00 : Prologue

162K 3.2K 1K
                                    


7 DAYS OF HEARTBEATS

"What do you think was the reason behind your success? Syempre, ang daming humahanga sa iyo ngayon. You're one of the reasons why we won last FIBA world cup. Malaki ang kontribusyon mo sa team."

"You're flattering me, Ms. Zoey. Hindi naman malaki ang inambag ko sa team. The reason why we won was because of team works," I chuckled.

"I see, you're being humble," natatawang saad ni Ms. Zoey. We both laughed after.

"Anyway, if you don't mind. May pinag-aalayan ka ba sa pagkapanalo niyo?"

I stopped for moment as I felt my heart skipped a beat. I deeply sighed before smiling brightly.

"Yes, of course. Sinong wala? From the first place, I played for hoping that maybe that someone I cherished the most is watching me from afar. I want her to be happy for my success. Pangarap kasi namin ito dati. Being part of national team is too much for me. Paano pa kaya kung bigyan ako ng pagkakataon na makapaglaro internationally?"

Natigilan ako sa pagsasalita nang makita ang mukha ni Ms. Zoey na tila interesado sa sasabihin ko. Ah. I forgot this is the first time I have talked about a girl.

"Go on," ani Ms. Zoey.

I dimly smiled. "Gusto ko lang makita niyang natupad ko ang pangarap namin."

"So, who is she?"

Bumuntong hininga ako.

"My girlfriend." Tumayo ako matapos ko siyang sagutin. "Anyway, time is up. Dadalawin ko pa ang girlfriend ko."

"Thank you for your time, Mr. Ian Andrada. Hope to meet your girlfriend soon."

Agad kong tinungo ang labas ng cafe matapos ang interview. Agad akong nagtungo sa flower shop para bumili ng bulaklak.

"Ian, dude!" masayang bati ni Song matapos kong pumasok sa loob. Gulat naman akong makita siya. It has been years since the last time I saw him. Huling pagkikita namin ay noong graduation day. Hindi na ako nagkaroon ng balita sa kanila.

"Kamusta?" galak kong tanong. Nagkibit-balikat siya, itinuro ang inaayos na mga bulaklak.

"I am now a-"

"Awit! Where are you ba?! I can't see my pouch!"

Napatingin ako sa likod niya nang lumabas doon ang isang babae, a six-month pregnant woman. Hindi ako makapaniwalang ibinalik ang tingin ko kay Song.

"W-What the hell is happening?" I outrageously asked.

The woman named Patricia. I can't just believe that they ended up together. Sa pagkakaalala ko ay mortal silang magkaaway noong college. Walang oras na hindi sila nagbabangayan. Sinong mag-aakalang sila ang magkakatuluyan sa huli? Kahit kalian ay masyadong mapaglaro ang tadhana.

"Ah. Ngayon ba? As you can see, isa nang battered husband ang pinakagwapo sa tropa-"

"I said hindi ko makita anywhere ang pouch ko!"

Napahawak si Song sa batok niya nang tumama dito ang lumilipad na tsinelas. I can't stop myself from laughing. He's a battered husband now, indeed.

"Aray ko naman! Ulyanin ka ba?! Nasa taas mo nilagay. Sa gilid ng unan!"

Inirapan siya ng asawa niya bago tumingin sa direksyon ko at ngumiti ng pilit bago umalis. Napasinghal naman si Song na ibinalik ang tingin sa akin.

"Haist! Magkano ba ang magpa-annulment?" bulong niya. "Kung hindi ko lang mahal ang babaeng iyon ay tagal ko nang tinakbuhan."

Natatawa akong tumingin sa kaniya. Iba talaga ang ginagawa ng pag-ibig sa isang tao. Kahit gaano pa ito mapanakit ay pipiliin at pipiliin pa rin ng tao na manatili.

"Akin na ang pina-reserve kong flowers," aniko. Agad naman siyang tumalikod at kinuha iyon.

"Para saan 'to? Sa girlfriend mo?" takang tanong niya.

"Kay Lyn," hindi na nagdalawang-isip na tugon ko. Natigilan naman siya sa narinig. Hindi ko naman maiwasang mapangiti.

"Anong iniisip mo?" tanong ko sa kaniya.

"Siya pa rin pala," aniya. Ngumiti naman ako at tumango.

"Oo. Siya pa rin," pag-uulit ko.

"Oo nga pala. Buti na lang dito ka nag-order. May party mamaya, it's Aaron's wedding night. You have to come," pag-iiba niya sa usapan.

"Sure."

Napangiti ako matapos kong lumabas sa shop. Mukhang ang daming nagbago ngayon. Halos lahat ay meron na ngayong sariling pamilya.

Matapos ang ilang minuto ay nakarating ako sa lugar na patutunguhan ko. I smiled when I saw her sitting at the seaside, watching the waves coming to her direction.

"Lyn!"

Mabilis siyang napalingon sa akin at kumaway. Agad naman akong lumapit sa kaniya at tumigil isang metro ang layo sa kaniya, ramdam ang malakas na pagtibok ng puso ko. After all, she was the only one who could make my heartbeat like this.

"Happy anniversary," aniko.

Muli ay nanumbalik sa akin kung paano ko nakilala ang babaeng nasa harap ko ngayon.

She's my first at everything. My first love, first kiss, first girlfriend, my happiness, and my heartbreak.

----

----

THIS IS JUST A FICTION

WARNING: THIS STORY IS FULL OF GRAMMATICAL AND TYPOGRAPHICAL ERRORS. DON'T HESITATE TO TELL ME KUNG MERON AKONG MALI.

Don't forget to vote, comment, and follow me for you to be updated.

-----

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

"All Rights Reserved. No part of this book may be reproduced or utilized in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without permission in writing from the author."

PLAGIARISM IS A CRIME!!

Seven Days Of Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon