CHAPTER 4

13K 461 111
                                    

"Ngayon ko lang nalaman."

Hindi ko malaman kung bakit kailangan na andito pa ako, pinapagitnaan ako ng dalawang makapangyarihan na pamilya dito sa San Soriano, ang mga Soriano at ang mga Ardiente.

"Unlike what happened to the other woman, hindi niyo kailangan na mag-alala." Bahagya ko na in-angat ang aking tingin sa babae na nakakatakot tingnan, siya ang ina ni Samira. Kay hirap salubingin ang kanyang tingin dahil sa hinahatid niyang awra. "We just want Siwon to marry our daughter, give our grandchild a family."

"No worries, I won't ask for money, because I can provide for myself." I lowered down my face the moment our eyes met, Samira and I. I can feel the sarcasm in her every words and even in her family's.

"I'm not even sure if it's mine." Nakita ko ang pagtaas ng kilay ng ginang o ng magulang ni Samira.

"You can trust a low class girl but you can't trust your fiancé?"

"It's my brother's sperm, he knows it." Hades commented, prenteng naka-upo lamang siya sa sofa at pinapanuod ang mga Ardiente. "If you really want my brother to acknowledge your grandchild, bakit kailangan na may kasal pa?"

"Yoon naman na talaga ang plano noong una pa lang diba?" Singit ng tatay ni Samira. "Tanging si Siwon lamang ang naging lalake sa buhay ng anak ko."

"Even Princess Diana said that to Prince Charles, but look at her now." Psalm then placed his hands inside his pocket.

"Few weeks before Sanya came, you know to yourself that something happened between us, Siwon." Samira then wiped her tears making the Sorianos' brows furrow as she looks so pitiful right now. "There's no other man than you, Siwon. How can you manage to easily believe on Sanya while it's too hard for you to believe me?"

Hindi ko alam na kung sa anong dahilan ay nagtagpo ang mga mata namin ni Siwon, tila ba may hinihingi siyang sagot sa akin ngunit muli na lamang akong tumingin sa aking sapatos.

"That's it, I had enough with people tricking my son." Umangat ang tingin namin sa biglaang pagtayo ng matandang Soriano o si Don Hacinto. "Oras na mapanganak yung dalawang bata, ang bata na wala kahit ni isang patak ng dugo mula sa Soriano, papatalsikin dito sa buong San Soriano."

Wala akong kailangan na ikatakot, alam ko sa sarili ko na tanging si Siwon lamang. Pero hindi ko maiwasan ang pagkatakot sa boses ni Don Hacinto, nakakatakot siya ngayon at ngayon ko lamang siya nakita na ganito. Tumingin sa akin si Don Hacinto habang siya ay nakatayo, umiwas na lamang ako dahil sadyang nakakatakot siya ngayon.

"God knows that this child that i'm bearing right now is Siwon's." Samira then took the distance from her and to Siwon, that is when I saw her kissed the father of my child. "You know that I will never lie on you and I never did, Siwon I love you so much that even hurting you will be the last thing that i'll do."

"Magpahinga ka na lang muna, nakakapagod yung umaga na 'to." Malumanay na wika ni Siwon.

"Can I sleep in your room? I find it comfortable there? Just for now, please?" Tanging sa sapatos ko lamang ako naka-tingin nang marinig ko ang pagpayag ni Siwon, wala lang naman ito sa akin ngunit naalala ko lang talaga ang sinabi ni Siwon na pag-alis namin. "Come with me please?"

"I can't, may pupuntahan kami ni Sanya-"

"Hindi, ayos lang." Tumayo ako at binigyan sila ng malapad na ngiti, maari ko na rin ito na tsansa upang makita si Lola. "May pupuntahan na rin naman ako, isasama ko na lang si Anika."

"No that's not necessary, I already told you that we have plan for today, I won't back out from my words." Tumawag siya ng isang katulong at agad naman na ito na lumapit sa kanya. "Pakisamahan na lang si Samira sa kwarto ko, give her everything she wants."

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon