Chapter 34: Hongkong Part 2

1.2M 38K 8.8K
                                    

KANINA PA AKO hindi mapakali habang kumakain kami ng dinner. Hindi man ako tumitingin kay Papa pero alam ko na nakatingin siya sa 'kin, nakikita ko 'yon sa peripheral vision ko.

Pucha talaga.

"Skie, gusto mo na ba ng baby sister or brother?" biglang singit ni Mama.

Pareho kaming nabulunan ni Papa sa tanong na 'yon ni Mama. Lumapit agad sa 'kin si Serina at tiningnan kung ayos lang ba ako. Napatingin ako kay Papa at nakatingin din pala siya sa 'kin. Kumuha agad ako ng baso ng tubig at uminom.

"Honey, ano ka ba naman? Maaga pa para masundan ang apo natin," depensa ni Papa.

"Ikaw naman, honey, nagtatanong lang naman ako. Gusto ko lang din malaman ang iniisip ng apo ko," nakangiti pa niyang sabi.

"I want a baby brother! Tapos maglalaro kami ng PlayStation!" excited na sabi ni Skie. "Papa, gusto ko na po ng baby brother!" pangungulit sa 'kin ni Skie.

Naubo na lang ako. Hindi ko alam ang isasagot ko sa anak ko lalo na't nakabantay sa mga sasabihi ko si Papa.

"Skie, darating din 'yon, pero sa ngayon mag-enjoy ka muna sa pag-spoil sa 'yo nila Mamu at Papu, okay?" sambit ni Serina.

"Okay po, mama. Sabihan n'yo po ako kapag darating na siya, ha?" sagot pa ni Skie.

Natawa nang malakas si Sam. Tiningnan na lang siya nang masama ni Mama. "What? Natutuwa ako kay Skie eh," depensa niya.

"Tapos na rin kami kumain kaya aakyat na kami. Magpapalit na si Skie ng PJs niya. Hindi ba anak?" tanong ni Serina at tumango agad si Skie. "Mag-good night ka na kay Papa. Mag-uusap pa sila ni Papu mo kaya mamaya pa siya aakyat sa kwarto natin."

Nanlaki ang mata ko. Tiningnan ko si Serina. Sweety pie, bakit mo pinaalala kay Papa 'yong pag-uusap namin? Gusto mo ba akong mapahamak? Pag-akyat, ko baka bali bali na buto ko. Damn. Naiisip ko pa lang parang nasasaktan na ako.

Alam kong nabasa niya 'yong iniisip ko, pero ngiti lang 'yong sinagot niya sa 'kin. Akala ko ayos na kami, pero parang may galit pa siya sa 'kin.

"Good night, Papa!" sambit ni Skie at lumapit siya sa 'kin para yakapin ako. "Sweet dreams."

"Good night, anak. Matulog ka nang maaga, ha? 'Wag masyadong mag laro sa PlayStation ni Uncle Sam mo." Ngumiti siya at tumango sa 'kin. Nag-pogi sign kami sa isa't isa. Sign namin 'yong mag ama.

Habang nag-gu-good night si Skie kina Papa, lumapit naman sa 'kin si Serina. Nilapit niya ang labi niya sa tainga ko.

"Kapag kailangan mo ng tulong, tawagin mo lang ako," bulong niya. Nagkatinginan kami. "Alam mo na. In case masobrahan ng bugbog sa 'yo si Papa," Nnatatawa pa niyang dagdag. Inaasar niya talaga ako ha.

"Kung may gusto man akong bumugbog sa 'kin, ikaw 'yon, sweety pie," Pang-aasar ko naman sa kaniya. "Magtutuos tayo mamaya, Mrs. Gonzales," dagdag ko pa.

"Lover boy, come with me!" Napatayo agad ako sa kinakatayuan ko no'ng marinig ko ang boses ni Papa. "Hurry up!" sigaw pa niya.

"Wait for me, okay?" sambit ko kay Serina.

"Good luck, lover boy," pang-aasar na naman niya. Nakangisi pa talaga siya sa 'kin. "See you later!"

Napangiti ako. Nakahanap talaga ako ng katapat ko at masaya ako kasi asawa ko siya.

Sinundan ko si Papa papunta sa basement, sa winery niya. Mahilig siya sa alak dahil bata pa lang siya business na nila ang alak. Medyo kinabahan ako. Medyo lang. Mukhang mahaba habang inuman na may kasamang bugbugan, este, usapan 'to.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon