Jogging

0 0 0
                                    

CLOE'S POV

"Goodmorning po maam, sir" Bati samin ng guard.

"Goodmorning din po" bati ko pabalik, nagngitian pa kami. Tinignan kami ni Nathan kaya ngumiti ako sa kaniya.

Nandito na kami ngayon sa kumpanya at naglalakad sa daang empleyado. Nakasukbit pa ang kamay ko sa braso ni Nathan.

Maraming bumabati samin pero ni-isa doon ay wala manlang binati si Nathan, ako lang ang bumabati pabalik sa kanila.

"Don't be rude, my love" Naka-ngiti ako sa mga employee nang sabihin ko iyon kay Nathan.

"I'm not being rude I'm acting like a boss here, my wife" Tumingala ako sa kaniya.

"Everyone knows you're their boss, kahit na ngumiti ka nalang sa kanila? Hmm?" He sighed then smile.

Naglakad na nga kami papuntang office nang may ngiti. Nang makapasok kami ay sumunod ang secretary niya, dumiretso naman ako sa office ko.

Napatingin ako kay Nathan at sa secretary niya. Nakikita kong natatakot 'tong si ate mo ghorl. Bakit naman kaya?

Nagulat ako nang biglang tignan ako ni Nathan kaya kaagad kong inilagay ang atensyon ko dito sa laptop. Nang susulyap muli ako ay nakasara na ang curtain.

"Damot" Mahina kong sabi.

Nagtrabaho nalang ako ng nagtrabaho. Ako na ngayon ang acting CEO kaya mas nakakapagod ang trabaho ko.

Our company is about selling lands and houses and I need to sell ten lands and houses in three months. It's part of me being the 'wife'.

"Ay wife!" Nagugulat kong tinignan ang pinto na bigla nalang bumukas.

"Let's have a lunch" Napahinga ako ng malalim habang nakahawak sa puso ko.

"Can you knock?" Nakahawak parin sa puso kong sabi. Ngumiwi siya.

"Why would I? This is my office" Napakamot ako ng ulo.

"Office ko kaya to, dun office mo oh" Itinuro ko pa ang kabilang kwarto.

"Let's go im hungry" Pagkasabi niya non ay tinalikuran niya na ako. Tumayo naman na ako at nag-ayos.

Nahiya tuloy ako sa suot ko binili ko lang to sa ukay habang ang damit ni koya niyo eh mamahalin.

Naglakad na kami papuntang coffee shop, ang sabi niya kasi ay baka raw namimiss ko na ang mgakaibigan ko.

"Ahhhh!! Carlo!!" Sigaw ko nang lumitaw siya sa pinto.

"Uy teh kamusta?" Umupo siya sa harap ko habang si Chelle ay sa harap ni Nathan.

"Okay lang, kayo? Chelle nabalitaan ko yung promotion mo teh!" Ngumiti siya at nag-flip hair.

Arte ni ate mo ghorl oh.

"Syempre magaling akong empleyado" Ngumiti ako at nag-angat ng dalawang kilay sa kaniya.

"Order what you want guys it's my treat" Napabaling ako kay Nathan.

"Ay sir salamat! Hayy nakatikim din ng libre" Inabot ko siya para paluin.

"Gaga ka talaga" dagdag ko pa.

"Kahit lahat to sir okay lang?" Tinaasan siya ng kilay ni Nathan.

"Basta ba uubusin mo sa harap ko" Sinipa ko sa baba si Carlo kaya napangiwi siya.

"Aray pocha, Cloe" Tinignan ko siya ng masama.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Day Dreaming Where stories live. Discover now