Chapter 37

1K 64 8
                                    

Siera Lance POV

Ngayong umaga ay nagising ako ng sobrang aga hindi ko din alam kung bakit. Nakita ko si Eleanor na natutulog pa nang may biglang pumasok na Nurse para check kung ano man yung ichecheck nya. Lumabas muna ako sandali at pinaubaya muna sa nurse kapatid ko.

Pag-labas ko ng pinto ay nakita ko si Cayden, hindi ko alam kung bakit pa nya kailangan mag-pakita pagtapos nyang hindi pansinin at intindihin ang kapatid ko na halos maghingalo na sa kulang sa tulog at gutom. Nilampasan ko na lang sya na may halong sama ng loob at nagtuloy tuloy sa paglalakad.

Pumunta ako sa katapat na restaurant ng hospital kung saan naka-admit si Elle, nag-take out ako ng makakain at gusto nyang kainin saka bumalik sa loob ng hospital pero habang naglalakad ako ay napansin kong wala na si Cayden. 

Nagulat na lang ako ng may humatak sa akin akmang susuntukin ko na nang mamukhaan kong si Cayden yung humatak sakin.

"What the fuck do you want?!" inis kong tanong sa kaniya kaya nagtinginan ang nurse at ilang tao dito sa hallway.

"Bro, i just want to ask how does Elle feel right now?" nabuwisit ako sa tanong nyang iyon na halos gusto kong isapak sa kanya ang mga mainit init na pagkaing hawak ko.

"Are you really expecting me to answer your fucking question?!" balik tanong ko sa kanya, i grab some nurse's arm and say, "Call security guard and tell them that this fucking crazy man is messing around got it?!" medyo mataas ang tonong sabi ko sa nurse at napatango naman at ito at agad na tumakbo para tumawag ng security. 

"Don't fucking do this bro." sabi nya sa akin bago ako makapagsalita ay hinatak na sya palabas ng mga security guard.

Kahit alam ko kung gaanong kagusto ni Eleanor makausap si Cayden ay hindi ko muna mapapayagan sa ganuong lagay niya. Mabuti na lang at hindi alam ni Mom at Dad ang nangyayari kay Eleanor dahil mas mukhang pagbabawalan nila si Eleanor makita si Cayden.

Pagkabalik ko ng kwarto ni Eleanor ay naka-upo na sya at masama ang timpla, mukhang nagising ng hindi tama ng nurse itong si Elle.

"Oh, kain na." sabi ko sa kanya saka inihanda ang pagkain.


Eleanor Kayne's POV

Nagising na lang ako ng may gumagalaw sa  kung ano sa gilid ko, pagbukas ko ng mata ay nakita kong ang nurse lang pala iyon. Bago ko makalimutan ang lahat ng nangyari kagabi ay tinanong ko na tong nurse kung naka duty sya kagabi.

"Naka duty ka ba kagabi?" tanong ko sa kanya at sya naman ay nagulat sa itinanong ko.

"Oho, bakit ho?" 

"Wag mo na akong galangin dahil mas matanda ka pa sakin, itatanong ko lang sana kung may pumasok sa kwarto ko kagabi." 

"Ahm, may nagtanong nga ho ng pangalang nyo. Lalaki saka madaming kasamang lalaki din, itinanong lang naman ang pangalan nyo saka umalis din" sabi nya saka inaayos na ang  mga ginamit.

"Ganuon lang?" sabi ko sa sarili ko at alam ko namang si Dark iyon. Mas mabuti pa sigurong tapusin ko na ng ayos ang koneksyon naming dalawa ni Dark dahil masyado ng nagugulo ang buhay ko.

Yumuko muna sakin ang nurse bago umalis.

Kapag naiisip ko ang taong pumasok sa kwarto kong ito ay kumukulo ang dugo ko. Narinig kong bumukas ang pinto pero di ko na tinignan kung sino iyon dahil alam ko namang si Siera lang yon dahil sya na lang naman ang wala dito.

"Oh, kain na." sabi nya saka inihanda ang pagkaing hawak nya. 

Hindi ako kumilos dahil nawawalan ako ng gana. Hinainan ako ni Siera ng pagkain sa harap ko pero ginalaw ko pero nilalaro laro ko lang.

"Meron akong nakitang lalaki na pumasok sa kwarto na to, nakasumbrero, hoodie at maong pants, sino sa tingin mo yon?" tanong ko kay Siera saka sumubo ng nasa harap kong pagkain.

"I have no idea, but i saw Cayden a while ago near at this room, mukhang kadarating lang. But i didn't allow him to meet you." sabi nya sakin.

"Ayoko munang makita rin siya muna, aayusin ko muna kabalbalan ni Dark." 

"Hmm, mabuti pa nga. Nakakasawa na ang pangalan nya lagi na lang sumisingit sa storya."

Natawa ako sa sinabi nyang iyon dahil halatang halata mismo sa mukha nya ang pagkaumay at pagkairita habang binabanggit ang pangalan ni Dark.

"HAHAHA, don't worry bro." sabi ko sa kanya.

Nagulat na lang kami sa ingay nina Alex, Wayne, Kurt na halatang halatang nagbabangayan.

"Ako nga kasi magbibigay!" Alex

"Wayne apaka epal mo naman e akin na nga yan!" Kurt

"AKO NGA KASEEEEEEEEEEEEEE!" Wayne

"Hoy! Ingay nyo!" saway sa kanila ni Siera.

"Si Wayne e"

"Si Kurt e"

"Si Alex e"

Sabay sabay nilang sabi saka ko natapik noo ko dahil aga aga naabnoy sila.

"Nga pala Elle nakita ko si Cayden sa parking lot ah, galing sya dito?" tanong ni Wayne saken saka kumuha ng mansanas at kinain.

"Hindi" sagot ko agad.

"Oh eto dala namen, ma-touch ka ha." malokong sabi ni Kurt kaya binatukan sya ni Alex.

"Salamat." natata kong sabi sa kanila.

"May pasok ah?" sabi ni Siera sa kanila.

"Ahh, papalate kami, mukhang papatalsikin si Kath and her friends sa school e." sabi ni Alex.

"Hmm, sino naman nag-utos? Kayo?" tanong ko sa kanila.

"Ha? nagulat na nga lang din kami e, pero ayos na yon dapat lang sa kanya yon." napatapik noo na lang ako sa sinabi ni Wayne.

"Good news, Nagising na si Kylo." hindi ko mapaliwanag saya ko ng malaman iyon.

"Can we visit him?" tanong ko kay Siera.

"No, next week." sabi nya saka napanguso naman ako. Gustong gusto ko magsorry kay Kylo dahil sakin ay sinapit nya iyon.

"Tomorrow." sabi ko sa kanya saka ako sinamaan ng tingin.

"Tsh, okay ka na ba ha?" banas na tanong nya saka akmang tutusukin mata ko.

"Yung tyan ko na lang naman e. Dali na gustong gusto ko na magdischarge" sabi ko sa kanya.

"Hindi pa nga pwede ok? kapag pwede na"

Nabadtrip ako sa sinabi ni Siera kaya naman padabog akong humiga, mabuti na lang at wala na yung pagkain sa harap ko.

"You can visit him soon Elle." striktong sabi nya sakin.

"By the way, high way. Mukhang nag-away si Vanessa saka si Cayden, tapos dahil madrama si Vanessa umalis ulet while crying." sabi ni Kurt at natawa naman lahat bukod sakin dahil naiinis ako sa pangalan nya.

"Mukhang gusto ka naman na kausapin ni Cayden, Elle e." sabi ni Alex.

"Ayoko pa, may aayusin muna ako." sabi ko at naintindihan naman nila.

Matagal tagal din kaming nagkakwentuhan, mga bandang 12:00 pm pagtapos nilang kumain dito ay pumasok na sila sa school. Naguusap na lang kami ni Siera kung kelan kami makakauwi at sa sobrang kulit ko nainis siya saka ako binalibag.

Hindi ko alam kung kapatid pa ba turing sakin nito o hindi na.






























itutuloy~

Treasure everything comes to your life.

Unwanted Boyfriend: [The Unwanted Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon