Chapter 30

919K 40.2K 24.4K
                                    

"Sol, may bulk order. Hindi kaya ng motor. Lexus needs your car."

Bumaling ako kay Roswell. "Saan daw?"

"Sa Las Islas, sa ginagawang tulay."

Tumango ako at iniabot sa kanya ang susi. Tinanggap niya ito at umalis na sa harap ko. I continued baking some cinnamon bites and crinkles. Pagkatapos ay isinalansan ko iyon nang maayos sa counter.

Nakita ko si Roswell na pumasok ng shop, hawak pa rin ang susi ng kotse ko.

"Pick up na lang daw," aniya bago muling iniabot sa akin ang susi.

I nodded. Less hassle.

Naupo muna ako para magpahinga. Dahil kakaunti ang delivery ngayong araw, nakita kong pumasok na lang si Lexus at tinulungan si Diane sa paglilinis ng mga mesa.

Natulala ako habang iniisip ang nangyari kagabi. I knew I didn't have to feel bad because I didn't ask him to cook for me. Pero sa mata nito kahapon, hindi ko maiwasang makunsensiya.

Umupo si Roswell sa harapan ko. Napatingin ako sa counter at nang makitang wala namang customer na oorder ay muli kong ibinaling ang tingin sa kanya.

"May tumawag kanina, magpapagawa raw ng cake para sa wedding anniversary."

"Kailan?"

"Two weeks from now," sagot niya. "Isinulat ko roon iyong contact info."

Tumango lang ako ulit sa kanya at nagkalikot na lang ng cellphone. Nagbasa ako ng comments at replies sa page para mawala sa isip ko ang nangyari kagabi. Tumayo si Roswell nang tumunog ang pinto ng shop. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pags-scroll.

Napasulyap lang ako sa ingay ng mga lalaki. Tatlo silang naroon. They were wearing steel-toed boots, a polo shirt, and knee-pad trousers. Sa porma nila ay halatang nasa trabaho sila.

Ibinaba ko ang cellphone para tulungan si Roswell. Marami silang orders at gusto kong bungangaan ang babae dahil ngayon pa lang ito nag-pa-pack.

The three eyed me. Muntik akong mapairap nang makitang ang isa sa kanila ay siniko ang kasama niya.

"Ms. Solene," tawag sa akin ni Roswell.

Lumapit ako sa kanya at bahagyang natawa sa itinawag niya sa akin. Tinulungan ko siyang mag-pack ng orders nila at nang matapos ay ako na ang humarap sa tatlo.

Akmang iaabot ko na sa kanila ang order nang pumasok si Duke sa shop. He was wearing the same clothes as them, ang kaibahan lang ay mas pormal ang suot niyang button-down polo. His expression was serious, and his lips were a bit pursed.

"Engineer," they greeted him. Nalaman ko agad na kasamahan niya sa trabaho ang tatlo.

"Bakit bumaba ka pa?" tanong pa ng isa.

Sumulyap sa akin si Duke bago muling bumaling sa tatlo.

"You're taking too much time."

I cleared my throat. "Kasalanan namin, Sir. We didn't prepare your orders beforehand."

He slowly nodded. Ang tatlong kasama niya sa likod ay nakatingin lang sa aming dalawa ni Duke. Iniabot ko sa kanila ang orders nila at tinanggap niya naman iyon.

It was amazing how he carried it all in his hands. Ni hindi na kailangan ng tulong ng tatlo.

Still, kinuha nila kay Duke ang order.

"Engineer, kami na po ang magbabayad. Mas marami po kaming order."

Duke shook his head, but his gaze remained focused on me. "Ako na."

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon