hmmm. That's what Mr. Benji said. Honestly, bumitaw na ako sa thought na buhay pa yung pamilya ko 3 years ago, not that I remember them. Pero I used to think, matatandaan ko pa rin sila" nakngiti siyang tumingin.

" I'll be really happy if you happened to be my sister. I'm sorry, but I'll rely on myself in the meantime" binalik ko ang ngiti nito.

" Okay lang. Naiintindihan ko" tumayo siya tsaka ginulo ang buhok ko.

Na madalas niyang ginagawa dati nung magkakasama pa kami.

" Come on, let's go back" binalik ko ang tingin ko sa view.

" I'll stay here for a little while"

" Okay. Huwag kang magpapakahulog ah" pagkatapos noon ay umalis na siya.

Ienjoy ko naman yung view mag-isa...

---

Bumuntong hininga ako dahil kakalubog lang ng araw.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon